Let me tell you a story of.....
HOW I MET HER
___________________________________Ilang marahas na suntok at sipa ang pinakawalan ko sa mukha ng gagong to. Sinubukan niyang bumangon ngunit sinalubong ko siya nang suntok sa mukha dahilan para matumba siya at humilata sa lupa.
Naramdaman ko ang marahas na pagpihit sa akin ng pwersa galing sa likod at ang pagdapo ng kamao sa mukha ko.Napadapa ako sa sahig at isang beses na tinadyakan sa tiyan.
"Aaaaargh" I grunted as pain hit me.
"Ano,Cañete? Mukhang ito na ang katapusan mo." Sabi niya at pinaglaruan ang swiss knife na hawak.
Mabilis ang hiningang tumingin ako sa paligid.
I had his 10 men fucking down and he's the only one standing. Some groaned in pain while cupping the part of their body where I surely hit the most.
Makakapal ang mukha ng mga gunggong na sumugod dito ngayong ako lang mag-isa. Pero hindi ko uurungan ang mga hinayupak nato! Walang alam kundi puro kaduwagan!
I smirked at him.
"Mukhang hindi pa naman,Abram. Marumi ang t-shirt ko ngayon at hindi maayos ang itsura ko. Malalaman mo pag mamamatay nako dahil naka barong ako,tol!" Sabi ko.
Kumunot ang noo niya at mas lalong sumama ang itsura.
"Kahit talaga sa kalagitnaan ng kamatayan mo inuuna mo yang kapriskuhan mo!" Sabi niya.
Tumawa ako at pinagpag ang nadumihang sapatos at pinunasan ang pawis gamit ang kamay.
"Ganon talaga ang ugali naming mga gwapo. Dapat kahit sa burol nakaayos ng mabuti. Kaya kung mamamatay man ako ngayon dapat ikaw ang bahala sa makeup ko! Dahil kung hindi babangon talaga ako at ikaw ang ipapalit ko sa kabaong ko." Sabi ko.
Gumuhit ang iritasyon sa mukha niya kaya naman itinaas niya sa ere ang swiss knife na hawak.
"Kung ganon simulan na natin." Sabi niya at humandang umatake. Sumigaw pa ang gago habang sumusugod.
Akmang ibabaon niya sa dibdib ko ang kutsilyo ng umikot ako at mabilis na tumayo saka pumwesto sa likod niya at malakas siyang pinalo sa batok gamit ang siko ko.
Bumagsak siya at natapon ang kutsilyong hawak. Agad namang nagsilapitan ang mga walang kwenta niyang alalay at nagkukumahog na pagisingin siya.
Pinagpag ko ang damit at pantalon ko bago sumulyap sa kanila.
"Sabihin niyo diyan sa walang kwentang boss niyo na sa susunod bilhan niya kayo ng dalawang sakong bigas ng magkaroon naman kayo ng lakas kapag ganitong basta-bastang sinusugod niyo ako." Sabi ko at prenteng umalis.
Mga hinayupak talaga! Ang aga pa ni hindi pa nga ako nakakalanghap ng hangin basta na lang sumugod ang mga gago.
Dumaan muna ako sa tiange di kalayuan sa paaralan at bumili ng sigarilyo bago pumunta sa sasakyan ko at maayos na ipinark iyon.
Pagkapasok ko sa gate ay agad akong sinalubong ng busangot na mukha ni Milo.
"Hindi naman bago sakin ang papel kong hintayin ka sa gate tuwing bagong pasukan hanggang sa mamuti ang mata ko pero nag-iinit parin talaga ang ulo ko." Sabi nito at pinatunog pa ang dila kasabay nang bigong pag-iling.
Hindi ko siya pinansin at agad na sinukbit ang bag sa balikat bago naunang pumasok sa gate.
"Hayyy nako.... naging kulay asul nalang ang gate natin hindi padin nagbabago ang ugali mo. Isinumpa ata ako at ako pa ang napiling hintayin ka tuwing umaga." Pagmamaktol nito.
YOU ARE READING
How She Left Me [ON-GOING]
Teen FictionNoon,akala ko ang pag-iyak ang nag-iisang daan para maibsan ang kalungkutan. Pero habang lumilipas ang panahon,nag-iiba din pala ang rason kung bakit ka umiiyak. Hindi ko alam. Basta isang araw namalayan ko na lang ang mga luhang unti-unting naglal...