Special Chapter - Yana's Depression

114 8 2
                                    

Timeline : In between Chapter 20 and 21.

Special Chapter - Yana's Depression

Yana's POV,

"Yana, kumain ka na. Kagabi ka pa hindi kumakain," dinig kong sabi ni Mama pero hindi ako nakinig sa kaniya. Bagkus, humarap ako sa kabilang side ng kama at mas diniin ang mukha ko sa hawak kong unan. "Anak, nag-aalala na kami sa'yo," aniya pa niya pero hindi ko siya kinibo at nagpanggap na natutulog na at walang naririnig.

Naramdaman kong nawala na rin siya sa tabi ko. Muling bumalik ang tahimik kong mundo. Alam kong wala na si Papa at hindi maibabalik ng ginagawa kong ito ang buhay niya. Pero tao lang ako, I'm his daughter that can't accept the fact that he died. Wala na siya sa amin at hinding-hindi na siya babalik pa sa amin. Hindi ko alam kung papaanong babangon ulit, o kung makakabangon pa ba ako pagkatapos nito.

Ilang araw na nga ba ang lumipas? Pito? Walong araw? Hindi ko na maalala kung kailan ako nakatikim ng pagkain. Hindi ko matandaan kung kailan ako nakaramdam ng init mula sa araw, at ulan mula sa labas ng bahay. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako muling lumabas ng k'warto. Simula yata nang dumating kami rito sa UK, hindi na ako muli pang nagpakita sa kapatid ko at kay Jen.

This isn't me.

But I don't hate this even if they'll hate me.

Hindi nila naiintindihan ang nararamdaman ko. Well, they feel what I'm feeling right now. Pero hindi ko sila kasing lakas. Hindi nila ako kasing hina kaya iba ang epekto sa akin ng pagkawala ni Papa. Hindi ko kayang tanggapin at hindi ko tatanggapin kahit kailan. I mean yes, he's dead now. But that doesn't mean na hindi ko na siya makikita pa.

I can.

I will.

Tumayo ako sa higaan. Ito ang unang beses na ginawa ko ito simula nang pumasok ako sa k'wartong ito. I really need to do this. In fact, I've been thinking about doing this para maibsan na ang nararamdaman ko. Para hindi na ako mahirapan pa. Para hindi na ako makaramdam ng sakit, at hindi ko na maramdaman pa ang pangungulila.

Dumiretso ako sa banyo.

Hinanap ko sa maliliit na aparador ang bagay na kakailanganin ko para tuluyan ko nang makasama si Papa. Para makita ko siya ulit at masabi kung gaano ko siya kamahal. I'm close to him. Closer than my Mom. Kaya handa akong gawin ang lahat para makasama ulit si Papa. At walang makakapigil sa akin, besides, this is my life and I have the rights to decide for my own.

Napahinto ako nang makita ko ang blade na never ko pang nahawakan. Hindi ito ang unang beses na nakita ko 'to, pero hindi tulad noon na ingat na ingat ako sa paghawak nito, ngayon wala akong pakialam basta't mahawakan ko lang ito.

Wala na ito sa balot.

Manipis at matalim ang bawat side nito.

Napatingin ako sa harapan ko, kung nasaan ang salamin. Wala akong ibang makita kung 'di isang babaeng mugto ang mga mata, halatang walang maayos na tulog, nakangiti na abot hanggang langit pero may luhang pumapatak sa kaniyang pisngi. Wala akong ibang marinig kung 'di ang boses ko mismo, nagsusumamong gawin ko na ang bagay na dapat ginawa ko na noon pa lamang na naisip ko na ito.

Nilahad ko ang pulso ko.

Handa ko nang hiwain ang pulso ko, at tapusin ang buhay na meron ako para makasama muli si Papa. Sa gulo ng buhok ko, at sa lalim ng mga mata ko, ngayon ko lang naramdaman ang pagkasabik sa bagay na never naging tama sa paningin ng iba. Ito na ang pinakamasaya, pero pinakaselfish na bagay na gagawin ko sa buong buhay ko... para kay Papa.

Napapikit ako.

Ilang ulit na naglakas ng loob.

Pero hindi ko kaya.

I can.

But I won't.

***

Nakatanaw ako sa mga naglalakad na maraming tao. Naka-upo ako sa gilid, sa isang bench at tahimik na nagmamasid sa kawalan habang hinihintay na magdilim.

Kanina pa ako rito.

Hindi ko namamalayan ang oras.

Tingin ko nga, marami na ring nakapansin na kanina pa ako sa p'westong ako. They'll think that I had a serious problem, which is true. Siguro iniisip nila kung anong problema ko ngayon. Siguro iniisip nila na kawawa naman ako. Maging ako, awang-awa na sa sarili ko.

Hindi ko kasi kinayang wakasan ang sarili kong buhay.

"Hey? Can I have a seat?"

Nasaan na kaya ngayon si Papa. Alam kaya niyang sobrang lungkot ko? Alam kaya niya na gusto ko nang sumunod sa kaniya? Alam kaya niya na naiinis ako sa kaniya kasi umalis siya at hindi ako sinama? Alam kaya niya na sobra ko na siyang miss?

"Are you okay?"

If only I knew this will happen, sana mas inalagaan ko siya. Sana mas binigyan ko pa siya ng maraming oras. Sana pala binusog ko siya ng mga I love you papa o kaya'y dinoble ko sana ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa kaniya.

Kaso hindi ko nagawa e.

"Sometimes, it's hard to let go your problems because you're afraid it'll never be solved if you let it in the corner. But that's wrong. You must enjoy life and let your problem solve itself."

Napalingon ako sa lalaking katabi ko.

Hindi ko gustong magulat sa mga oras na 'to dahil sa mga iniisip ko, hindi ko alam kung paano pa isisingit ang isang 'to.

The eyes.

The nose.

From forehead to chin.

"Jimin?" I reluctantly asked.

He furrowed his brows, "probably not," he replied.

"Then who are you?" Tanong ko. Alam kong hindi tama itong nararamdaman ko, o baka ako lang ang nag-iisip na hindi tama ito. Pero gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang estranghero na ito. Hindi ko siya kilala, pero parang nawala ang problema ko kahit ilang minuto lang.

"May I know yours first?"

"Julliana. Yana for short," I know it's weird na kumausap ng estranghero. Pero kung malalaman ko naman ang pangalan niya, hindi naman na siya considered as stranger hindi ba?

Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"My name is Jimmy. Loves for short," then he winked.

--

An : I guess you know what happened next, right? This will be the last part of Downpour. Again, thank you for reading and appreciating my story as much as I do. If you want another story to read, feel free to come across my profile. I have lots of completed stories there. Thank you and Enjoy!

DownpourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon