CHAPTER 13
THE LIBRARY MYSTERY~MARION DEXIE~
"First skill! Second skill!!! SS mo dzong! Oooy! Ohmaghad!" Sigaw ko kay Kirito habang pinapanood ko siyang naglalaro ng ML.
"You have been slain"
"AAAH! Ang lakas ng kalaban!" Nakasimangot na sambit ni Kirito nang mamatay na ang kanyang hero. Napahawak naman ako sa braso ni Kirito saka ako tumitig sa kanya ng seryoso.
"Wag mawalan ng pag-asa!!! Kayang-kaya yan basta tiwala lang! Tiwala lang!!!" Seryosong sabi ko at napatango naman siya sa akin sabay ngiti.
"Haha tama ka diyan Dex! Tiwala lang!" Masayang wika niya at napangiti naman din ako. Napalingon naman kami sa pinto nang bigla itong bumukas saka naman bumungad sa amin sina Kyla, Jupiter at Uranus.
"What's up guys!" Ani ni Kirito sa kanila at napaupo naman sa tabi niya si Jupiter.
"Nandoon kami sa Students Committee office kanina and the president told us na they'll provide a space for us incase gagawa tayo ng booth." Sabi ni Jupiter saka niya kinross ang kanyang mga braso at binti.
"But Kyla declined it..." Pairap niyang sabi at napaliit naman ng tingin si Kyla sa kanya.
"We already talked about that booth and it needs a lot of effort Jupiter. Besides, we don't have enough money to prov---"
"Ako na ang bahala sa pera!!! Sayang ang opportunity! Ako na ang bahala sa materials at sa pera basta gagawa tayo ng booth!" Mataray na sabi ni Jupiter at napahimas nalang sa ulo si Kyla.
"Hays! No! There's already a lot of booth. Sumali na ako sa Novel Writing Competition kaya yan nalang ifocus natin."
Nobel Rayt---hanudaw?
"Novel Writing? Pero competition yan! We need to contribute Ky!" Komento ni Jupiter at agad namang sumagot si Kyla.
"Yeah...pero gagawa tayo ng maraming copies sa novel na susulatin natin then ipapasa natin yung isa habang yung iba ay ibebenta natin." Aaah! Pero di ko pa rin gets kung ano yang Nobel Raytin---hanudaw?
"Oh nice idea! Pwede na yan!" Komento ni Kirito at napairap nalang si Jupiter.
"Jupiter is good at that..." Sabi ni Uranus kaya napalingon naman kami kay Jupiter.
"WHAT? NO! I-I mean si Kyla naman ang gagawa sa novel kaya di niya na ako kailangan para diyan. Besides, that's so tiring!" Maarteng sabi ni Jupiter at napangiti naman si Kirito.
"Kung ganun...ikaw nalang ang susulat Jupiter! I know you can do it!" Masayang sabi ni Kirito.
"Oo nga!!! You can do it!" Nakikisabay lang! Hindi ko naman talaga alam yang Nobel Raytin---hanudaw?
"B-but...ikaw ang susulat---"
"No! Hindi ako magaling sa pagsusulat ng novel. Uranus already told me that you're good at it and you love writing so it's your time shine!" Pagpuputol ni Kyla sa pagsasalita ni Jupiter at napangiti naman kaming lahat maliban kay Uranus na wala talagang emosyon lage! Pero oppa eh kaya ang cool niya tignan!
"T-talaga...it's ok na ako ang susulat? But what if hindi niyo magustuhan, hindi nila magustuhan..." Agad kong hinawakan ang braso ni Jupiter at tumitig sa kanya ng napakaseryoso.
"Wag mawalan ng pag-asa! Tiwala lang sa sarili Jupiter! Tiwala lang!" Nakangiti kong sabi at napatango naman si Kirito.
"Oo nga! Tiwala lang!" Nakangiting sabi ni Kirito at napangiti naman si Jupiter. Ay! Ang ganda talaga ng smile ni ateng! Baka maging tomboy ako neto!
BINABASA MO ANG
Spy Club
Mystery / ThrillerSPY CLUB Marion Dexie Samonte. 99.9 percent BUPLOKS, 99.9 percent TANGA and 99.9 percent germ protection Safegu---ay sorry, wala pala yan sa script. Anyways, Marion Samonte aka BUPLOKS ironically joins QED Club. But little did she know... there's...