"Hindi ako pinalaking madamot at mapang-api sa kapwa. Sa katunayan, malaki ang pasasalamat ko sa inyo sa pagbabalik kay Sep sa buhay ng asawa ko. Nakita ko kung gaano kalaking pagbabago ang nangyari sa kanya mula nung nagkita sila ni Sep. Dati, ang lungkot-lungkot nya palagi kahit na andyan na sina Jared at Sabina. Nung lumalaki na sina Jared at Sabina, unti-unting bumalik yung lungkot sa mga mata ni Nadia lalo na sa mga panahong nahihiwalay sya sa mga bata kapag nagbabakasyon sila sa mga Lola nila ng buong summer." Javier sat with Nanay Straw and Lola Char once they got settled into their new home within the Marcelino's compound.
"...pumapayag ako na dito kayo sa amin tumira pero..."
"...iyon nga po ang gusto naming ipakiusap sa inyo..." Nanay Straw began. "...hindi po kasi talaga namin kayang bayaran ang upa sa ganitong lugar..."
"...pero ayaw din kaming payagan ni Ma'am Nadia na bumalik sa Divisoria kasi nga delikado daw..." Lola Char added.
"Naiintindihan ko po lahat..." Javier said. "...kaya kung okay sa inyo, dito po kayo titira ayon sa gusto ni Nadia at para hindi na kayo malayo kay Sep, pero kung pupwede, si Strawberry na ang magiging secretary at assistant ni Nadia, at kayo naman po Lola Char, ang tagapamahala sa mga kasambahay..."
"...mayordoma?"
"...manager...home manager..."
"Ay! Gusto ko po yan...ang sosyal ng dating ng 'manager'..." Lola Char smiled.
"Opo...suswelduhan ko din po kayo tulad nung sweldo ko sa mga empleyado ko at kasama na po sa benipisyo nyo yung pagtira dito sa cabaña ng libre..." Javier ended. "...hindi na rin po kayo magtitinda sa Divisoria..."
"...eh papaano po yung kaso kay Sep?"
"...tuloy-tuloy ang pag-imbestiga nina Brad at Lester...kakausapin ko ulit si Sep para makakuha pa ng ibang detalye sa kanya..."
---
"Nadia, love..." Javier's voice was stern.
"Bakit?"
"Dito ka sa kabila maupo. Bulag lang si Sep, hindi sya inbalido..." Javier laments as Nadia dotes on Sep at the dinner table.
"Pero isda ang ulam natin..." Nadia hesitantly moves to the other side of the table where Javier pointed her to sit.
"Pwede naman sya kumain ng isda ng mag-isa. Eto..." Javier puts fish meat on Sep's plate. "Sep, isipin mong orasan yang plato na nasa harapan mo. Nilagay ko yung isda sa bandang alas-dos. May kanin sa bandang ala-sais at may gulay at sabaw sa labas ng orasan sa bandang alas-dies..."
"S..salamat po..." Sep said as he felt for his spoon and fork on the sides of the plate.
YOU ARE READING
Largesse
General FictionWhat gifts or blessings can we share with others selflessly? *based on The Gift (GMA 7)