Chapter 12

287 6 5
                                    

Mabilis kaming nakarating sa condo kiel at nagpadeliver na lang ng pagkain.

Nasa salas kami ng may maliit na box itong inabot sa akin.

"For you." Nakangiti pa niyang sabi.

"Ano to?" Kunot noo'ng tanong ko sa kanya. Kaagad ko itong binuksan at isa itong chain bracelet na may maliit na star na design.

"No.. Kiel.. hindi ko matatangap to." Pilit kong ibinabalik ang bracelet niya binigay sa akin.

Simple siyang ngumiti at tumabi sa akin."No.I bought it for you." At Mabilis niyang isinuot ang bracelet sa aking kamay.

"Your so special to me, alam mo yon."

Kaagad ko siyang binigyan ng isang mahigpit na yakap. "Thankyou." Bulong ko pa sa kanya.

"Hey love birds, tama na yan."

Kaagad namang napansin ni Kiel ang necklace
kong suot. "Who gave that necklace?"

"Oo nga, Ely. Ngayon ko lang ata nakita yan? Usually yung mga pendants na suot mo is butterfly? Bakit falling star?" si Jessie na abot ang tanong sa akin.

"Ah-eh ito? bigay ni Ethan yung fiance ko."

Mabilis na nagiwas ng tingin si Kiel at nagpaalam para kumuha ng inumin.

"Ang bitter mo talaga Kiel!" malakas na sigaw nito sa pinsan niya.

Mahina kong pinalo si Jessie."Hoy! Ano kaba!" saway ko pa dito.

Napailing lang naman ang kaibigan nitong si Jessie.Lumabas nadin si Kiel sa kusina at may dalang whisky at pagkain.

"Lets celebrate!" Pilit nitong ngiti saakin ngunit may bahid na lungkot ang kanyang mga mata.

Ngumiti na lang ako pabalik at hindi ininda ang pangyayari. "Buksan na yan!" Turo ko sa whisky hawak niya.

Mabilis na binuksan ni Jessie ang whisky na parang isang uhaw na bata.

"Uhaw na,uhaw ah!" Komento ko.

"Malalakas na ata kayo uminom ah? Madami na ata ako namiss." Kamot ni Kiel sa ulo.

"Madami ka talaga namiss!" Patango tango ko pang sabi.

"Oo nga eh! Dati Baby kita? Ngayon ikakasal ka na sa iba." pabulong niyang sabi ngunit sapat na para aking marinig.

"Bumabanat." Kantyaw ni Jessie sabay lagok ng isang basong whisky.

Hindi ko nalang pinansin ang komento ni Jessie at humarap sa nakasimangot na si Kiel. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at ngumiti. "Ako parin naman to eh, ang babaeng inalagaan mo noon.Ikakasal lang naman ako, hindi naman ako mawawala.. Nandito parin ako para sayo.."

"Psh!" Mabilis niya ako niyakap at nilagok ang isang basong whisky para sa kanya.

"Halika na. Ihahatid na kita." Dugtong pa niya.

"Aalis na agad tayo?" si Jessie na pahikab hikab na nakahiga sa sofa.

"No. Hindi ka kasama." maawtoridad na sagot ni Kiel.

"WHAT? Why?!" Mabilis siyang napatingin sa dalawa naming kamay na magkahawak. Namilog ang kanyang mata at pumikit na."Ugh! Fine! Pakisarado nalang ng pinto!"

"Lets go Els."

Mabilis niya akong naihatid sa subdivision.Niyaya ko siya pumasok sa bahay para makita sina mommy at daddy.

"Aliza!" Boses ni daddy.

"GoodEvening dad!" Sabay halik ko sa pisngi.

"Sino yang kasama mo?" si Mommy na may hawak pang magazines.

NOT YOUR BABE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon