Pain to hope
___________________________________
"Catch!" Dinig ko ang malakas na tawa ni Encer ng makitang umamba sa pagsalo si Dayne sa sandwich na ibabato niya.
Minura siya ni Dayne.
"Tarantado ka,Ignacio! Nagugutom na yong tao kung ano-ano pang kabulastugan ang ginagawa mo!" Sigaw niya.
Tumawa lang si Encer at inabot na iyon kay Dayne.
"Oh,eto. Pampakalma." Napatingin ako sa yosing inabot sa akin ni Lynx.
Tumango lang ako at sinindihan iyon.
Byernis ngayon at ito ang ikatlong araw na hindi kami pumasok sa klase. Matapos ng tagpong iyon sa Principal's office ay hindi na kami pumasok.
"Sasali kayo?" Napabaling ako kay Milo.
"Ewan ko dito kay,Limuel."sagot ni Encer.
Iniwas ko ang tingin at tinuon na lang sa nag-uunahang alon. Malamig ang ihip ng hangin sa baywalk di kalayuan sa paaralan. Nakaupo kami sa bench habang inaabangan ang nagbabadyang paglubog ng araw.
"Ano ang sabi niya,Lim." Si Lynx.
Saglit pang nagtagal ang titig ko sa alon bago bumuntong hininga at bumaling sa kanila.
"He told me to win it." I said.
Hindi sila umimik bagkos ay tinitigan ako na tila nag-aantay sa susunod kong salita.
I sighed again.
"Then I'll get what I want....freedom." I said and they gasped like I just dropped the bomb.
"Do you believe him?" Tanong ni Dayne.
"My father is true to his words." I said.
Lynx sighed.
"Hanggang kailan? Hanggang kailan mo makukuha ang gusto mo? I mean....I'm sure it has an end right?" He said.
Napatitig ako sa kanya.
Hindi na nakakagulat na sila mismo naisip na hindi pang matagalan ang deal na iyon. Binigyan man niya ako ng pagkakataong magawa ang gusto ko,pero alam kong iyon ay pangmadalian lang. He wanted me to get my satisfaction hoping that I would say yes to his plans. Umaasa siyang baka kapag nagawa ko na lahat ng gusto ko sa buhay ay magagawa ko naman ang gusto niya. Pero hindi ko din mapigilang tanongin ang sarili ko. This is what I wanted. Ang magawa ang gusto ko. Kaya nga nagrerebelde ako dahil gusto kong makita niya ang pagkakamali niyang gumawa ng desisyon sa buhay ko.
"Naguguluhan ka." Umiwas ako ng tingin kay Lynx.
Siguro nga. Naguguluhan lang ako. Sa tagal na panahon ko ng sumubok na gawin ang gusto ko,ni isa hindi pa ako nagtagumpay. He would always let his power stop me. Ilang beses na akong nag-audition sa kahit anong idol group pero hindi din nakakapasok dahil sa kapangyarihan niya. At ngayon lang ang pagkakataong magagawa ko ang gusto ko ng hindi niya ako hinahadlangan. Pero hanggang kailan? At ano ang kapalit?
YOU ARE READING
How She Left Me [ON-GOING]
Teen FictionNoon,akala ko ang pag-iyak ang nag-iisang daan para maibsan ang kalungkutan. Pero habang lumilipas ang panahon,nag-iiba din pala ang rason kung bakit ka umiiyak. Hindi ko alam. Basta isang araw namalayan ko na lang ang mga luhang unti-unting naglal...