( Written: May 05, 2020)
Nasa unahan na naman siya naming lahat. Nahila lang naman siya eh! Pinagsasalita pa nila. Sabi nila gusto nilang magsalita siya patungkol sa kung ano anong bagay. Mahigit kalahating oras na yata siyang nakatayo at nakikipag titigan sa amin. Bakit ba kasi may pakulo silang ganito? Alam naman nilang kahit kailan di niya ginawang mag share ng kung ano ano sa amin lalo pa't tungkol sa kanya. Napapatanong nalang nga ako bakit ba kasi sa tuwing nalalapit ang graduation may mga pakulong forum o kung ano man yun?
Ayaw na siguro niyang makipagtitigan na lang sa kanila kaya umiwas siya sa mga tingin namin at nagsimulang maglakad palayo sa unahan.
"Nadiee, wala ka bang gustong sabihin samin??"one of my classmate asked.
"Nothing?"di siguradong sagot niya sa amin.
"Okay ganito nalang. Sagutin mo nalang ang mga tanong namin!"our class president suggestion. 'Mga??? Ibig sabihin madami.'
Hindi siya sumagot sa kanya. Wala naman akong magagawa. Gusto ko silang pigilan pero gusto ko rin na marinig mula sa kanya yung mga dapat na marinig namin.
"Bakit kailangan ka pa naming tawagin o lapitan sa tuwing may group meetings tayo?"awtomatiko siyang napa iwas sa amin.
"Hindi niyo kasi ako maiintindihan."nakayukong sagot niya tapos maya maya'y nag angat siya ng tingin at nginitian kami. Minsan hindi ko na siya maintindihan. Napaka- weird niya.
Wala kaming matinong sagot na narinig mula sa kanya. We can't do anything but to let her shut her mouth. Two years din kaming magkaklase at ngayong taon lang siya nagkaganyan. Minsan ko na ding sinubukan na alamin yung totoong rason sa pinapakita niyang iyon pero wala akong napala. Ang alam ko lang nagsimula ang lahat ng ito ng mawala yung mama niya na sobrang ka-close niya. Magmula nang mangyari yun hindi ko na uli nakita yung spark sa mga ngiti na umaabot hanggang mga mata niya. Hindi na siya yung dating maingay sa classroom namin. Kung maka usap man namin siya isang tanong isang sagot lang.
Hinayaan namin siya. Hindi kinibo maghapon, hindi rin naman siya nagsasalita eh.
2:45 P.M. oras na nang labasan. Oras na sa mga routine niya. Magkasabay kami palagi pero nitong mga nakaraan sinadya kong hindi siya sabayan. Through that way nalaman ko kung saan siya pumupunta sa tuwing naghihiwalay kami ng dadaanan.
"Nadiee, may pupuntahan ka??"tanong ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. "Pwede ba akong sumama? Wala pa kasi akong kasama sa bahay, ok lang?"
Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko, di rin naman nagtagal at sumang-ayon siya. Ilang minuto din bago namin narating ang palagi niyang pinupuntahan. Ang mama niya.
"Palagi ka bang nagpupunta dito?"tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa puntod ng Mama niya.
"Oo."sagot niya. 'Alam ko! Pinupuntahan mo nga Mama mo pero hindi ka naman lumalapit sa kanya. Hindi ka lumalapit sa puntod niya.'
"Gusto kong makita si Tita, tara!"excited ko kunwaring sabi at hinila siya palapit sa mama niya. Gusto ko lang na lapitan niya yung mama niya. Nang marating namin ang mama niya bigla siyang umatras palayo sa puntod ng mama niya. "Bakit?"
"Gusto mong malaman yung totoong rason, hindi ba?"
"Huh?"
"Alam mo kung anong tinutukoy ko! Isa ka sa kanila na gustong malaman kung bakit hindi ako lumalapit sa inyo tuwing may mga group activities. The truth is ayokong maulit 'to."awtimatikong napa kunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
NouvellesThis One Shot Stories are my dreams and my unsaid thoughts. I wrote this stories 'cause this is my only way of expressing myself and my emotions. This is how I communicate. I hope you appreciate my works.<3