Chapter 15 - Verse

71 10 22
                                    

Chapter 15 - Verse
























"One, two, three and four, ay bwiset!"

"Ganito kasi."

"Eh mali naman paa mo e."

"Can anyone please tell me what the heck happened?" Maarteng saad ni Yohan dahil hindi niya nasundan 'yung step na tinuturo namin ni Bal sa kanila.

Kailangan kasi ng dance number sa grand ball namin dahil 'yun ang tradition, or I think meron talaga dapat no'n. S'yempre dahil last year na naming magkakasama, may mga slow dance kami sa performance namin at meron din namang nakakahype.

"Ilang beses na naming naituro Yohan. Gets na nga ng kapartner mo," wika ni Bal sa kaniya.

Inulit namin 'yung step namin sa slow dance part ng performance namin. Mga ilang try pa, nakuha na rin ni Yohan 'yung step.

Sa room namin pinapractice 'yung isasayaw namin sa ball since hindi pa available 'yung gymnasium namin dahil sa Westhood Movers na nagpapractice doon. Not to mention that they have their own studio, yet pakalat-kalat pa rin sila sa campus kung saan sila magpapractice. Minsan sa ground, sa space bago magcanteen, at sa gymnasium.

Ginawan pa sila ng administration ng studio, hindi rin naman nila ginagamit. Design lang. Masabi lang nila na may studio na sila. Siguro mga tinatamad umakyat ng hagdanan dahil nasa 4th floor pa 'yung studio nila.

"From the start," sabi ni Luther, ang president ng room namin na hindi ko trip gumawa ng step. Walang dating at sobrang panget. Pero ayoko ng sabihin pa sa kaniya dahil nag-eeffort siya makagawa lang ng step. 'Di nga lang talaga maganda.

Tumugtog 'yung masquerade. A song from the Phantom of the Opera na sobrang pinupush ni Luther na magkaro'n ng sayaw. Parang entrance lang naman namin 'yon.

Dahil nasa room nga kami at hindi kami kasyang lahat, magulo mang tingnan basta nasasayaw namin, kahit magsisikan ayos na.

Nagtuloy-tuloy 'yung kanta hanggang sa makarating kami sa pangatlo naming song. Kapartner ko rito si Yana. I mean, in all of the songs, kapartner ko si Yana. Kaya itong puso ko, tuwang-tuwa kahit hindi ko pa nakukuha 'yung last sign ko kay Lord.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya habang sumasayaw kami at sinasabayan ang ritmo ng kanta.

"Ayos lang," sagot niya bago ko ihawak ang isang kamay ko sa bewang niya, at 'yung isa ay nakahawak sa kabila niyang kamay na nakapoint sa gilid. Siya naman, nakahawak sa balikat ko ang isang kamay, at nakahawak ang kabila sa kamay na nakapunto sa gilid.

"Ma-may isusuot ka na sa ball?" Tangi ko na lamang tanong sa kaniya. Tumango siya bilang sagot.

Practice pa lang 'to, pero sobra na akong kinakabahan na sobrang na-eexcite. Kapartner ko pa lang naman si Yana sa sayaw namin, hindi ko pa siya promdate pero sobra na akong na-eexcite.

"Nanginginig ka," bulong niya sa akin bago ko hawakan ang kamay niya at umikot sa akin pabalik sa unang p'westo namin kanina.

Doon ako nakakuha ng tsansa na makita ang kamay ko. Nanginginig nga ang pareho kong mga daliri sa kamay. And the hand itself. Maybe because of mixed excitement and nervous.

Natapos 'yung kanta. Hindi pa namin tapos 'yung ibang steps kahit na sa Tuesday next week, kailangan na naming ipakita sa admins 'yung sayaw namin. Para malaman nila kung maayos ba 'yung ipepresent namin o baka maglalaro lang kami do'n.

"Lunch muna tayo," sabi ni Bal sa lahat kaya todo hiyaw 'yung mga kaklase kong lalaki na kanina pa hinihintay 'yang magic word na 'yan.

Umupo muna ako sa arm desk ko. Pinakiramdaman ko 'yung nararamdaman ko. Nangingig pa rin 'yung mga daliri ko sa kamay. Nilalamig din ako at para akong nahihilo. Gano'n ba talaga ang nararamdaman kapag kaharap mo 'yung taong nagpapatibok ng puso mo?

DownpourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon