Chapter 8

441 150 2
                                    

Nandito ako sa loob ng classroom ko habang nakapangalumbaba at iniisip ang mga sagot ni Zaiken kahapon lalo na ang Siopao. Ngayon ko lang naalala na mahilig pala ako sa Siopao dati, pero di na ako kumakain nun ngayon kasi sabi ni Zaiken may pusa daw yung karne sa gitna nun, Simula nun naduduwal na ako pagnakakakita ako nun. Ayokong mag-assume pero may parte sa sarili ko na umaasang ako ang babaeng tinutukoy nya, dahil bukod sakin wala na talaga syang ibang kilala na kakilala ko, at napapasaya ko naman sya, araw araw pa nga eh. Posible kayang ako ang tinutukoy nya. Err! Imposible, pero pwede din naman na maging posible yun diba? Nababaliw na ak--

"Ay kabayong bundat! " sigaw ko

"Eh? Hihi! Hi sa'yo"

"H-hello"

"Nagulat ba kita?" Tanong nya habang nakangiti ng napakalaki, abot hanggang tenga 'ata. Ang hyper nya!

Gusto ko sanang sabihin na 'OO NAGULAT AKO! SINO BA NAMAN ANG HINDI MAGUGULAT KUNG HAHABLUTIN ANG MGA KAMAY MONG NAKATUKOD SA BABA MO! Pero dahil mabait ako at sabi ni Mama maging palakaibigan daw ako, di ko gagawin.

"Ah Hehe, hindi naman" pilit na ngiting sabi ko.

"Buti naman. Ako nga pala si Maria Leonora Minerva Satana Alleyah Samantha Mitochondria Cordillera Africa Nigeria Negra Teres---"

"WHAT!?" Sigaw ko

I'm confused!

"Hihi. Ikaw naman joki-joki lang yun 'no! Ako si Samantha Ariela Buenivista, Ariela for short" inilahad nya ang kamay nya. Tinanggap ko iyon.

"Alexis Keith Lee, Alex or Lex nalang" sabi ko. Hindi ako maka move on sa pangalan nya kanina.

Mitochondria? Cordillera? Africa? Nigeria? Siraulo ba sya?

"Keith nalang itatawag ko sa'yo, hihi kaibigan na tayo ah, dito narin ako uupo, nakipagpalit sya sa akin ng pwesto" napatingin ako sa likuran ko, nakipagpalit nga, malapit parin sa'kin. Tumingin sya sa'kin.

"What are looking at?" Tanong ni Spade. Inirapan ko lang siya, nakaka ilang English na siya sa'kin ah!

"Keith nag lunch ka na ba?"

"Hindi pa" sabi ko at tiningnan ang relo ko, 12:14 na pala kanina pa siguro naghihintay si Zaiken dun. Nakita kong tumayo si Spade at umalis.

"Tara na, kumain na tayo, ililibre kita" ani nya at hinila-hila pa ako.

"Busog pa kasi ako, e." Ayoko kasi alam Kong pupunta si Spade kay Zaiken.

"Ahh basta, Tara na!" Wala na akong nagawa. Psh!

Naglalakad na kami papunta doon at salita sya ng salita tungkol sa iba't-ibang bagay tulad ng ilan silang magkakapatid, anong trabaho ng mga magulang nya at ano ang mga pagmamay ari nila. Meron lang naman silang limang 5 star hotel at 20 restaurants.

Napanganga nalang ako pero medyo naririndi ako sa boses nya at isa pa ba't biglang lumayo ang cafeteria? Geez! Sa wakas. Hinanap ng mata ko si Zaiken pero hindi ko sya makita ngunit may isang mesa sa pinakagitna ang pinagkakaguluhan ng mga babae.

"Ano kaya yung nandoon?" Bulong ni Ariela

"Ewan ko"

"Tara puntahan natin." hinila na naman nya ako. Wala akong magawa.

Pagkarating namin dun, nakita ko si Zaiken, napatingin naman sya sa'kin.

"Wahh pally! Tulungan mo kami, di na ako makahinga" sigaw nya

"Papicture naman oh"

"Pahug naman"

"Pakiss kahit sa cheeks lang"

ANO? KISS DAW!!

"Ako sa lips kahit smack lang. Hihi" sigaw ng tomboy

What the? Anong lips? Namumuro na sila ah! Ako nga hindi pa nahahalikan sa cheeks at l-lips ni Zaiken sa noo lang, ta's sila! Hell no!

Tiningnan ko ulit si Zaiken, pawis na pawis na siya, para talaga syang bakla pag may umaaligid na babae sa kanya, tiningnan ko rin ang katabi nya na si Spade na pawisan rin at Panay ang mura ng English. Feeling ko may mali talaga sa taong to, English ng English kahit sa probinsya galing may accent pa! Hanep!

"ALEXIS KEITH LEE! TULONG!" sigaw ulit nya

"Hala! Kilala ka ni kuya Keith" sabi ni Ariela

"Malamang, bestfriend ko yan, e."

"ANOO?" Nanlalaki ang mata niya, gusto na nga atang lumuwa eh.

"Bakit?"

"Wala lang, nakikisabay lang ako sa kanila" sabi nya

Teka, anong? Tiningnan ko ang paligid ang kaninang gumugulo sa kanila ay nakatingin na sa'kin at narinig ang sinabi ko.

"Ilakad mo naman ako oh"

"Ako rin, ibibigay ko sa'yo lahat ng gusto mo, kahit ano"

"Ako kay Spade ah"

"Ako rin ms."

"Uhh.." Ang gulo nila

"Uh-oh" bulong ni Ariela na umaatras kasi naman pasugod na sa'min ang mga babae.

"Ariela, hilahin mo si Spade, ako naman kay Zaiken"utos ko sa kanya at tumakbo na ako papunta sa kanila. Hinila ko na siya kahit nakasandal na siya sa upuan at mukhang hihimatayin na, ganun rin si Ariela kay Spade.

Tumakbo na kaming apat, pero humabol ang mga babae sa cafeteria pati narin yung nadadaanan namin. Anong karisma ba ang meron sa dalawang 'to at hinahabol-habol ng mga babae? Tsk!

Natagpuan nalang namin ang sarili namin sa isang mukhang garden sa likod ng school at hindi ito madumi o ano man, may dalawang metal bench dito at may mesa sa pagitan nito.

Looks like nakita na namin ang aming tambayan. Bago pa kami makaupo sa bench ay nahiga na si Spade at Zaiken sa may bermuda. Napapala ng gwapo. Tsk! Tsk!

***

I fell inlove with my Bestfriend [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon