PANAGINIP

1 0 0
                                    

( Written: February 07, 2019 )

Naalipungatan ako dahil sa ingay sa paligid ko at isa pang dahilan ay ang kung sino mang sumiksik sa tabi ko.

"Tch. Ano namang ginagawa mo dyan? Ang damI daming pwedeng upuan dito pa talaga sa upuan ko at naniksik ka pa ha!"wala sa mood na sabi ko sa kanya.

"Ayoko dun maingay. Dito lang kasi tahimik."pagdadahilan nya.

"E, ikaw naman 'tong nag-iingay dyan. Dakdak ka ng dakdak dyan sa katabi mo alam na may natutulog dito. Tahimik pa ba yun sa tingin mo?"

"Tatahimik na. Tulog ka na ulit. Haha. Mahirap nga talagang magbiro sa kulang ang tulog. Haha!"tawa nya.

Timang na lalaking 'to nakuha pang mang asar.

"Kung mang aasar ka lang dun ka na sa upuan mo. Letche ka!"inis na sabi ko at aastang matutulog na ulit. Ihihilig ko na ang ulo ko ng bigla nyang iamba ang kamay nyang aakbayan ako pero sa silyang sinasandalan ko nya ipinatong ito at saka nya inihilig duon ang ulo ko. Yung tilang ipinaunan nya sa akin ang kamay nya. Pagkatapos ay hinawakan nya ang kanang kamay ko at ipinag- intertwine nya pa.

"Alisin mo nga yang kamay mo. Pasma na nga ako e.!"angal ko

"Ako rin naman ah!"

Bahagya akong tumalikod sa kanya at lihim na ngumiti. Yung kahit na magkaka falls na ang palad namin dahil sa pasma di nya pa rin binitawan ang kamay ko bagkus ay pinaglaruan nya pa iyon.

"Tulog ka na ulit. Andito lang ako sa tabi mo."nang sabihin nya ang linyang yun nilingon ko sya at nginitian. Pagkatapos ay sinunod ang sinabi nya. Sya naman ay inihilig din ang ulo nya at ginawang unan ang balikat ko.

"Hahahahah!"

"Ikaw na uy.,"

"Uno!!!"

"Blahhhhhh blaaaahh blaahhhh"

Pesteng ingay naman. Kailan ba tatahimik ang room na 'to?

NAKAKABWISETTTT!

Napatingin ako sa bandang kaliwa ko ng maalala ang nangyaring yun. Yung sumiksik sa tabi ko. Yung inasar pa ako. Yung pinaunan nya sa akin ang kamay nya. Yung hinawakan nya pa ang kamay ko. Yung sinabihan nyang  matulog na ulit ako at nandyan lang sya sa tabi ko. Yung lalaking humilig pa sa balikat ko. Wala. Wala na sa tabi ko. Muli akong lumingon sa direksyon kung saan sya nakaupo. Ayun masaya sya kasama ang babaeng barkada nya. Ngumingiti. Tumatawa na parang wala syang pasan na problema.

Ngumingiti't tumatawa sya sa piling ng iba.

Letche. Nagising ako sa katotohanan.

Panaginip ko lang pala ang saglit na kilig at saya kasama sya. Panaginip lang pala na mahal namin ang isa't isa. Panaginip lang pala ang akala kong may matatawag na "may tayo" sa'ming dalawa. Panaginip lang.

Sa panaginip ko lang pala masasabi na akin sya...
At kahit kailan di sya magiging katotohanan para sa tulad kong hanggang ngayon ay umaasa.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now