Chapter 6

13 3 0
                                    


He doesn't like her?
___________________________________





Last day ng examination ngayon. Tahimik ang buong klase at nakatuon ang atensyon sa kanya-kanyang papel. Estrikto din ang mukha ng assigned teacher,handang-handang mamunit ng papel kapag lumingi lang ng kaunti ang ulo mo.

We are currently taking Science and I was still on number 10. Hindi matanggal sa isip ang nangyari kahapon tulad ng palaging nangyayari kapag siya na ang kasali sa eksena.

Nakatingin lang ako sa likod niya na nakayuko at inaabala ang sarili sa pagsagot ng test papers. Nasa unahan siya ng linya ko, tatlong upuan bago ako. Kaya naman malaya akong pagmasdan ang bawat paggalaw ng lapis sa mga kamay niya. Ang madalas na paghawi niya ng buhok at ang walang tunog na buntong hininga.

She interpreted it all wrong! She thought I was liking someone that is why I am avoiding her. Hell! I wouldn't avoid a girl just because I'm afraid to tell her that I am actually liking someone,and it wasn't her! And I don't even think that will happen. Me,liking someone. At sa isipin pa lang na si Bianca ang babaeng pinagseselosan niya, parang mas lalong naging impossible! Wait,pinagseselosan? Hmm..sounds interesting!

Cute image of her wrinkled face and grumpy eyes excites the hell of me! Oh,crap!

Nawala lang ako sa pag-iisip ng may malakas na tumikhim sa tabi ko. Kunot noo akong napa-angat ng tingin. Matamis na ngumiti si Miss Lavarda,ang adviser ng kabilang section.

"I am so sorry for disturbing your staring time,Mr. Cañete. Pero sa tingin ko kailangan mo munang sagutan kahit ang 10-20 na lang bago mo ipagpatuloy ang maganda mong ngiti at malalim na paninitig kay Miss Sanaza. Ano sa tingin mo,Miss Sanaza?" Tanong niya at bumaling kay Bianca.

'What the hell now?!'

Ganoon ako ka lutang para hindi mamalayan ang sariling napabaling kay Bianca at mahuli akong siya ang tinititigan. And add the fact that I was even smiling!

Takang bumaling naman si Bianca at ngumiti saka marahang tumango. Wala mang tumukso ay sapat na ang bulong-bulungan para magkaroon ng kakaibang pahiwatag ang ginawa kong paninitig.

Nakangiwi akong binalingan ni habang tatawa-tawa naman si Dayne.

"Resume your test." Kanya-kanya namang nagsibalik sa pagsagot ang mga ito.

Wala sa sarili akong napatingin sa kanya at hindi ko aakalaing magtatagpo ang tingin namin. Malamlam ang kanyang mata at marahang hinahaplos non ang puso ko. Ang mga matang iyon,yon din ang matang pilit na ginugulo ang isipan ko simula pa kahapon. Hindi ko alam pero kusa kong iniwas ang tingin. Ang malungkot na kislap non ang lubos kong inaalala.

Alas onse ng matapos ang periodical test. Ginawang half day ang last day ng exam para masimulan na ang rehearsal para sa kompetisyon.

Nagsimulang magligpit ang lahat at ang iilang nakatapos na ay umalis.

Ipinasa ko ang papel na hindi ko na matandaan kong tama pa ba ang naisagot ko.

Nagdududa pa akong tinaasan ng assigned teacher bago bumuntong hininga at tinanggap ang papel ko.

Tumalikod ako at napasulyap sa kanya. Nakalugay ang buhok niya at tahimik na itinutuon ang atensyon sa papel.

Napabaling ako kay Lynx ng tapikin niya ang balikat ko at iniabot sa akin ang bag ko.

"Oh,bilisan mo na diyan. May ilang oras na lang bago magsimula ang rehearsal." Sabi niya at nauna na.

Tumango lang ako pero hindi umalis sa kinaroroonan ko. Wala sa table ang assigned teacher na ngayon ay nakikipag kwentuhan na sa dumaang teacher.

How She Left Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now