Chapter 5

574 204 9
                                    

Mabilis tumakbo ang oras at lunch time na, dahil wala pa akong nakikilala o naging kaibigan, tinext ko si Zaiken na magkita kami sa cafeteria para sabay mag lunch. Nagreply sya na papunta na siya.

Pagpasok ko sa cafeteria ay naghanap ako ng magandang pwesto 'yong makikita mo kung sino man ang papasok. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko sya natanaw papasok dito. Nakita ko syang palinga linga, tumayo ako at kumaway. Ngumiti sya't naglakad papunta sa'kin.

Di ko alam kung bakit pero nagslo-slowmo sa paningin ko ang bawat paghakbang nya papapunta sa'kin. Wala akong ibang nakikita maliban sa kanya. May deperensya ba ang mga mata ko? Kailangan ko na bang mag patingin sa Doktor? What in the world is going on? Gusto ko sya-- i mean mahal, pero bakit nagslo-slowmo?

"Pasensya na Lex natagalan ako, ang dami kasing nakaharang do'n sa hallway." napabalik ako sa sarili dahil sa sinabi nya.

"Okay lang, pero anong nakaharang?"

"Girls. Kinukuhanan nila ako ng litrato." sabi nya at umupo sa tabi ko

"Wow ah! Ang gwapo mo naman!"

"Syempre." kinindatan pa niya ako.

Bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to?

"Hangin! Bumili ka na nga lang ng pagkain do'n, nagugutom na ako."

"Aye aye captain." sumaludo pa sya bago pumila.

Kapansin-pansin ang malalagkit na tingin ng mga babae sa kanya, may iba pa nga na kahit nakabili na ng pagkain ay nag uunahan na makapila kasunod ni Zaiken. Ganon ba talaga sya ka gwapo? Akala ko kasi sa paningin ko lang dahil gusto ko sya. Gusto rin kaya sya ng mga babae dito? Err! Anong tanong ba 'yan Alexis? Syempre Oo, ang tawag dun love at first sight, magkakagusto ka sa isang tao sa loob lang ng 90 seconds to 4 minutes.

Wala rin naman silang pag-asa. Dati kasi sikat rin sya sa school namin, magaling kumanta, sumayaw at basketball player, maraming babae ang tinutukso sa kanya, halos lamunin na nga ako ng selos ng panahon na yon, pero ang sagot lang nya 'my heart is already taken' tinanong ko nga siya kung sino, ang sabi nya kilala ko daw, e, wala naman siyang kakilalang babae maliban sa'kin, iniisip ko nalang na engkanto 'yong nagugustuhan nya.

"Hayy para ayoko ng pumasok bukas." nakabusangot na sabi nya at inilapag ang tray ng pagkain sa mesa.

"Masasanay ka rin, mukhang gusto ka nga nila, e."

"Alam mo naman diba? My Hear---" di ko na sya pinatapos sa kanyang oh-not-so-famous-line.

"Yah! I know, pero di mo naman sinasabi sa akin Kong sino sya."

"Kilala mo sya, Ba't ko pa sasabihin?"

"Ayan ka na naman, e, di ko nga kilala, paulit-ulit ba akong magtatanong sa'yo kung kilala ko na sya ha?" Napipikon na sabi ko sa kanya.

I fell inlove with my Bestfriend [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon