Kabanata 09
Andre pov.
Hindi niya mapigilan mapangiti..
"Hoy andre. Para kang nasasapian dyan. Gusto mo ba dalhin ka namin sa bombero??"sabi ni reid sa kanya kaya napatingin naman ako dito.
"Anong gagawin ko doon??"kumunot noo na sabi niya habang umupo ulit siya.
"Maligo ka doon para mahismasan ka. Para kang nasasapian dyan kong makangiti ka wagas."sabi naman ni max.
Natawa naman si nikki at raf sa sinabi ni max.
"Oo nga ang creepy mo. "sabi naman ni reid.
"Hahaha nakakatawa.."sarcastic na sabi niya.
"Cyrus pagpasinsyahan mo na si lou. Ganyan lang talaga siya."sabi naman ni ninang lourdes.
"Its okay ninang."sabi niya.
"Mom,dad kilala na nila ang isat isa. Doon pa nga natulog sa bahay ni lou."sabi ni nikki na nakangiti.
Biglang napakamot nalang siya sa batok niya.
Bakit pa sinabi yun ni nikki.. Patay tayo dyan..
"Doon ka natulog sa bahay ni lou??"kumunot noo na sabi ng kanyang ninong mike.
"Totoo ba yun cyrus?"gulat na sabi ni ninang lourdes na may ngiti sa labi.
"Ninong,ninang mali ang iniisip niyo. Doon lang ako natulog dahil....tinakot ako ng anak niyo na may ipupunta siyang multo sa bahay ko. Kaya naisipan kong sa bahay nalang niya ako matulog."sabi niya.
"Aysus ang sabihin mo natamaan ka lang kay....."hindi na natuloy ang sasabihin ni reid ng apakan niya ang paa nito. Katabi niya kasi ito.
"Fuck..shit masakit."sabi ni reid..
"Manahimik ka kasi dyan reid."natatawang sabi ni max kay reid.
"Okay lang yan cyrus. Buti nga magkilala na kayo ni lou. Hindi na kami mahirapan sa inyong dalawa."nakangiting sabi ni ninang lourdes.
"Gusto lang kitang balaan cyrus. Kahit inaanak kita kapag sinaktan mo ang anak ko. Wag kang magpapakita sa akin baka putulin ko yang nasa iba mo. Alam kong babaero ka pero wala akong magawa ng sabihin sa akin ni lourdes na ikaw ang ipapakilala kay lou."seryosong sabi ni ninong mike.
"Tito baka nga si lou ang magiging dahilan para tumino si andre"sabi naman ni max.
"Oo nga tito. Saka tignan niyo nga po kanina isang andre cyrus guevarra isang playboy at matinik sa chick hindi tumalab ang kamandag kay babaeng weird este si lou."sabi ni reid .
"Baka si cyrus din ang magiging dahilan para hindi na maging creepy si lou."sabi naman ni raf.
Napailing nalang siya saka tinignan si tito mike.
"Tito dont worry wala po akong balak na saktan siya at itulad sa mga babaeng dumaan sa akin. May respeto po ako sa inyo."sabi niya. Saka malabong saktan niya ito dahil kita naman niya na ayaw siya nito.. Saka hindi siya namimilit sa babaeng ayaw sa kanya.
Pinalo naman ni ninang lourdes si ninong mike sa braso.
"Ano ka ba naman mike wag mo nga takutin si cyrus."sabi ni ninang lourdes. "Ahh cyrus bakit hindi mo sundan si lou. Baka mag sasalita nanaman siya mag isa doon."sabi ni ninang lourdes.
"Oo nga cyrus. Kapag kasi mag isa ni lou kinakausap niya ang sarili niya."sabi naman ni nikki.
Tumango nalang siya saka tumayo.
"Sige po.."sabi nalang niya para matapos na rin ang pagtatanong nila sa kanya.
Nagpaalam muna siya kina ninong mike at ninang lourdes bago siya lumabas sa dinning area.
BINABASA MO ANG
FUCKING WOMENs 11: Andress Cyrus "Andre" Guevarra
Fiksi Umum"I CAN SEE DEAD PEOPLE" Iyon ang palagi niyang sinasabi sa mga taong nasa paligid niya para hindi siya lapitan ng mga ito. All black dress ang palagi niyang suot at black lipstick. Ayaw niya kasing magambala ang tahimik niyang buhay. Pero may isang...