CHAPTER 1
MEET THE BUPLOKS~MARION DEXIE~
"Good Morning Mrs. TYAMPALOK! We're glad to see you!!!" Sabay-sabay na bati ng mga kaklase ko sa bago naming Science teacher. Tindig at kilay palang ay malalaman mo na agad na strikta ang Mrs. Sampalok na tu!
"What did you just say? Its Sempalok! Not SAMPALOK, TSAMPALOK AT LALO NA ANG TYAMPALOK!" Halos lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan. Omegesh! Napakalalim ng boses ng Sampalok na tu. Pwedeng-pwede sa Horror movies yung boses niya! Isali mo nalang din ang mala-maligno niyang mukha megesh!!!
"And YOU!" Napalaki ang mga mata ko nang tumama ang tingin ni Sampalok sa akin. Posible kayang nabasa niya isip ko? Megeeeesh!!!
"Bakit nakaupo ka lang diyan? Hindi ka man lang ba babati sa bago niyong guro?!!! Tumayo ka diyan!!!" Malakas na bulyaw niya sa akin kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa utos ng Sampalok.
"Sorry not sorry Maam. Late ka kasi sa pagpasok dito kaya whats the pointing?" Lakas loob na wika ko kaya mas lalong sumama tingin ni Sampalok sa akin. Tsk.
Wala na kong paki kung tama ba ang pagka-ingles ko. Kung inaakala niyang magpapatalo ako! No wayers!
"Huh, how dare you to say that? Estudyante ka lang at ako ang guro niyo!!! Mali-mali pa ang grammar mo!!! Hindi mo nga alam ang dahilan kung bakit ako nalate!" Napangisi ako nang sabihin ni Sampalok yun. Yun ang akala niya haha.
Kung titignan ng mabuti makikita mong basang-basa pa ang buhok ni Mrs. Sampalok. Unang papasok sa isip natin na kaliligo lamang ni Sampalok pero ang nakapagtataka...hindi siya nakasuot ng uniform.
Hindi niya naman siguro makakalimutan na magsuot ng uniform kahit pa nagmamadali siya diba?! Pero kung titignan mo ng mabuti ang kanyang katawan. Mapapansin mo agad ang pasa at sugat na nasa kamay niya at halatang fresh na fresh pa dahil sa kaunting dugo na umaagos nito.
Sugat. Pasa. Basang buhok. Lahat na iyon ay konektado lalo na ang pagiging coach ni Mrs. Sampalok sa Swimming Athletes.
Dahil sa pasa at sugat na nasa katawan niya, masasabi kong may di umanong umatake kay Mrs. Sampalok. Sabihin nalang nating may galit yun sa kanya kaya gusto niyang lapain tung Sampalok pero lumaban din si Sampalok kaya walang magawa ang kriminal kundi ang itulak nalang si Sampalok sa pool at tumakas.
"Swimming Pool..." Nakangisi kong wika na ikinagulat ni Mrs. Sampalok. "Ano?" Tanong niya kaya napairap nalang ako.
"Swimming pool. Kaya natagalan ka kasi may kaaway ka kanina sa pool. Tama ba ako...?" Pinipigilan ko ngayong tumawa dahil sa gulat na gulat na reaksyon ni Sampalok pati na rin ang mga kaklase ko.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi yan totoo. Natagalan lang ako gumising..."
Sinungaling...
"Bakit magsisinungaling ka pa Maam? Natatakot ka bang may makaalam sa katotohanan. Bakit di mo nireport na may umatake sa iyo kaninang madaling araw? Hindi kaya, natatakot ka kasi...ikaw mismo ang umatake---"
"SHUT UP!!! UMALIS KA DITO!!! GET OUT NOOOW!!!" Mala-horror movie man ang kanyang boses at mala-maligno man ang kanyang mukha, hindi ako natinag at dumiretso nalang akong lumabas.
Alam kong tama ang hula ko kanina. Base sa mga reaksyon ni Sampalok...mukhang natamaan ko ang Jackpot!
Ang hindi ko maintindihan...kung bakit di niya ito nireport o pinagsabi sa police. Posible bang siya mismo ang kriminal...
Hays ewan! Hindi ko nalang tu proproblemahin!
Nilibot-libot ko nalang ang campus hangang sa napagod ako kaya napaupo ako sa malaking puno dito sa campus.
P.S. Di ko alam anong tawag ng punong tu! Basta puno tu!
Napapikit nalang ako sa aking mata at linamnam ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ngunit...sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata, wala akong ibang makita kundi si papa. Wala akong makita kundi ang karumal-dumal na kamatayan ni papa na hangang ngayon ay wala pa ring hustisya.
Hindi pa rin nadadakip ang kriminal na pumatay sa nag-iisa kong ama...
"AAAAAAAHHHH!" Halos mamatay ako sa gulat nang marinig ang sigaw na iyon na bumasag sa katahimikan ng campus.
Mabilis akong napatayo at tumakbo sa pinangagalingan ng ingay. Halos lumuwa ang aking mata. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang isang babae na nasa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.
"Wh-what the---tumawag kayo ng ambulansya!" Gulat na sigaw ng isang lalaki at mabilis naman akong tumawag ng ambulansya.
"Hello! Kailangan namin ng tulong niyo. May naaksidente dito!!!" Sigaw ko sa kabilang linya.
"U-ummh...hashtag 87000 Jollibee delivery. May order po ba kayo Miss?" PESTE! JOLLIBEE ANG NATAWAGAN KO!
Mabilis kong tinapos ang tawag. Tinawagan ko kaagad ang ambulansya pero matatagalan daw sila dahil may rally nagaganap sa may kalsada.
"Lana! Hindi!" Nagsisimula nang dumadami ang estudyanteng nandito. May dalawa namang babae dito na umiiyak, bestea ata ng babaeng namatay.
Sigurado akong namatay ang babaeng tu dahil sa pagkahulog niya sa building na may limang palapag. Megesh! Nakakaawa!
"What happened here?" Wika ng isang lalaki na may malaking ngiti sa kanyang labi. May saltik ba ang isang tu?
"Don't mind this guy. I am Kyla, president of Q.E.D. Club. We are here to help you guys." Ani naman ng isang babae na nakasuot ng makapal na salamin at nakamask pa. QED CLUB? Meron palang ganyang club sa aming campus?
"What's the name of the victim?"
"L-Lana...Lanaly." Sagot naman ng kaibigan ng biktima habang umiiyak kasama ang isa pa niyang kaibigan.
"Ano naman ang mga pangalan niyo Miss?" Tanong ng lalaki at sinabayan pa ng killer smile. Porke gwapo ang gago!
"I'm Pauleen." Sagot ng babaeng may mahabang buhok. "And I am Sarah. Kaibigan namin si Lana..." Sagot naman ng babaeng may maiksing buhok.
What's the pointing of tanong their pangalan? Suicide naman ang kaso na ito eh...
Or maybe hindi?
~~~~~~~~
Lolo's Note:
Well, this is my first time writing a mystery story. Writing mystery or detective story alone is kinda cliché! That is why I put it a twist of Action!
Please enjoy reading as much as I enjoy writing. By the way, expect wrong grammars especially if it's MARION DEXIE'S POV.
Again, enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Spy Club
Mystery / ThrillerSPY CLUB Marion Dexie Samonte. 99.9 percent BUPLOKS, 99.9 percent TANGA and 99.9 percent germ protection Safegu---ay sorry, wala pala yan sa script. Anyways, Marion Samonte aka BUPLOKS ironically joins QED Club. But little did she know... there's...