Chapter 38 - Bakit hindi
Med'yo madilim na sa campus dahil pasado alas cinco na. Kaya naman habang kumakanta si Jen, para na talaga siyang nagcoconcert dahil sa mga nakabukas na flashlight sa bawat cellphone ng mga audience. Ang ganda pagmasdan nito habang sumasabay sa pagkanta ni Jen.
May spotlight sa stage, at mas nakapagpatingkad ito sa performance ni Jen.
"Sa isang iglap, ako'y naluluha,
'Di alam kung pa'no, ika'y nawala."Hindi ko alam kung may pinagdadaanan si Jen ngayon. Pero damang-dama ko 'yung kanta niya. Hindi ito tulad ng mga nauna naming kinanta na tumagos sa akin. Pero ramdam kong kinakanta ni Jen 'yung kanta dahil para sa kaniya 'yon. Isa pa, sinulat niya ang kanta na 'yon. There's a high chance na related sa recent topic sa buhay niya 'yung kanta.
"Parang bula, parang bula, parang bula."
Kahit hindi alam ng mga audience namin 'yung sunod na lyrics, sinasabayan nila si Jen. Tulad namin nila Yara at Bal, nagagandahan kami sa kanta ni Jen. Grade 12 pa siya nagcocompose ng kanta. Katulong niya sa pagbuo ng tono si Yara dahil si Yara ang dalubhasa pagdating sa pagkanta noon. Well, hanggang ngayon si Yara pa rin naman ang may pinakamagandang boses. 'Yun nga lang, mas pinili niyang maggitara kaysa maging lead vocal.
Natapos ang pagkanta ni Jen. Maraming palakpakan at nagsisigawan sa crowd. Hindi talaga namin inaasahan na dadami ng ganito ang manunuod sa amin ngayon. Ang akala namin, magpeperform na lang talaga kami ngayon ng may limang audience. Pero sino nga namang mag-aakala na sisikat kaagad ang banda namin kahit unang tugtog pa lang namin?
"I love sunshower naaa!"
"Jenatics here we gooo!"
"Sana all maganda boses!"
Nakangiti kaming sinalubong ni Jen sa gilid ng stage pagbaba niya. Pinasa niya sa akin ang mic na hawak niya at tinapik ang kanang balikat ko. "You're next," ani niya sa akin.
"Teka, akala ko ba si Yara muna bago ako," tanong ko kaya napalingon ako sa likuran ko kung saan ko huling nakita si Yara. Pero wala na siya doon at may kausap na isang estud'yante. Kung hindi ako nagkakamali, SSC secretary 'yung babae na kausap niya.
"Ikaw na. Gooo!" Tinulak pa ako ni Jen kaya muntik na akong matalisod sa hagdan ng stage.
Wala akong ibang nagawa kung 'di ang umakyat sa stage at pagmasdan kung gaano karami ang manunuod sa akin. Kung gaano karami ang nunuod sa amin ngayon. May kaba sa dibdib ko. Alam kong hindi maganda ang boses ko. Alam kong hindi ako magaling kumanta. Pero paano kung pumiyok pa ako? Eh hindi na nga maganda ang boses ko pumiyok pa.
Bahala na.
"Hi?" Panimula ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Juo here. The only boy in the group," sabi ko bago tumingin kay Jen na nagthumbs up sa akin. "Itong kanta na kakantahin ko, ay para sa babaeng tatlong taon ko nang minamahal. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam na mahal ko siya. Kaibigan lang kasi ang tingin niya sa akin e."
Napa-'awww' at 'ouch' 'yung mga audience kaya natawa ako ng kaunti.
"Ang pamagat ng kanta na sinulat ko, ay Bakit hindi. Para 'to sa mga taong katulad ko. Na nagmahal ng kaibigan na kaibigan lang ang tingin sa kanila. Sa mga taong nagtatanong sa mahal nila, kung bakit hindi sila p'wedeng maging sila. Sa mga taong maraming tanong at ang unang-una rito ay Bakit hindi?"
Nagpalak-pakan sila kaya nilagay ko na sa stand 'yung mic na hawak ko at kinuha ang gitara sa upuan na nasa likuran ko. Nakakonekta sa speaker ang gitara kaya for sure, maririnig ng lahat ang bawat tono na malilikha nito.
BINABASA MO ANG
Downpour
Genç KurguSunshower Series #1 | She never see him the way he sees her. *** A novel. Juo never imagined himself falling in love with his girl best friend, Yana. Not until the sudden twist of fate came across to his life, ruining everything he planned. For four...