Extreme fear
___________________________________Alas singko na pero hindi padin tumitila ang ulan. Makulimlim ang langit at hindi nadin kita ang papalubog na araw kaya iisipin mong gabi na.
Malamig ang paligid at panay lang ang hagod ko sa balikat para maibsan ng kaunti ang lamig.
Kanina pa ako dito sa labas ng teacher's office at nag-aantay kila Encer na pagkatapos ng practice ay kaagad na dumiretso dito para muling kumbinsehin si Sir Rev.
Katulad kanina ay malabo parin ang paligid dahil sa tindi ng ulan. Ang ibang may payong ay malayang naglalakad sa gitna ng ulan habang ang mga nakajacket naman ay mabilis ang takbo para hindi tuluyang mabasa. Bigla kong naalala ang nangyari kanina.
Bigla akong napatingin sa halo ng mga tao sa ground,naghahanap ng bakas niya. Pero mukhang wala siya sa mga iyon,maging sa grupo ng mga nakasuot ng jacket. At kung nandiyaan man siya ay nasisigurado kong kahit hindi ko na tingnan ay agad na mararamdaman ko. Nakakahiya mang aminin pero ganoon ang epekto niya sa isang tulad ko.
"What should I do?"
Napabaling ako kila Encer. Nakakunot ang noo niya at tila problemado.
Tumawa si Dayne na sinundan naman ng ngisi nila Milo at Lynx.
"Ipagluto mo,Encer!" Tumawa sila
Masama ang tingin ni Encer sa kanila.
"Nagpapaluto nga lang ako kila manang,gago!" Singhal nito.
Lynx shrugged.
"You have no choice! It's either you'll make suyo sa kanya or hello props men!" Si Lynx.
Minura ito ni Encer.
"Bawas bawasan mo kasi ang kagaguhan,Encer. Nang hindi ka nagkakaganyan!" Si Dayne.
Inis lang silang nilampasan ni Encer.
"Anong nangyari?" Tanong ko ng makalapit siya sa akin.
Mas lalo lang siyang sumimangot kaya si Milo na ang nagsalita.
"Buo na daw ang desisyon ni Sir!"
Tumawa si Lynx.
"Ang sabi ko nga ligawan na lang niya! Ayaw akong paniwalaan." Kalmadong sabi ni Lynx.
Bumaling sa kanya si Encer at pinaulanan siya ng sunod-sunod na tadyak.
Sumuong ang mga ito sa ulan at doon ipinagpatuloy ang laban. Naglaho na ang maraming tao kanina kaya malaya silang magpakita ng kagaguhan.
Umiling na lang ako habang tatawa-tawa naman si Dayne at Milo.
"Let's go home. It's getting dark." Sabi ko at nauna nang lumakad.
Bahagya pa akong napaigtad ng tumama ang malamig na patak ng ulan sa mga braso ko. Nagsimula nadin akong mabasa pero hindi ko iyon binigyang pansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Napahinto ako ng sunod-sunod na sigaw ni Encer ang marinig. Mabilis akong lumingon para lang makita ang tatlong tatawa-tawang hawak ang magkabilang braso at paa ni Encer habang nilalampaso ang likod nito sa matubig na damohan. Sa bawat daan ng katawan ni Encer ay siya namang pagtalsik ng tubig na napupunta sa mukha nito.
Umiling na lang ako pero hindi maiwasang umangat ang gilid ng labi. Baliw talaga ang apat na lalaking to. Naalala ko pa kung paano ko sila nakilala.
The five years old me weeping because he was abandoned by her mom. Then suddenly four jerks approached him. Lumapit sila hindi dahil naawa sila sa akin. They mocked me for being such a coward! They said real men don't cry. They punch.
YOU ARE READING
How She Left Me [ON-GOING]
Fiksi RemajaNoon,akala ko ang pag-iyak ang nag-iisang daan para maibsan ang kalungkutan. Pero habang lumilipas ang panahon,nag-iiba din pala ang rason kung bakit ka umiiyak. Hindi ko alam. Basta isang araw namalayan ko na lang ang mga luhang unti-unting naglal...