Chapter 4

624 211 10
                                    

Naglalakad na kami ngayon habang magkahawak ang kamay papasok sa loob ng campus, pero di ako makaramdam ng kilig dahil sa sinabi nyang.........

"Hahawakan na kita, may pagkatanga ka pa naman at mahina sa direksyon."

Nakabusangot akong tiningnan sya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sabay bawi ng kamay ko at pinamiwangan siya.

"Ang sabi ko hahawakan na kita at baka mawala ka pa, mahirap na ang laki pa naman nitong school." at mas hinigpitan pa nya ang paghawak dito.

Suss! Kung di ko lang mahal 'tong bestfriend ko baka binatukan ko na 'to kanina pa. Pasalamat sya.

"Kung mawala man ako huwag muna ako hanapin nasa room na ako nun."

"At pa'no mo nalaman ang room mo ngayon?"

"Ayon oh." turo ko gamit ang aking bibig sa mga taong nagkukumpulan.

May Bulletin board kung saan nakalagay ang pangalan at ang room number mo. Hinila ko na siya papunta doon, at nakisiksik sa mga tao para tingnan yung room namin.

Hinanap ko ito, isa-isang tiningnan ang mga papel na naipaskil.

Ayon! HRM building room 97 third floor. Ang rami pa lang rooms dito 410 lahat, ang ganda ng pagkaka design ng campus na'to, paikot lahat ang pitong naglalakihang buildings, ta's sa gitna nito'y pwedeng tambayan kasi may mga bench at may mga soccer field, basketball court, tennis court at marami pang iba.

"Already find your room number?" Tanong nya.

"Yup! Eh sayo?"

"Yeah, room 128 third floor, magkatabi tayo ng building."

"Woahh pwede pala tayo mag usap do'n."

"Hmm... Pwede kung di mamaos boses mo."

"Haha di na lang pala, pupuntahan nalang kita pag gusto ko ng kausap."

"Pwede rin, pumunta ka na sa room mo, malapit na mag eight, strikto pa naman daw dito pag late."

"Oh sige, ikaw rin."

Tatakbo na sana ako pero may nahila ako....... Yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

"Haha excited kasi, Ingat ka ah" sabi nya't pinat ang ulo ko bago bitawan ang kamay ko.
Aww ang sakit parang nag let go na sya sa'kin. Huhuhu
Tinanaw ko nalang ang likod nya na papalayo sa akin nang bigla syang lumingon.

"LATE KA NA!!" sabi nya habang tumatakbo at ang ulo nya ay nakalingon sa akin at sobrang lawak ng ngiti.

Mabangga ka sana o di kaya matanggal nalang bigla yang ulo mo at tumalbog ta's hahabolin mo

Tiningnan ko ang tao sa paligid at ang kaninang nagkukumpulang tao ay nawala na parang bula. Ayan kasi Alexis Keith Lee, pahawak hawak pa kasi ng kamay late ka na tuloy.

Takbo lakad ang ginawa ko para lang makarating sa third floor, hinanap ko pa ito. Ba't ba kasi ang raming room dito?

94

95

96

97 ayon!

Kinakabahan akong buksan ang pintuan, nagdadalawang isip ako kung pipihitin ko ba o hindi, ang tahimik sa loob, sigurado akong ako ang magiging center of attention pag nagkataon.

Inhale

Exhale

Hooohhh

Hahhhhh

Hooohhh

Bubuksan ko na, pipihitin ko na, pero bigla kong binawi, kinakabahan ako. Sheyt lang!

"Do you think the door will open kung titingnan mo lang at iaakmang hahawakan pero hindi naman?" Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko.

Well, may itsura si kuya ah, matangos din yung ilong at yung mga mata nya ay kulay brown na nababagay sa kanyang mahahabang pilikmata. Hmmp mas gwapo parin ang Zaiken KO.

"At 'yang pagtitig mo sa akin ay makakatulong ba para di tayo malate?" Napataas ang kilay ko at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

"Tintitigan? Bakit bestfriend ba kita?" Sabi ko sabay bukas ng pinto. Napatigil sa pagsasalita ang babaeng nasa harapan.

"Oh latecomers."

"Hi po." bati ko dito.

"Hello, come in,"

Nahihiya akong pumunta sa kanya ng nakayuko.

"Kindly introduce yourselves." selves daw! Kasama yung antipatiko tsk!

"I-im Alexis Keith Lee." tiningnan ako ng mga kaklase ko na nag aabang pa ng susunod kong sasabihin.

"Thats it?" Tanong ng teacher na kaharap ko.

"Opo," she sighed at humarap sa taong nasa pintuan.

"How about you?" Pumasok sya na parang puno ng hangin ang katawan. Gets nyo? Yung parang ah basta!

"Spade Axl Mendez" cool nyang sabi.

"Okay, both of you can now take a seat." she said in a bored tone.

Malamamg dahil sa pagpapakilala naming dalawa it sound so rude. Umupo ako malapit sa bintana dahil may bakante do'n, ang problema dalawa yun at yun nalang ang di natitirang occupied na upuan. Magkatabi kami. Errr I hate his presence! I mean I hate him! And I hate his existence! Sa tindig pa lang nya mukha na syang mayabang at di ko gusto ang tono ng pananalita nya at isa pa ayaw ni Zaiken na may mga lalaking nakadikit sa akin, kahit magkatabi lang kami ng upuan.

Dati kasi may kaibigan akong lalaki na tinangka akong hipuan. Naospital 'yon at ilang linggong nag stay doon dahil may nabali na buto, mabuti nalang at naayos 'yun. Dahil do'n ayaw na nyang may makikita syang lalaking umaaligid sa'kin dahil gugulpihin niya.

"Oh I'm Miss Catherine Romualdez, your adviser and English teacher." and after that puro blah blah blah na ang naririnig ko. Mabuti nalang at di nanggulo 'tong katabi ko.

Nakapangalumbaba lang akong tiningnan ang labas habang bored na nakikinig sa pinagsasabi ni Ms. Cath, Ms. Cath daw dahil idol nya ang Kathniel. Pake ba namin? Sana lumabas nalang sya.

"Nakakaantok," sabi ng katabi ko at natulog. Di ko nalang siya pinansin, tiningnan ko ang relo ko. Matagal-tagal pang pagtatyaga 'to.

***

I fell inlove with my Bestfriend [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon