Chapter 3

694 232 19
                                    

Antok na antok akong naglakad palabas ng bahay dahil first day of school ngayon at ginising ako ng maaga ni Mama as in maaga talaga 5:00 am palang ay ginising na niya ako para daw e double check ang mga gamit ko kung wala na daw bang naiwan at pagdating ko daw sa school ingatan ko daw tuwing gagamitin ko, huwag daw ako magpahiram kung kani-kanino, ta's ang dami pa nyang binilin sa'kin tulad ng naging pala kaibigan daw ako para madaming kakilala sa first day of school pa lang at marami pang iba, umabot ata ng isang oras ang pagpapaalala niya sa akin, pagkatapos ay pinaligo na niya ako, pinabihis at pinakain at ang resulta? Ang aga kong natapos kahit mamayang 8:00 am pa ang start ng klase ko. Wala na akong nagawa kundi ang umalis kahit 7:02 am palang at ito ako ngayon palabas na nga excited kasi si Mama masyado.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may napundol ako sa paanan kong tao na nakaupo.

"Aray naman." sabi nya at tumayo sabay pagpag sa damit niya na medyo nadumihan ng paa ko.

"A-ano ba kasing ginagawa mo dyan, yan tuloy nadumihan."

"Malamang nakaupo ako at sa sobrang lalim ng iniisip mo di mo namalayan na nandito ako."

"Ba't kasi umupo ka dyan sa gitna? Eh kung tumuloy ka na lang di mangyayari 'yan."

"Eh sa gusto ko, e."

"Edi di ko na yan kasalanan."

"Oo na," sabi nya at naglakad sumunod na lang din ako.

"Ba't ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Gusto ko sabay tayo." sabi nya.

"Ah okay," sabi ko nalang at tumigil kami sa gilid ng kalasada para mag-abang ng jeep.

"Ba't parang antok na antok ka?" Tanong nya habang humihikab.

"Si mama kasi eh ang aga nya ako ginising."

"Tss. Si mama rin, sobrang excited nga nya, e."

"Pareho pala tayo, parang sila pa 'yong papasok."

"Oo nga, e." sabi nya at pumara na ng jeep.

Di naman malayo ang school namin kung masipag ka ay kaya mo namang lakarin.

"Tara na," aya nya sakin at pinauna ako sa pagsakay sa jeep, inalalayan pa nya ako papasok. Gentleman! Dagdag pogi points, at syempre magkatabi kami alangan namang sa driver sya tumabi.

Napahikab ako ng wala sa oras dahil sa antok.

"Pwede ka munang matulog dyan sa balikat ko." sabi nya at umurong siya ng konti at inilagay nya ang isa nyang kamay sa likod ko ang isang kamay nya ay hinawakan ang ulo ko para idikit sa mga balikat nya. Normal na ang ganito sa amin, pero para sa akin hindi. Rinig na rinig ko ang bawat pagpintig ng puso nya na mistulang musika sa aking pandinig.

Pipikit na sana ako ng maramdaman kong may mga nakatingin sa direksyon namin na pawang mga kabakaihan at sa mukha pa talaga ng taong mahal KO sila nakatutok. Tiningnan ko sya, parang wala lang sa kanya ang tingin ng mga kababaihan, mukhang sanay na sanay siya. Ba't ba kasi biniyayaan ng gan'tong hitsura si Zaiken, pointed nose, pinkish and kissable lips, blue eyes, makapal ang kilay, ang ganda ng jaw line, may dimples sa magkabilang pisngi, maganda ang pangangatawan at matangkad, kapag nakita mo siya di mo aakalaing 17 palang siya dahil sa kakisigan ng pangangatawan. Ewan ko ba kung bakit naging ganito bigla ang itsura nya samantalang dati patpatin lang siya at madalas nabubully.

"Kuhanan mo nalang ako ng litrato, baka matunaw pa ako." napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya.

"Feelingero 'kala mo naman gano'n kagwapo, tinitingnan ko lang naman kong may kulangot 'yang matangos mong ilong." bulong ko pero alam kong rinig nya.

"Tss! May picture ka naman ng mukha ko sa phone mo, ba't di nalang yon ang iyong titigan?" bulong nya sa'kin.

"Ba't ko naman gagawin yun, e, nauumay na nga ako sa pagmumukha mo."

"Aray! Nauumay? Ganun ba kapangit ang hitsura ko? Sabi nya na umaktong nasasaktan, medyo napalakas pa ang pagkakasabi nya dahil ang sama ng tingin ng mga babae sa'kin.

"Hinaan mo nga boses mo, baka mapatay ako ng mga babae dito."

"'Yan naman ay kung hahayaan ko sila, mamahalin pa kita."sabi niya pero di ko masyadong narinig ang huli nyang sinabi dahil may dumaang ambulansya.

" Ha?"

"Wala, sabi ko gwapo ako wag ka na tumutol."

"Ano pa ba magagawa ko? Kung gwapo ka maganda naman ako."

"Alam ko matagal na yan."

"I know right."

"Tsk. Medyo hangin ka rin."sabi nya sabay pat ng ulo ko.

"Dikit kasi ako ng dikit sayo."

"Ako na naman? Sige na nga malapit narin naman tayo."
Natanaw ko na ang building ng school namin. Huminto na ang jeep sa tapat nito, at siya naman ang unang bumaba at inalalayan ako.

Matandaan nga ang plaka ng jeep na yun, memorable to sa'kin, the best sakay ng jeep ever. Pero teka may nakalimutan kami.

"Nakabayad ka ba?"

"Hindi," inosente nyang sabi.

Nagdaan ang ilang segundo bago kami nagtawanan papasok sa campus.

Napagkamalan nanaman kaming baliw, sana bukas yun padin ang masakyan ko.

***

I fell inlove with my Bestfriend [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon