Chapter 5

13 4 0
                                    


IF YOU LIKE HER
___________________________________

Diretso lang ang tingin ko sa kawalan. Nakatulala habang walang sawang ninanamnam ang tibok ng nagwawala kong puso. Bagamat nangingitim ang ilalim ng mga mata dahil sa kawalan ng tulog ay nakuha ko pading gumising ng maaga. Sino ba naman ang hindi? Wala akong tulog! Hindi ko ata namalayan ang sarili kong umuwi ng bahay kahapon.

Napabuntong hinininga ako sa naisip. Bahagya ko pang iniling ang ulo para alisin ang walang sawang pag-iisip ko sa mga nangyari kahapon. Yun ang dahilan ng pagod ko ngayon. Oh! Not just that! Hindi lang ang pagkapuyat ko ang dahilan. Dahil lahat ng iyon ay nagsimula sa iisang taong hindi ko inakalang lubos na guguluhin ang katinuan ko.

It was her. The girl named 'Ayanna'....

I gulped at the sudden fast beating of my heart. Ito din ang pumipigil sa pagtulog ko kagabi. Ang maingay at malikot nitong pagtibok ang nagpahirap sa aking paghinga. Sa tuwing maaalala ko ang mga mata niya at salitang lumabas sa kanyang labi ay ganoon na lang ang estrangherong epekto noon sa sistema. Nakakatakang ang babaeng wala lang dapat ay unti-unting nagkakaroon ng kabuluhan sa buhay ko.

Marahas kong ibinagsak ang kutsara dahilan para mapatingin sa akin ang ilan sa mga natirang kumakain.

"What's wrong,kuya?" Si Lexy.

Hindi ko siya pinansin at walang paalam na nilisan ang hapagkainan. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan para lang magulat sa presensya ni Milo sa passenger seat.

"Wooo! Why do you look so shocked?" Nakataas ang dalawang kamay na tanong niya.

Taka ko siyang tiningnan bago inikot ang mga mata sa loob ng kotse only to see the whole gang. Lahat sila nasa loob ng kotse ko! Kukurap ang mga nagtatakang mga mata na tiningnan nila ako. Tila nagulat sa reaksyon ko.

Pinagsasaluhan nila ang burger at fries sa likod ko ngunit tila napatigil dahil sa naging reaksyon ko. Pero hindi ko maiwasang mapatanong.....what the fuck are they doing here? Paano sila nakapasok?!!

"You gave as the key. Milo went in and told you we're here and we're all riding your car." Nanliliit ang mata na sagot ni Lynx na tila nabasa ang tanong ko.

Nangunot ang noo ko at tumingin kay Milo.

"You did?" Tanong ko.

Umawang ang kanyang labi.

"You even said yes and told me to just wait outside because you're still eating your breakfast. What's with that fucking reaction a while ago,Lim?" Tanong niya.

Tipid akong tumango at iniwas ang tingin.

'Taena! Ganon ako ka lutang?'

"Is something bothering you,Lim?" Lynx asked.

Sumulyap ako sa kanya sa rear view mirror at kaagad ding umiling.

"Of course you do have! Look at that dark circles! Geeezzz,you are so ugly,Lim!" Si Encer na kaagad kong tinapunan ng masamang tingin.

He just shrugged.

"Whatever." He said.

Dayne chuckled.

" I didn't know you are that smitten,Lim." He said meaningfully.

Ang kaninang nag-aalalang mata ni Lynx ay nanunudyo.

"So? When are you going to court her? Para naman makatulog ka na ng maayos." Sabi ni Dayne at malakas na tumawa.

Kunot noo ko siyang sinulyapan.

"I have no plans." I said.

Natigil siya sa pagtawa at mariin akong tiningnan.

"Yanna is beautiful,Lim. More weeks and months will come and you'll find yourself at the end of her suitor's line. Hindi lang naman ikaw ang nagkakagusto sa kanya." So Dayne.

How She Left Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now