FIRST LOVE

2 0 0
                                    

( Written: August 22, 2019 )

"Sya ang kauna-unahang lalaki sa buhay ko na minahal ako at minahal ko ng sobra. Swerte ako dahil may isang tulad nya na hindi ako sinaktan, pina-iyak at iniwan. Swerte ako kasi sa tuwing malungkot ako sya yung nasa tabi ko.  Sa tuwing umiiyak ako, pinapatahan at niyayakap nya ako ng mahigpit pagkatapos sasabihan nya pa ako ng 'Wag ka ng umiyak sige papangit ka. Ayoko pa naman na pumangit ang magandang babaeng 'to sa buhay ko. Wag kang mag-alala pag may nag-paiyak pa sa prinsesa ko susugurin ko. Nandito lang ako palagi para sayo di kita iiwan. Tahan na! Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita!"saglit akong tumigil sa pagsasalita at pinunasan ang mga luha kong panay sa pagpatak pagkatapos ay binigyan sila ng isang ngiti.

"Walang araw na hindi nya pinaramdaman sa'kin kung gaano nya ako kamahal. Hindi nya ako pinabayaan. Sinusuportahan nya ako sa lahat. Sya rin ang naging dahilan kung bakit nagbago ang tingin ko sa mga lalaki. I remember when I was 12 I really hate boys kasi that time yung older sister ko si Ate Yean nakita ko kung paano sya saktan, lokohin at paiyakin ng ex nya. Kita ko yung sakit sa mga mata ni Ate. Nakita ko ang araw-araw na pag iyak ni Ate. Kaya simula ng araw din na yun kinamuhian ko na ang lahat ng lalaki. Pero nabago yun dahil sa lalaking walang ginawa kundi iparamadam sa akin na di lahat ng lalaki ay katulad ng ex ni Ate Yean."

"Simula din ng araw na yun sinubukan ko ng tanggapin ang pakikipag-kaibigan sa akin ng mga kaklase ko na lalaki. Doon ko lang narealize na tama sya. Tama sya na hindi lahat ng lalaki manloloko. Na hindi lahat ng lalaki gustong makita na umiiyak kaming mga babae, tayo. Boys are boys. Basagulero, fuckboy o whatever man sila pero mapag mahal naman."

"He was so proud of me because sinubukan ko daw na ibalik ulit ang trust ko sa mga lalaki. Pinagsisihan ko na kinamuhin ko rin sya kaya bumawi ako. Palagi kaming magkasama. We played our favorite game na chest. We enjoyed and loved to cooked together. We always sing and dance. Everything. We love to do everything as long as we're together. And it breaks my heart 'cause we can't no longer do those things together. It hurts kasi nangako sya na di nya ako iiwan tulad ng ginawa ni Mommy pero wala iniwan nya pa rin ako. Iniwan na ako ng pinaka-ma-mahal kong Daddy. Until now I can't believe that he's gone. Kasi nung isang araw ang lakas lakas pa naman nya. Nagawa pa naming maglaro ng chest. Nagawa pa naming kumanta at sumayaw. And nagawa nya pa ako ipagluto ng paborito ko na palabok at pinag bake nya pa ako ng favorite kong chocolate cake na nilagyan nya pa ng dedication na 'I LOVE YOU MY LITTLE PRINCESS. Love Daddy."bumuhos ng muli ng sunod-sunod ang mga luha ko dahil muli na namang nag flash-back sa akin ang mga ala-alang iyon. Ang sakit lang kasing tanggapin. Mas masakit pa 'to kesa sa ginawa ng ex ni Ate Yean. Sobrang sakit. Bumuhos na rin ang malakas na iyakan ng mga nag mamahal kay Daddy.

"I'm very thankful and blessed because God gave me a father like him. So Daddy I wanna say thank you for everything. Thank you for loving me. Thank you for the sacrifices. I honestly don't know how to live without you, Dad! Pero I know I have to lived on my own kasi alam kong dun ka matutuwa. Promise Dad tutuparin ko ang pangarap ko para sayo. Sayang lang Dad kasi you won't see me having my own family. Sayang lang kasi na di na matutupad yung wish ko na maihatid mo ako sa altar. But one thing i know is you're happy now with Mommy. I know also how proud you are to me and kay Ate. I'll miss you, Dad!"

"I love you so much! Goodbye, Dad!"tinapos ko ang speech ko na yun ng puno ng luha ang mata ko. Pero agad din naman nabawasan ng konti yung sakit na nararamdaman ko nang yakapin ako ng isang mahalaga rin sa buhay ko.

Ang boyfriend kong si Treb.

Ang fiance' ko na nga pala.

"Sshhh! Stop crying, Nicse. Malamang kung nandito si Daddy papatahanin ka nun diba nga ayaw nyang nakikita ang kanyang prinsesa na umiiyak kasi nga pumapangit ka daw! So if I were you I will stop crying. Pumapangit ka na oh!"masamang tingin nalang ang naibigay ko sa kanya dahil sa sinabi nya. Actually, ganun din ang ginagawa ko kay daddy noon. "I was just kidding. Smile ka na, Nicse. I miss your smile."malambing nyang sabi pagkatapos ay pinunasan nya ang natitirang luha sa mga mata ko. He even stretch my lips para lang ipakurba ang ngiting gusto nya sa akin makita. Napangiti nalang ako sa kakulitan nya sabay yakap sa kanya.

I dont know pero sya ang pangalawang lalaking minahal ko. Sya ang unang lalaking pinapasok ko sa buhay ko. Ang first Boyfriend ko. Napamahal ako sa kanya kasi nakita ko sa kanya si Dad. Nung simula katulad din sya ng iba na mahilig magloko sa paraang hindi naman ikakasakit ng damdamin ng iba pero nang simulan nya akong ligawan nagbago yun.

Pareho sila ni Dad na pinaramdam sakin kung gaano nila ako kamahal. Masaya naman si Dad sa kung anong relasyon meron kami. Almost 7 years na din kami and still counting. At malapit ng ikasal. Naalala ko noong nagpropose si Treb, pinagbantaan ni Dad si Treb bago pa sya mawala samin na kapag pinaiyak daw ako ni Treb malilintikan daw sya kay Daddy at mumultuhin daw sya nito. Tawang-tawa kami ng mamutla si Treb noon. Takot si Treb kay Daddy pero close sila sobra.

Iniwan man ako ni Daddy pero bago yun hinayaan nya munang makilala ko si Treb bago sya mawala. He waited at nagpatuloy mabuhay para lang makahanap ako ng lalaking magpapasaya sakin ng katulad ng ginagawa nya. My father loves me so much and I love him too. Before we leave sa pinaglibingin ni Dad pinagmasdan ko pa ang lapida nya at nag iwan ng isang matamis na ngiti.

'Thank you, Daddy! I will never foget you. You'll always stay here in my heart, forever! I love you so much Mom and Dad. Goodbye!'

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now