Chapter 21 - After three years

63 11 24
                                    

Chapter 21 - After three years





























"Ninety-seven... ninety-eight.... ninety-nine... one... hundred," pagbibilang ko. I stood up, firmly after completing my daily routine of doing a hundred full push-up every morning. Ni hindi man lang ako pinagpawisan sa ginawa ko dahil siguro sanay na ako sa isang daang full push-ups kada umaga.

Makapunta nga ulit sa gym mamaya after class.

I walked towards the cabinet to grab my towel. Pagkakuha ko ng tuwalya, dali-dali na akong pumasok sa loob ng banyo at naligo. Today is an ordinary day for me. Wala namang bago sa araw na 'to bukod sa mga reporting na magaganap mamaya, at pinaghahandaang founding anniversary ng school.

It took twenty minutes before I'm done taking a bath. Paglabas ko ng banyo, nagbihis agad ako at humarap sa salamin. Inayos ko ang buhok ko sa ayos na gusto ko. I even put some wax on it gaya ng palagi kong ginagawa. Di bale ng mapanot pagtanda, basta ma-enjoy ko ang pagiging bata.

Mula sa tabi ng salamin, kinuha ko ang contact lense ko. Late ko na narealize na sobrang baduy palang gumamit ng salamin kahit gaano pa ito kaganda. Isa pa, hindi bagay ang mga salamin sa mga katulad kong biniyayaan ni Lord ng itsura. Might as well use this face to encourage more chix.

"Nak, hindi ka ba muna mag-aalmusal," alok sa akin ni mama pagbaba ko sa sala.

Umiling ako. "Hindi na po, baka malate lang ako sa school. Magalit nanaman 'yung matandang dalaga kong professor," I said before I gave her a goodbye kiss.

Sumakay na ako sa kotse ko at agad itong pinaandar. Nakabukas naman ang gate dahil kaalis lang din halos ni papa para pumasok sa trabaho niya. Isa siyang manager ng isang hotel sa Tagaytay kaya halos sabay kaming umaalis ng bahay. While mom, lumaki ang negosyo namin na tapsihan noon at naging isang classic-styled restaurant na ngayon.

Nagseserve pa rin naman kami ng mga tapsi, pero hindi na basta tapsi lang. My mom is good when it comes to experimenting foods kaya nakagawa siya ng mga best sellers na dishes na tapa ang pangunahing sangkap. But, we also serve other dishes na imbento rin ni mama. Some of it ay may integrated recipes lang.

No traffic papuntang school kaya naman kumpyansa akong hindi ako malalate sa first class ko.

That's what I thought.

Nagpapark pa lang ako, narinig ko na kaagad ang sigawan ng mga babae mula sa labas. Lalo pa nang bumaba ako sa kotse ko. I get used to it pero naiirita pa rin ako sa kanila dahil tulad ngayon, hindi nga ako late na dumating sa school, pero malalate naman akong pumasok sa first class ko dahil nakaharang sila sa dinadaanan ko.

"Excuse," walang gana kong sambit pero imbis na tumabi sila, mas nagtilian pa sila.

I really don't get this girls.

I know I have this handsome face, this notable appeal, smart and wise, and this voice of mine. Pero marami namang katulad ko sa university na 'to, yet they chose to be a fan of mine. Nagkaroon na nga rin ata ako ng sarili kong fan club dito sa university na 'to kahit na pangatlong taon ko pa lang dito.

"Kyaaaaah! Juo bibi ko emerged!"

"Ghorl ang pugiiii!"

"Na-eexcite na ako sa tugtog nila sa founding anniversary next week! Can't wait na marinig ulit ang bad angelic voice niya!"

Dahil sa mga naharang na babae, it took fifteen minutes for me to pass them all. And when I actually pass all of them, may nag-iisang babae na halos mukha ng clown dahil sa kapal ng make-up niya na humarang sa daan ko at lumapit sa akin at niyapos-yapos ang braso ko.

DownpourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon