Chapter 32: Is It Just...?

40 35 0
                                    

Desperate Hearts

Chapter 32:

Is It Just...?

•°•°•°•

Christopher

"Cris, remember this... Kung magiging successful ang mga operasyon natin, I want you to find me. I'm sure na magkikita pa tayo in the near future. If we do, then I'll be glad to marry you Cris. Kapag hindi ito magiging successful, please... Forget about me. Live your own life without me as a part of it. Gusto kong maging masaya ka kahit wala ako sa piling mo. Gusto kong i-enjoy mo ang buhay mo kahit hindi na ako parte doon. With that, you can be assured na magiging masaya ako dahil do'n..."

This vision... Kahit na medyo blurry siya... It seems, familiar...

"Now Cris, promise me. If I live, find me. If I die, forget about me. If I lost in your memories, find a way to retrieve it by yourself. And if magkikita tayong muli, make me remember my promise of marrying you. Is it a deal?"

Dahan-dahan kong hinawakan kung ano ang bagay na iyon, ngunit sa hindi inaasahan ay meron akong nahawakang malambot...

"Who... Are you?"

"Hoy! Kuya, gising na!!"

Waahh!!

Bigla akong idinilat ang aking mga mata nang napansin kong naiangat ko ang kaliwang braso ko papunta sa pisngi ng isang familiar na babae.

"Um... Sino ka?"

Napakunot-noo na lamang ako nang hinimas-himas ko ang pisngi nito. This feeling... It's really familiar. Pero bigla na lamang nawala iyon nang bigla siyang nagsalita...

"Naku naman Kuya. Tulog ka pa yata. Ako ito, si Lily. And ako lang ang nag-iisang cute na kapatid mo Kuya, okay? Hayy... 'Yan kasi. 'Di ba nagsabi ako sa'yo na huwag ka nang maglalaro ng mga online games kapag may pasok ka bukas? Kuya naman eh..."

Medyo ngumiti ako bigla nang dahan-dahan akong bumangon ng kwarto ko. Meron akong double deck na kama and it seems like si Lily yung natutulog sa ibabaw. Meron siyang puting background, may dalawang malaking wardrobe doon sa kaliwang bahagi ng kama namin, a pink and blue plastic desk na merong mga gamit, isang aircon na nakakabit malapit sa bintana ng kwarto namin and that black-tainted sliding window namin.

"Sandali... Kuya mo ako?"

"Kuya naman! Huwag ka nang magbiro 'dyan! Meron pa ba akong ibang Kuya aside sa'yo? Tinatakot mo ako eh!" Walang kung ano-ano'y bigla niyang hinila ang mga kamay ko na para bang gusto na niya akong patayuin mula sa aking kama.

"O siya... O siya... Sorry na Lily." Pangiting sabi ko nang sabay kaming bumaba papuntang kusina nang makalanghap ako ng mabangong amoy ng fried bacon na nanggagaling sa kusina namin.

"Sandali Lily... Meron ba tayong mga magulang?"

"Ewan ko sa'yo Kuya! Tulog ka pa nga yata!" Bigla siyang nag-pout sabay baling ng tingin niya mula sa akin nang bigla akong natawa.

"Ay oo nga pala... Hayy... Lutang yata ako ngayon... Sorry ulit Lily..." Dahan-dahan kong kinamot ang ulo ko nang marahan akong hinila ni Lily papunta ng kusina. Nang pinaupo niya ako sa isang wooden chair ay bigla niyang inilagay ang kamay niya sa noo ko para tingin kung may lagnat ba ako.

"Luh, medyo may sinat ka yata Kuya. Okay lang ba yung pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Lily- sandali, kapatid ko ba talaga siya? Why is she so sweet and caring?

"Nah, okay lang ako Lily. Naalala ko lang kasi yung panaginip ko kagabi kaya siguro medyo lutang ako ngayon..." Napatawa ako ng konti nang biglang umupo si Lily sa biglang mesa sabay tanong sa akin tungkol sa panaginip ko.

Desperate Hearts (Couple Heart's Series #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon