(I first met YOU)
Naaalala ko pa noong una kitang makilala...
Naglilibot ako sa school grounds noong first day of school. Malawak kasi saka para makabisado ko ang mga pasikutsikut rito. Mahirap na ang maligaw sa kalagitnaan ng school year, napagdaanan ko na iyon. At, whew, naiwan akong mag-isa sa school.
Iniwaksi ko na iyon sa isip ko at ipinagpatuloy ang pagmasidmasid sa mga kuwarto at paligid. Open ang facilities dito. Hindi yata uso ang mga pader dito dahil kahit pa sa loob ng school ay may gardens na pumapagitna sa mga classrooms. Mabuti nalang at kahit pa open ay malalawak naman ang bubong kaya walang problema. Kaya mas naging mapagmasid ako kasi dito iyong ang daling mawala dahil parepareho ang mga classrooms maliban sa maliliit na signs sa may pinto nila.
Ang hirap talaga kapag bagong lipat. Walang malapitan dahil nahihiya pa ako at, well, hindi ako socially active. Baka nga kausapin lang ako ng hindi ko kakilala, mautal utal pa ako sa harap niya at baka mahimatay. Takot ko lang siguro. Personal paranoia, ika nga.
Maraming students sa mga cemented tables na nakatayo sa kagiliran ng mga garden. Hindi ata uso ang canteen dito dahil mukhang may mga sarisariling baon ang mga tao dito. Saka sabi kasi ng pinsan ko na naggraduate dito ay mas masarap pa ang luto sa bahay kesa luto nila rito, kaya siguro. Umiling iling ulit ako at nagpatuloy sa paglilibot. SA di inaasahan ay may nakarating ako sa pinakagilid ng paaralan. Paano ko nalaman? MAy malaking bakod dito saka kaunti ang mga mag-aaral na dumadaan rito. Marami naman kasing tambayan kaya baka hindi na nila ito mapupuntahan pa.
May nakita akong pavillion sa isang gilid. Namamalikmata pa yata ako dahil parang nakakasilaw ito sa mata. Kaso, hindi pala ako namamalikmata, may talagang nakakasilaw sa pavillon na iyon. Lumapit ako ng dahan dahan lang. Baka mamaya kasi may kung ano pala roon, edi hindi pa ako makatakbo niya at magkadapa dapa ako sa lupa.
Napalunok lunok pa ako pero habang papalapit ako ay nawala ang kaba sa puso ko kasi napalitan ng malumanay na tugtog ng gitara ang narinig ko. Maayos na akong naglakad at unti unti kong nasisilayan ang isang hubog ng tao sa loob ng pavillon. Ulo lang iyon kaya ewan kong lalaki ba o babae. Mula sa gilid ng bukasan ng pavillon ay nakasilip ang dulo ng gitara na siyang palang sumisilaw sa mata ko kanina pa. Iniilawan ng araw ang parteng ito ng pavillon. Hindi pa ako nararamdaman ng tumutugtog kaya nakalapit ako habang tumutugtog siya.
Nakatapak na ako sa unang step ng hagdan at nakompirma ko nang lalaki ito.
Humakbang pa ako hanggang nasa loob na ako at alam mo bang ikaw pala ang lalaking tumutugtog. Umupo ako sa isang gilid ng bukasan ng pavillon. Mataas pala ang bubungan ng pavillon na ito. Tapos nakakarelax ang hangin kasama pa ang pagtutugtog mo. Pinanuod ko ang pagtutugtog mo nang nakapikit. Naka dekuwatro ka, eh. Tapos nakasandal ang ulo mo sa pader. Hay, pero musika mo ang una kong napansin. Saka ko lang napansin na napakaguwapo mo pala. Kakaiba ang dating sa iyo ng anino ng araw. Parang dumagdag iyon sa tema ng tinutugtog mo.
Kaso naputol ang panunuod ko sa iyo dahil bigla nalang tumunog ng napakalakas ang cellphone ko. Alam mo ba iyong nakakahiya sa parteng iyon? Nahuli mo akong nakasandal sa tuhod ko ang siko ko tapos pinapanuod kita, intensely pa!
Tinitigan mo lang ako hanggang sagutin ko ang tawag ko.
"Kai, bakit hindi mo na ako tinexan? Kanina pa kita tinetexan, ah?" bungad ng pinsan kong si ate Ailie. "Sorry, ate. Hindi ko na po naramdaman ang pagvibrate ng phone ko, eh. ang ganda po kasi dito kaya naglibot na po ako," half truth na sagot ko. Ayoko naman kasing magtext habang umiikot ikot sa school. Mas dumadagdag iyon sa pagka anti social ko, eh.
"Okay, okay. Asan ka na ba? Saka kumain ka na ba, Kai? Baka mamaya nagpapalipas na nanaman, ah," sermon ni ate. "Naku, hindi po. Kumain na po ako. Sige po, ate." Pinutol ko na agad ang pag-uusap namin kasi naiilang na ako sa titig mo. Saka baka himatayin ako, hindi pa ako kumakain, eh.
"HI?" nahihiya kong bati sa iyo. Tumagal pa ng kaunti ang titig mo pero tinanguan mo lang ako. Ibinalik mo na ang atensyon mo sa gitara mo at sinimulang magplucking lang. Hindi katulad kanina na nagstrustrum ka. Tahimik lang ako dito kasi ayokong ma label mo pa akong papansin. Saka hindi ko kayang mag-open up ng kung ano, eh.
"Bago ka?" nagulat ako nang bigla kang magsalita. "O-oo," sagot ko agad na nauutal pa dahil sa hiya. Ewan ko ba. Ang hirap kasi para sakin ang makipag usap nalang bigla. Lalo na noong nahuli mo akong nakatitig sa iyo kanina.
"Ikaw siguro iyong sinasabi nilang third year transferee. Bihira nalang iyon, ah. Bakit ka naman lumipat?" tanong mo ulit. Nanlalaki pa ang mata ko dahil, akalain mo? Kinakausap mo ang isang tulad ko na may kiti kiti sa puwet sa kakagalaw galaw sa kinauupuan ko.
"Kasi, lumipat kami rito mula sa dati naming bayan kaya napagbigyan akong lumipat ng school," halos pabulong kong sagot. Tumango tango ka lang sa sagot ko.
Maya lang ay tumayo ka naman na at nag-inat pa bago mo ako hinarap at nginisian. "Sige, una na ako," sabi mo at naglakad na pababa ng pavillon. "Uhm!" sabi ko agad at napalingon ka sa akin. "May itatanong ka ba?" tanong mo habang nakangiti sa akin. Grabi, napakaguwapo mo talaga. Parang anghel pa kapag ngumiti. Akala ko nga susungitan mo ako noon, eh.
"AH, eh. Anong pangalan mo?" tanong ko. Napahinga pa ako ng malalim dahil halos maubusan ako nang hininga sa deretsong tanong ko sa iyo. Bahagya kang napatawa. "Lex. Baka gusto mong samahan pa kita sa class ninyo. Alam kong nakakahilo ang pasikot sikot rito," sabi mo pa.
Agad akong bumaba ng pavillon. Tinawanan mo pa ako at namula ako. "Si-sige. Salamat."
"Okay lang iyon. Third year rin naman ako, eh. Saka baka madetention pa ako sa maaga kong pagcutting. Malayo rin ang classroom natin dito, ah," sabi mo pa. Inangat ko ang tingin ko sa iyo at sa daan ka na nakatingin noon. Naramdaman ko nalang na nakangiti na pala ako sa iyo. Unang beses ko palang naramdaman na may taong nakipag usap sa akin at nag-aaya pa. Mukhang hindi naman yata ako malulungkot sa bago kong school, eh. Kasi nakilala na kita.