Naglalakad na kami ni Zaiken papunta sa di ko alam at kanina pa talaga kami palakad lakad at pagod na ako!
Matanong nga kung saan kami pupunta, baka balak niyang maglakad forever.
"Zaiken,"
"Hmm?"
"San tayo pupunta?"
"Ah di ko pa alam eh, mag lakad lakad muna tayo." sabi niya at himimas himas ang batok niya.
Seryoso ba siya? O baka pinagtri-tripan na naman niya ako.
"Pero pagod na ako, e." pinapadyak padyak ko pa ang paa ko.
"Pagod? Ang bilis naman."
"Hala! Kanina pa kaya tayo naglalakad."
"Di ko namalayan, e."
"Ay engot lang! Pagod na talaga ako eh!" Sabi ko at umupo sa gilid ng kalsada. Pero nagulat nalang ako nang umupo sya sa harap ko patalikod sa akin.
"A-anong ginagawa mo?"
"Malamang umuupo." sabi nya.
Psh! Akala ko pa naman papasanin niya ako.
"E, ba't nakatalikod ka sa akin?"
"Haha ang slow mo talaga."
"Anoo!?"
"Wala piggyback ride ka sa'kin."
"M-mabigat ako."
"Alam ko."
"Ehh?"
"Ayaw mo ba o gusto?"
"Syempre gusto, pagod na ako, e."
"Oh ano pa hinihintay mo?"
"Mabigat nga ako di'ba?"
"Suss! Wala ka bang tiwala sa mga muscles ko?" Sabi niya sabay pakita sa muscles nya sa braso.
"Sa muscles mo meron, pero sa katawan mo? Tss, Never mind."
"Hoyy wag mong iismolin 'tong katawan ko, baka di mo alam na maraming nagnanasang hawakan ito."
"Tsk! Tumalikod ka na nga lang ng maayos, baka sa'n pang kababuyan mapunta ang usapang ito." sabi ko at sumampa sa likod nya.
BINABASA MO ANG
I fell inlove with my Bestfriend [On-Going]
Novela JuvenilAng hirap ibigin ng taong hanggang kaibigan lang ang tingin sa'yo, ang hirap magpanggap na okay ka kahit hirap na hirap ka nang itago ang nararamdaman mo, at ang hirap maging masaya kahit ang sakit sakit na.