Kabanata 07
Fefe/lou pov.
"Lou magpalit ka.. Hindi pwede na ganyan ang suot mo. Nakakahiya kina elvie.."galit na utos ni mom sa kanya.
Maaga silang pumunta sa mansion kanina dahil palaging kinukulit siya ng ina niya na pumunta na siya agad sa mansion at maghanda daw siya para sa pagkikita ng ipakilala nito sa kanya.
"Mom this is my fashion outfit.."angal na sabi niya dito.
"Dios mio Marie Loufekt Gallato. Tignan mo nga itsura mo walis nalang ang kulang para kanang mangkukulam.."galit na sabi nito sa kanya.
Napatingin naman siya sa itsura sa salamin ng kwarto niya..
Narinig niya ang pagtawa ng ate nikki niya at ang nag iisang pinsan niya sa ina na si rafaela.. Wala na itong mga magulang kaya inampon na ito ni mom at dad. Beauty queen din ito na kagaya nila mom na nanalo ngayong taon. Miss universe 2020..
"Mom pwede ba wag niyo akong pakialamanan sa pananamit ko. Mas gusto ko ng ganitong suot."sabi niya dito.
"Ano ka ba naman lou.. Kaya ang daming natatakot sa iyo dahil akala nila isa kang babaeng weird.."sabi ulit ni mom.
Napataas ang kilay niya.
"Mom sanay na ako dyan saka totoo naman weird ako dahil hindi niyo nakikita ang nakikita ko ngayon. Well hindi lang naman tayong apat ang nandito sa kwarto kundi may kasama pa tayong tatlong tao na nakatingin sa atin..."sabi niya dito.
Kita niya ang paglunok ng ate nikki niya at si rafaela.
Tinignan niya ang ina niya na nakataas ang kilay. Alam niyang hindi ito naniniwala sa sinasabi niya..
"Wag ka ngang manakot lou..."sabi ng ate nikki niya..
"Kaya walang nanliligaw sa kanya ate nikki dahil tinatakot naman niya ang lalaking lumalapit sa kanya... Paano kaya makakaasawa si lou."sabi naman ni rafaela.
Kumunot noo na tinignan ko ang dalawa..
"Alam niyo wag niyo ako pakialamanan kong hindi ako makakapag asawa. Mas gustuhin ko pang maging matandang dalaga kaysa sa pag aasawa. Sasakit lang yang ulo ko."sabi niya dito sa dalawa pero hindi niya inaasahan ng paluin siya ng kanyang ina sa braso.
"Mommy.."angal na sabi niya dito.
"Ikaw talaga lou. Sa ayaw at gusto mo dapat makapag asawa ka.. Hindi pwede yang sinasabi mo."galit na sabi ni mommy.
Biglang pumasok ang isang katulong nila sa kwarto niya..
"Maam lourdes tumawag po si maam elvie baka po daw malate sila mamaya. Pero yong anak po nila na si sir cyrus mauuna pong pumunta dito."magalang na sabi ni ali kay mom.
"Ganun ba?? Its okay... Para naman makilala na rin ni lou si cyrus..."nakangiting sabi mom saka siya tinignan.. "Ayusin mo yang pananamit mo lou. Ayaw kong mapahiya kay elvie.."sabi nito bago naglakad paalis.
Napaikot nalang ang mga mata niya.
"Sundin mo nalang kasi si mom.."sabi ni ate nikki niya.
"Saka kilala naman natin si tita lourdes hindi talaga siya titigil kapag hindi mo sinunod ang sinabi niya.."sabi naman ni rafaela.
Masamang tinignan niya ang dalawa..
"Ahhhgghg bakit hindi nalang kayong dalawa ang ipakilala ni mom.. Bakit ako pa...."inis na sabi niya sa mga ito.
"Ikaw talaga lou.. Alam mong may bf ako at malapit na kaming ikasal."sabi naman ni ate nikki.
Tinignan naman niya si rafaela.

BINABASA MO ANG
FUCKING WOMENs 11: Andress Cyrus "Andre" Guevarra
Fiksi Umum"I CAN SEE DEAD PEOPLE" Iyon ang palagi niyang sinasabi sa mga taong nasa paligid niya para hindi siya lapitan ng mga ito. All black dress ang palagi niyang suot at black lipstick. Ayaw niya kasing magambala ang tahimik niyang buhay. Pero may isang...