Naalimpungatan ako sa pagtulog ng may yumugyug sa balikat ko.
"'Nak,"
"Hmmm,"
"Gising may bisita ka."
Bisita? Sa ganito kaaga?
"Po sino?"
"Si Zaiken."
Agad akong bumalikwas ng bangon dahil sa narinig.
"Huh? Bakit po ang aga yata?" Hindi ko pinahalata kay Mama ang saya na nararamdaman ko.
"Mamasyal daw kasi kayo."
"Ah, sige po pakisabi bababa ako mamaya."
"Bilisan mo na 'nak, huwag mong paghintayin ang bestfriend mo do'n."
"Opo," sabi ko nalang at dali- daling tumayo at pumunta sa banyo para gawin ang mga dapat gawin, pagkatapos ay Bestfriend.
Pababa na ako ng makita ko ang mahal ay este bestfriend ko na prenteng nakaupo sa single sofa at isa lang ang masasabi ko, ang GWAPO mula sa kuko hanggang sa pinaka huling hibla ng buhok niya, mala Adonis ang datingan nito.
Nagkakilala kami no'ng elementary kami transferee siya galing sa isang probinsya kaya ako na ang nakipagkaibigan sa kanya, pero medyo nagkapikonan muna pero naging okay din at naging mag bestfriend. Naging crush ko na siya simula grade 6 kami hanggang sa naging high school kami, inakala ko dati na infatuation lang 'to pero habang tumatagal napatunayan ko sa sarili ko na gusto ko na talaga siya mahal na nga yata eh! Hayy pero syempre di ko sinabi sa kanya yun, ano ako bali? Mas mabuti ng gan'to.
Nabalik ako sa sarili ko ng may biglang pumitik sa noo ko.
"Arayy!" Daing ko at hinawakan ito.
"Pfft HAHAHA sorry."
"Tss. Ba't mo'ko pinitik ha?"
"Nakatulala ka kasi dyan, naku dahil sa kapogi-an ko no?" Sabi niya sabay sundot-sundot sa tagiliran ko.
"Magtigil ka nga, Sa'ng banda ba ang pogi dyan?"
"Anong asan? Ito oh, ito!" sabay turo pa niya sa mukha niya.
"Ah ano ba 'yan?"
"Mukha."
"Ha? Pfftt mukha? Akala ko pwet?"
"Hoy anong pwet?"
"'Yan pwet." sabi ko sabay turo sa mukha niya.
"Pwet ang tawag mo sa mukhang 'to? Palibhasa'y may crush ka sa'kin."
"Woi, anong crush? Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo."
"Amin amin din Bestfriend." sabi nya.
Bestfriend! Pa'no ba naman ako aamin kung hanggang d'on lang ang tingin mo sa'kin.
Naku ang sarap lang sabihin at ipamukha sa kanya ang mga katagang 'yan! Buset!
"Uy ba't ka natahimik? Joke lang yun ah, wag mong seryosohin."
"Alam ko atsaka di tayo talo 'no." 'yan nalang ang nasabi ko.
"Hehe buti naman."
Ouch lang! Okay lang naman ako, di naman masakit!
"Ah ba't ka nga pala nandito?" Tanong ko nalang kahit alam ko na ang sagot. Wala na ako matanong, e.
"Ah gusto ko lang mamasyal tayo."
"Bakit?"
"Anong bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman, ang ibig kong sabihin bakit tayo mamamasyal?"
"Gusto ko lang, atsaka malapit na magsimula ang college life natin you know baka matagal pa ulit natin 'to magawa. Pero kung ayaw mo okay lang" sabi niya at akmang aalis.
"Hep hep, ang OA mo para kang babae! Sinabi ko bang ayaw ko? Maghintay ka dyan may kukunin lang ako sa taas saglit" sabi ko at hinila ang T-shirt nya sa likod.
Bumalik ako sa kwarto ko at tiningnan kung okay ba yung mukha ko at nalglagay nalang ako ng kaunting pulbo at nagpabango para magmukha akong tao. Nakakahiya naman ang gwapo ng kasama ko baka akalain nilang alalay ako. Bumaba na ako pagkatapos.
"Tara?" Tanong niya.
"Teka magpapaalam lang ako kay Mama." sabi ko at pumunta sa kusina kasi nandoon siya nagluluto.
"Ma, alis na po kami."
"O sige mag-iingat kayo." Sagot ni Mama habang tinitimplahan ang niluluto niya.
"Syempre po." nagmano na ako.
"Zaiken ingatan mo anak ko ha?" Baling nya Kay Zaiken.
"Always Tita." nagmano rin siya kay mama.
"Mabuti naman, sige na umalis na kayo."
"Sige po,"
"Bye Tita,"
"Sige ingat." sabi ni mama atsaka kami tuluyang umalis ni Zaiken.
***
BINABASA MO ANG
I fell inlove with my Bestfriend [On-Going]
Teen FictionAng hirap ibigin ng taong hanggang kaibigan lang ang tingin sa'yo, ang hirap magpanggap na okay ka kahit hirap na hirap ka nang itago ang nararamdaman mo, at ang hirap maging masaya kahit ang sakit sakit na.