CHAPTER 10
DEDUCTION SHOWDOWN~KIRITO MAZE~
ANG TAHIMIIIK!
Ayst! I'm not used to this. Normally, may mga kalokohang naiisip palagi si Dexie!
Pero ang tahimik niya ngayon. Wala rin sa amin ang nagtangkang magsalita kaya ang tahimik.
I AM NOT COMFORTABLE WITH THIS! I have to think a topic to talk with them.
Hmm...
"U-uh...mukhang wala naman tayong kliyente ngayon. How about...mag-isip nalang tayo ng ibebenta natin o gagawin natin this coming Intramurals." I suggested and they all just nodded.
OH COME ON! MAGSALITA NAMAN KAYOOO!
"So anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanila. Mukhang wala talagang magsasalita.
Nasanay kasi kami sa LIVELY attitude ni Dexie. Ngayong tahimik siya eh naging mas tahimik nalang tung mga kasama ko. Ayst!
"U-uh...Marion..." Tawag ni Kyla kay Dexie kaya napalingon naman si Dexie sa kanya. Ang seryoso ng ekspresyon nilang dalawa.
I'm sure that this is all about that secret E member. We failed that mission yesterday and it looks like there's some conflict between Dexie and the Mafia E.
"I-I'm sorry...hindi ko siya nahuli..." Nagulat naman kami nang sabihin iyon ni Kyla.
"No. It's my fault. I should have come with you Kyla. Mas madali sana natin yun mahuli..." Mas napalaki ang mata namin nang sabihin iyon ni Uranus. Holy cow!
"H-hindi...kasalanan namin ni Kirito. Hindi kasi kami nakabantay ng maigi!" What the! Dinamay pa talaga ako ni Planeta!
Napabuntong-hininga naman si Dexie saka siya ngumiti ng malapad sa amin. It's her usual genuine and sweet smile...finally!!! Nakangiti na siya ulit!
"Wala kayong kasalanan nu! Besides nagawa nating protektahan si Oliver! Yun ang mahalaga. Tsaka okay lang ako nu!"
"TALAGA!!! HINDI KA GALIT?!" Nakangiting sigaw ko at napataas naman kilay ni Dexie.
"Galit? Bakit mo naman nasabi yan Kirito?"
"Eh kasi...ang tahimik mo kanina pa!" Wika ko kay Dexie at natawa naman siya. Anong nakakatawa dun?
"Hindi ako galit nu! Medyo napagod lang ako kakaisip tungkol sa Mafia E kagabi kaya heto! Am so tiring---tires---pagod! Am so pagod!" Bahagya kaming natawa kay Dexie except kay Uranus na busy sa pagbabasa. Finally! Her lively attitude is back!
"Ok! Then, let's just play some games! Wala naman ata tayong kliyenteng dadating ngayon!" Planetang Jupiter said.
"But how about our plan this coming Intramurals? Ano na?" I asked.
"Wag na muna nating isipin yan. Bukas nalang tayo magplaplano tungkol diyan. Laro nalang muna tayo!" Sabi ni Jupiter at napatango nalang kami.
"Anong laro?" Tanong ni Dexie kay Planeta at napangisi naman si Planeta.
"Lets play....DEDUCTION SHOWDOWN!" Masayang wika ni Planeta at napakunot naman noo namin.
"Deduction showdown?"
"Yup!!! The rules are simple! Hahanap tayo ng mystery and we will try to solve it. Syempre may mga judges din upang icheck kung tama ba ang ating deduction!" Planeta explained and we nodded.
"Since kuya Uranus and Kyla are good at mysteries, they will be our judges and we are the contestants. You have to follow this when you explain your deduction! EXPLAINATION, SOLUTION, CONCLUSION or THEORY, and REASON!" Planeta elaborated and we nodded again.
BINABASA MO ANG
Spy Club
Mystery / ThrillerSPY CLUB Marion Dexie Samonte. 99.9 percent BUPLOKS, 99.9 percent TANGA and 99.9 percent germ protection Safegu---ay sorry, wala pala yan sa script. Anyways, Marion Samonte aka BUPLOKS ironically joins QED Club. But little did she know... there's...