Chapter 1 - The Stranger

52 24 0
                                    


FLORENCE's POV

10 YEARS AGO

"HINDI MO AKO NAIINTINDIHAN!"

"NO! It's YOU who doesn't understand me! Ako ang padre de pamilya dito! Kaya AKO! ang masusunod!"

"HINDI! Hindi ako makakapayag Florencio, mas lalo lang sya mapapahamak kung gagawin mo yan!"

"Ginagawa ko lang ang makakabuti para sa anak ko"

"Anak NATIN! anak ko din siya!"

Gulong gulo ako sa mga nangyayari, hindi ko maintindihan kung ano ang pinag aawayan nina mama at papa, ako ba? Ako ba ang dahilan ng pag aaway nila?

Nasa ilalim ako ng kama nila at rinig na rinig ko ang sigawan at sagutan nila.

Natatakot ako, i never saw them fight like this, it's too much.

Umiiyak si mama at marahan siyang napa upo sa kama, rinig na rinig ko ang malalakas niyang mga hikbi, gusto ko sanang lumabas at yakapin ang mama ko pero natatakot ako na baka pagalitan ako ni papa dahil nakikinig ako sa away nila.

Besides i'm only 8 years old, what can i do?

"Lalo lang siyang m-maguguluhan Florencio, lalo lang m-mahihirapan ang a-anak natin"

Iyak lang ng iyak si mama halos hindi na niya mabigkas ng maayos ang mga sinasabi niya.

"Mas makakabuti ito sakanya, hindi ko din gusto ito, pero wala na akong ibang pagpipilian pa, Carmina"

Tinabihan ni papa si mama sa pag upoh at pinatahan ito...

Anong nangyayari? Bakit umiiyak ang mama ko?

Hawak hawak ko parin ang plastic doll ko na pinulot ko kanina dito sa ilalim ng kama na siyang dahilan kung bakit ako nandito sa pwesto ko ngayon.

Anong nangyayari? Akala ko ba ayos na ang lahat, pero bakit nagkakaganito sina mama at papa?

Bigla akong nakaramdam ng matinding panlalamig, naninigas ang boung katawan ko para ba akong nilagay sa loob ng freezer ng tatlong araw, hindi nagtagal nakaramdam ako ng pagka hilo, unti-unting nanlabo ang paningin ko, and the next thing i knew tinangay na ako ng dilim,

Present

"Ma'am nandito na po tayo"

Naudlot ang pag iisip ko ng magsalita si manong Berto

Limits of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon