Chapter 12 - Smiley Candy

76 14 42
                                    

Chapter 12 - Smiley Candy


























"Ako rin naman maraming favorite songs. Bakit 'di mo ako tinatanong?" Tanong ni Jen habang naglalakad kami.

Galing kami sa isang milktea-han sa kanto malapit sa school namin. Nilibre ako ni Francheska at si Alas naman ang sumagot sa milktea ni Jen s'yempre. Nagshare pa sila ng words ni God kaya feeling ko naging banal ako sa milktea shop na tinambayan namin kanina.

Ako ang naghatid kay Jen pauwi as usual dahil hindi siya hinahatid ni Alas. Siguro takot sa kabanalan na meron ang bahay nila Jen or... baka takot kay Kuya Denden kaya ayaw pumunta sa bahay nila Jen.

"Jen, wala naman akong pakialam kung marami kang paboritong kanta. Marami rin naman akong paboritong kanta pero hindi ko naman dinemand na itanong mo sa'kin 'di ba?" I said habang focus sa dinadaanan namin.

"Hmp!" Tangi lamang nitong sagot. "Bakit mo ba kasi tinanong sa kaniya kung may paborito siyang kanta? Eh lahat naman ng tao may paboritong kanta," pagtatanong pa niya.

"Ang tanong ko naman ay kung anong paborito niyang kanta," pagtatama ko sa kaniya. "Malay, basta gusto ko lang magdagdag ng mga kaalaman tungkol sa kaniya. Alam mo na, if... if lumalim nga 'tong nararamdaman ko sa kaniya, at least may alam naman ako tungkol sa kaniya kahit papano," I explained.

Natahimik siya habang naglalakad. Napatingin tuloy ako sa gilid ko kung nasaan si Jen kanina. Wala na siya roon at mukhang kinakausap ko lang ang sarili ko all this time. Hayop talaga.

Napalingon ako sa likuran kung saan siya nakatayo at nakatulala sa harap ng isang tindahan. Hindi ko alam kung anong tinitingnan niya roon kaya nilapitan ko siya at kinalabit.

"May bibilhin ka ba?" Tanong ko.

"Gusto ko ng candy," aniya na parang bata kaya napasampal na lang ako sa noo ko. "Juo bili ka," pag-uutos pa niya.

"Iyong pera ha. Hindi pa nakakarecover wallet ko sa paglalaro ninyo sa arcade noong nakaraan," ani ko habang inaalala kung gaano nalaspag ang wallet ko nang pumunta kaming apat sa SM. Naubos lahat ng cash ko at naging token. Tuwang-tuwa siguro Tom's world sa akin dahil ang laki ng naiambag ko sa negosyo nila.

"Sige, basta ikaw bibili," aniya habang kumukuha ng pera sa wallet niya. Naglabas siya mg bente at inabot sa akin. "Lima lang ha," she said.

"Bente binigay mo sa'kin tapos lima lang bibilin ko na candy? Ang kuripot mo naman," nakakunot noo kong wika.

"Ih! 'Wag ka na makialam. Nag-iipon ako."

"Para saan?"

"Para sayo," malandi niyang saad tapos nilabas ng kaunti ang dila niya habang nilalagay sa likod ng tainga ang buhok niya sa gilid ng mukha. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natawa siya. "Basta nag-iipon ako. 'Wag ka na magtanong, bumili ka nalang kasi."

Umakyat ako sa hagdan ng tindahan. Muntikan pa akong matapilok buti na lang magaling ako magpretend na parang wala lang nangyari.

Sa sobrang galing ko magpretend hindi mapansin ni Yana na gusto ko siya.

"Pabili po," mahina kong saad. Nakakatakot bumili ngayon, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi no'ng huli akong bumili sa tindahan, may tindera na nag-gimme gimme at nabali ang spinal chord. Nabalitaan ko na sumakabilang buhay na siya no'ng nakaraang araw dahil nacomatose ata. Connected daw kasi ang spinal chord sa utak ng tao kaya ayun.

Wala naman siguro akong kasalanan do'n 'di ba?

"Ano 'yon?" Tanong sa akin ng tindera.

Napatingin ako sa lahat ng candy na binebenta nila. All of it taste sweet obviously, pero may ilan na tinitingnan ko palang feeling ko nauumay na ako sa tamis. Gusto ni Jen 'yung karate belt na ilang beses ko ng natikman sa buong buhay ko. Maasim na matamis 'yun pero nauumay ako kapag nasosobrahan.

DownpourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon