( Written: June 14, 2019 )
We've been waiting for half an hour kay Siana medyo late na din at inip na inip na si Sir Lynch sa kanya. First day of our OJT today, lahat kami ay inip na inip na isinuggest na namin kay sir na pumasok na sa loob ng Laboratory na pagt-training-an namin pero di sya pumayag. Ilang beses na rin namin syang tinawagan pero di naman nya sinasagot. Bakas kay Sir ang pag aalala sa kabila ng pagka inip nya.
Napatingin kaming lahat ng may dumating na babaeng hingal na hingal na nakayuko, para bang tinakbo nya lang ang papunta dito. Iniangat nya ng marahan sa amin ang paningin nya at mabilis na umayos ng tayo. Nag aalinlangan syang ngumiti sa amin.
"Where have you been Ms. Cessiana?"agad na buwelta ni Sir. Lynch kay Siana, hindi sya galit base sa tono ng pagtatanong nyang yun halata pa nga ang pag aalala nya. Agad na napatungo si Siana.
"Sorry, Sir Lynch! Nagkaroon po kasi ng banggaan sa dinaanan namin marami pong sasakyan ang nadamay. At m-marami p-pong n-na-namat-tay."utal utal na sagot ni Siana at lahat kami ay nagulat. Agad ko syang nilapitan at hinawakan ang braso.
"Are you okay? Nadamay ba ang sinasakyan nyo?"tanong ni Sir. Hindi umimik si Siana. Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay at nagtaka ng maramdaman ang panlalamig ng kamay nya.
"Bakit ang lamig ng kamay mo?"bulong ko sa kanya at nag angat sya ng tingin pero nagulat nalang ako ng nakangiti ito sa harapan ko. Creepy and weird.
Nawala ang attention ko sa kanya at bumitaw sya sa pagkakahawak ko ng mag ring ang cellphone ni Gracie-bestfriend ni Siana.
"Si Scion tumatawag!"pagtataka nito at tumingin kay Siana. "Hello, Scion napatawag ka? Ha? Pinagloloko mo ba ako, Scion? Haha, ano bang sinasabi mo e kasama namin sya? Yeah, she's with us kakarating nya nga lang e. C'mon Scion hindi magandang biro yan. Hindi, hindi yan totoo nasa harap lang namin sya oh. Dead? The f*ck Scion, ano bang pinagsasabi mo? Hindi, ni isang galos nga wala kaming makita sa kanya tapos sasabihin mong patay na sya. Hindi totoo yan sinasabi mo. Hindi! Hindi! Hindi!"huling sigaw nya at ibinaba ang cellphone nya at mariing tinignan si Siana.
"Anong sabi ng kambal ni Cessiana?"tanong ni Sir kay Gracie. Nagtaka kami sa inasta nya ng bigla itong umiyak. "Gracie, anong nangyari?"tanong pa ni Sir.
"S-sia-na, t-tell me t-that's not true! Please! Tell me that you're alive."umiiyak na pakiusap ni Gracie. Napakunot ang noo ko sa sinabi nyang yun.
"Gracie what are you talking about?"nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.
"Sabi ni Scion w-wala na d-daw si S-siana!"hagulgol nitong sagot at napatingin naman ako kay Siana na nakangiti pa rin sa amin bigla na lang tumulo ang luha nya.
"Sorry!"mahina nyang sambit na sapat lang na marinig namin. Ngayon ko lang napansin ang puting-puting dress nya na hanggang tuhod, nakawhite shoes din sya at naka half bond ang buhok. May korean bag din syang itim na dala-dala. Ang ganda nya!
"Siana naman e."atungal ni Gracie at lumapit kay Siana yayakap ito sa kanya ng tumagos lang sya sa katawan ni Siana.
'Nahawakan ko pa sya kanina.'
Lumapit sa akin si Gracie at pinagmasdan si Siana. Doon na nagsimulang lumakas ang pag-iyak ni Gracie at nahawa na ang iba naming kaklase.
