Kanina pa kami nandito sa mall, halos naikot na namin ang kabuuan nito, nakapag meryenda narin kami at nandito kami sa arcade ngayon at nagpaparamihan ng mai-shoot na bola.
"I win again." masayang sabi ko
"Naka chamba ka na naman." sabi nya
"Anong chamba? Pang limang panalo ko na yan chamba parin? Pambihira, ang sabihin mo wala ka talagang panama sa akin." kanina nya pa yan sinabi, may mga tao na ring nanunuod sa amin, pa'no ba naman kalalaking tao ang daldal.
"Dinadaya mo naman ako pally, e." nakabusangot na sabi nya.
"Pa'no kita dadayain aber?"
"Tuwing magsho-shoot ako dinidistract mo ako gamit ang pangit mong mukha" nagtawanan pa yung mga tao.
"Anak ng---" di pa ako natapos sa sasabihin ko ng magsalita si Spade
"What if we put a twist on the next game?" Napataas naman ang kilay ko.
"Anong twist?" Sabay na tanong namin ni Zaiken.
"Everytime na may maisho-shoot kang bola ay free kayong magtanong sa isa't isa."
Eh? Kilala ko na si Zaiken mula pagkabata, alam ko na ang pasikot sikot ng utak nya, ano pa ba ang pwede kong itanong sa kanya?
"Sige payag ako" masayang sabi ko, may gusto pa pala akong itanong sa kanya. Tiningnan ako ni Zaiken na nakakunot ang noo.
"Ano? Takot ka na no?" Nanghahamon na saad ko.
Siguro nalilito kayo kung bakit ako parating nananalo 'no? Well, babae ako pero naglalaro ako ng basketball, ito nga yong naging bonding namin ni Zaiken dati kaya mas naging mas malapit kami sa isa't-isa, noong elementary parati akong nananalo kapag nagwa one-on-one kaming dalawa, patpatin pa kasi si Zaiken noon at mas matangkad ako sa kanya, pero ngayon hindi na ako halos makapag shoot dahil sa laki ng katawan nya, nagagamit na nya yun pangdepensa, pero kita nyo naman ngayon wala paring kupas ang galing ko sa pagsho-shoot, kaya bawing bawi ako ngayon, at marami akong gustong itanong sa kanya.
"Sige payag ako, pero bibilangin parin natin kong sinong pinakamaraming na shoot ah, babawi pa ako" bugnot na bugnot na sabi nya. Pffft HAHAHA yun ang akala nya. Kobe Bryant to uy, walang mintis.
"Okay, let the game begin, just a reminder, please answer honestly." makahulugang sabi ni Spade.
Tsk! Napressure tuloy ako, naunang mag shoot si Zaiken, well shoot, nakachamba!
"Are you still mad at me?" Ha? Kanina pa kami okay ta's yun lang itatanong nya.
"No I'm not, kanina pa tayo okay na diba?" Nag shoot na ako at syempre shoot!
BINABASA MO ANG
I fell inlove with my Bestfriend [On-Going]
Teen FictionAng hirap ibigin ng taong hanggang kaibigan lang ang tingin sa'yo, ang hirap magpanggap na okay ka kahit hirap na hirap ka nang itago ang nararamdaman mo, at ang hirap maging masaya kahit ang sakit sakit na.