( Written: February 13, 2019 )
"Princes!"natigilan ako ng tawagin nya ang pangalan ko. Nanatili akong nakatayo at nakatalikod sa kanya. Ayoko.
'Wag mo syang lilingunin, Princes.' isip isip ko at muli nang naglakad.
"Princes!"
"Princes!"nagbingi-bingihan ako dahil ayokong harapin sya. Ayoko. Ilang beses man nya akong tawagan di ko sya lilingunin. Hinding hindi.
"Princes!?"nagulat ako ng bigla nyang hablutin ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Nagtama ang aming paningin. Pero nauna na akong umiwas. Ayokong nangyayari 'to! Sinubukan ko muli na iwan sya pero pinigilan nya ako. "Princes! Kanina pa kita tintawag a. Ano bang nangyayari sayo? Bakit hindi mo ako kinakausap? Iniiwasan mo ba ako?"nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa kanya. Bakit kailangan nya pa ako tanungin ng ganun?
"Princes,sagutin mo naman ako!"tila nagmamakaawa sya masagot lang ang mga tanong nya. Tumungo lang ako at di nagsalita. Muli kong sinubukang umalis ngunit mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko.
"Iniiwasan mo ba ako?"iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. "Princes, sagutin mo ako inii--"
"OO. Oo Jo! Iniiwasan kita! Okay na ba? Nasagot ko na ang tanong mo, diba? So, pwede mo na ba akong bitawan? Hayaan mo na ako Jo!"sigaw ko sa knya na nagpagulat sa kanya saka nya ako binitawan. Pati ako nagulat sa tinuran ko.
"Bakit?!"mahinang tanong nya. "Bakit mo ako iniiwasan? Di naman tayo ganito diba?"
"Mauna na ako. May gagawin pa ako, Jo. Pasensya na!"
"Hindi. Hindi ka aalis hanggat di mo sinasabi ang dahilan mo kung bakit mo ako iniiwasan. Princes bakit mo ko iniiwasan?"sigaw nya sa akin.
"BAKIT??"
"Mas lalo mo lang ginagawang komplikado ang bagay na'to, Jo."
"Anong magiging komplikado dito? Tinatanong lang kita kung bakit mo ako iniiwasan. Mahirap bang sagutin yun?"
"Saka nalang natin 'to pag usapan. Mas madali kong masasagot ang tanong mo kung----"
"Sagot mo lang ang kailangan ko, Princes! SAGOT MO LANG!"sigaw nya.
"Gusto mo talaga ng sagot, ha? Ha? O eto itatak mo sa kokote mo. Pakitandaan mo at baka sakaling marealize mo rin bandang huli kung bakit kita iniiwasan."isang malalim na buntong hininga ang saglit kong pinakawalan saka nagsalita.
"DAHIL AYOKO NA MAKASAMA PA KITA. AYOKO NA DAHIL HABANG TUMATAGAL AT LAGI TAYONG MAGKASAMA LALO LANG NA LALALIM ANG NARARAMDAMAN KO SAYO. YUN ANG KINAKATAKUTAN KO. MAHULOG NG SOBRA SAYO.ALAM MONG GUSTO KITA. ALAM MO YUN NOON PA. SIMULA PALANG ALAM KONG WALA AKONG PAG ASA. KAYA SANA HAYAAN MO NALANG AKO. HAYAAN MO NALANG AKO NA IWASAN KA. KASI PAG IPINAGPATULOY KO NA MANATILI SA TABI MO. MASASAKTAN LANG AKO. KASI TINGIN MO SAKIN KAIBIGAN LANG. AT ANG SAKIT NUN NA TANGGAPIN. ANG SAKIT NA HANGGANG DUN NALANG YUN. WALANG SPECIAL TREATMENT. ANG SAKIT KASI NA MAKITA NA IBA ANG NAG PAPASAYA SAYO NA SANA'Y YUN AY AKO. SANA AKO NALANG YUN. PERO KASI REALITY 'TO. KAHIT KAILAN DI MAGIGING AKO YUN. KASI NGA KAIBIGAN MO LANG AKO, JO. KAIBIGAN MO LANG AKO. KAYA WAG NA WAG MO KO MATANONG NG GANYAN DAHIL ALAM NATING PAREHO KUNG ANONG DAHILAN. ALAM MO KAYA WAG MONG GAWING COMPLICATED ANG BAGAY NA 'TO KASI BAKA MAMAYA MAMIS-INTERPRET KO PA YANG PINAPAKÌTA MO DAHIL LANG SA PAG IWAS KO SAYO. WAG MO AKONG MAHABOL HABOL. SAKA MO KO HABULIN PAG NAREALIZE MO NA ANG WORTH KO." tila nabunutan ako ng tinik ng mailabas ko lahat ng hinanakit ko sa kanya. Naiyak ako dahil hindi ko kaya. Hindi ko kaya na ganito ang situation namin. Pero wala e ito na andito na kami. Niyakap nya ako dahilan para lalo akong maiyak
"I'm sorry kung yun ang nararamdaman mo. Sorry kasi hanggang ngayon yun ang iniisip mo. Princes mali ang iniisip mo. Mali dahil g--------"tinulak ko sya na muntik pang magpatumba sa kanya. 'SORRY, JO'
"KAYA NGA SANA HAYAAN MO NA AKO. HAYAAN MO NA AKO, JO. PINAPAKAWALAN NA KITA. KAYA SANA HAYAAN MO NA RIN AKO PARA SANA MAPAKAWALAN KO NA RIN ANG NARARAMDAMAN KO PARA SAYO. AYOKONG MABUHAY NG PURO SAKIT LANG ANG NARARAMDAMAN KAYA PARANG AWA MO NA. PLEASE, JO! AYOKO NA TALAGA. DI KO NA KASI TALAGA KAYA. SANA MAINTINDIHAN MO AKO. SORRY!"huling sinambit ko at tuluyan na syang iniwan na tulala.
"Dun na po nagtatapos ang presentation namin."-leader
"Thank you!"-Me/Jo
*claapppp claaapppp claaapppp*
"Galing ni Princes mag acting. Best actress"
"Parang makatotohanan! Role play lang yan ha."
"May chemistry kayo ni Jo. Ayiiiieeeuuuttt"
"Galing mo mag act, partner." Isang ngiti ang binigay ko kay Jo saka kami parehas na umupo.
'For you acting lang yun. Pero for me hindi kasi bawat salitang binitawan ko may katotohanan yun. Sana lang naramdaman mo yung gusto ko ipahatid sayo. Kasi Jo gusto kita. Pero hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin.
Hanggang kaibigan lang.
At yun ang masakit na katotohanang aking pinang hahawakan.'
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
Historia CortaThis One Shot Stories are my dreams and my unsaid thoughts. I wrote this stories 'cause this is my only way of expressing myself and my emotions. This is how I communicate. I hope you appreciate my works.<3