"Siana!"tawag ko sa kanya ngumiti na naman sya sa akin at napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang unti unting pagkalat ng mantsa ng dugo sa parteng dibdib ng puting damit nya. "S-siana!"tawag ko muli at naramdaman ang pagpatak ng luha sa pisngi ko.
"Sampong sasakyan ang nagkabanggaan kanina. At....at ang sinasakyan ko ang napuruhan. May bakal na tumama sa akin, sa dibdib ko."
"Akala ko mahaba pa yung pagsasamahan natin, akala ko makakasama ko pa kayo, akala ko makakapag aral pa ako, akala ko makakapagtapos pa ako ng college. Yun pala lahat ay akala ko lang."paliwanag nya na nagpaguho ng mundo ko. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, ni hindi ko nga maibuka ang bibig ko. Ni isang salita ay hindi magawang idikta ng bibig ko. Ni utak ko parang hindi nagf-function.
"I'm just here para magpaalam. T-thank y-you f-for everything. Sana naging mahaba pa yung oras ko para makasama kayo. Gracie, sorry kung iiwan kita ah. I'll miss you. Sorry din kasi kahit gusto kitang yakapin 'di ko na magagawa pa!"umiiyak habang nakangiti nyang sabi kay Gracie na umiiyak pa din.
"Siana magstay ka nalang please!"pagmamakaawa ni Gracie at naramdaman ko ang sobrang sakit na nararamdaman nya.
"I can't. I do not belong here anymore. Just promise me na magiging okay ka after this."
"Ayoko!"pagmamatigas ni Gracie.
"Gracie, please!"pagmamakaawa na ni Siana, tumango si Gracie kasabay ang malakas na pag-iyak na naman ni Gracie. Lumapit sa amin si Sir na umiiyak din at niyakap si Gracie. "Hey!"usal nya sa akin at nginitian nya na naman ako ng kagaya ng kanina.
"H-hey!"utal kong sabi sa kanya at nginitian sya ng mapait.
"Argh! Wag ka ng ngi-ngiti kung mapait lang din naman, Jhey."saad nya na agad kong kinasimangutan ko. "May favor ako, pwede bang bantayan mo sya para sa akin?"tanong nya at alam ko kung sino ang tinutukoy nya, iyon ay si Gracie, tinanguan ko sya.
"Magkikita pa ba tayo?"walang ano anong tanong ko.
"Hindi ko alam. Siguro sa next life ko."natatawa nyang sabi na naging dahilan ng pagpatak na naman ng luha ko. "Wag mo kong susundan dun ah ng mas maaga dahil kung hindi itutulak kita pabalik."mariin nyang sabi at bigla nalang tumawa ng mahina ng sumeryoso ang expression ko. Abno! "Oops, namatay na't lahat assuming ko rin no?"tatawa nyang sabi.
"Siana, hihintayin kitang bumalik ah!"seryosong sambit ko at natigilan sya pero agad ding tumango at ngumiti.
"Mmm! Kung pwede lang kitang yakapin kahit sa huling pagkakataon, gagawin ko pero di na pwede. Haha! Maging happy ka palagi ah. See you soon, Jhey Treb Barreth!"nakangiti nyang sambit.
"Mmm! See you soon, Cessiana Hessian Rue!"sabi ko at unti unti na syang nawala sa paningin ko.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya na ang ganda nya sa suot nyang white dress. At hindi ko rin akalain na ito na ang huling araw na makikita ko ang ngiti nya. Hindi ko na sya muling makikita na nakasuot ng white dress habang suot suot ang magandang ngiti sa labi nya.
'Ang daya mo Siana, sabi mo walang iwanan pero eto ka ngayon at nauna pang nang iwan sa amin. We will miss you Siana. Thank you for the memories. Mahal pa rin kita Cessiana Hessian Rue, I'm sorry kung di ko nasabi huli na rin kasi! See you soon!'
![](https://img.wattpad.com/cover/215561646-288-k364657.jpg)
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
PovídkyThis One Shot Stories are my dreams and my unsaid thoughts. I wrote this stories 'cause this is my only way of expressing myself and my emotions. This is how I communicate. I hope you appreciate my works.<3