The reason YOU left

26 4 0
                                    

(The Reason YOU Left)

Agad akong kumalas ng yakap at nagulat ka. Marami akong tanong na gusto kong masagot. Pero isa lang ang nasabi ko, "Bakit sabi nila patay ka na?"

Iniupo mo ako at huminga ka ng malalim. "Nagalit ang mga magulang ko sa iyo at sa akin. Sa sobrang pag-aalala nila sa akin ay pineke nilang patay na ako. Sinabihan nila ang magulang mo at ang pinsan mo na sabihing hindi ako umabot dahil gusto nila akong ilayo sa iyo," sabi niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kailangan kong alisin ang galit sa puso ko. Kailangan kong intindihin na magulang sila at ayaw lang nilang napapahamak ang anak nila. Pero nasaktan din naman ako. Nawasak lahat ng pangarap ko dahil sa paniniwalang mala na si Lex sa buhay ko. 

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at nakita ko ang isang may kahabaang linya sa kanyang kanang bahagi ng ulo kung saan hindi natubuan ng buhok. Walang pag-iisip na hinawi ko iyon at agad hinuli ni Lex ang kamay ko. Kumunot ang noo ko dahil sa kirot ng aking puso. Kita ko ang tahi rito. Kita ko rin ang biglaang takot sa mukha ni Lex.

"Sorry. Sorry, Lex. Sorry tlaga..." nakatungo kong pangingiyak. "Hindi dapat nangyari iyon. Dapat hindi nalang natuloy iyon. Kasalanan ko kung bakit iyan nandiyan," dugtong ko pa habang hinahabol ang hininga ko sa gitna ng pag-iyak ko. Niyakap ako ni Lex. "Hindi. Huwag mong sisihin ang sarili ko. ALam kong grabi din ang epekto ng aksidente sa iyo. Please, ayokong makitang umiiyak ka ng dahil sa akin. Nasasaktan ako.

TIningala kita at umiiyak ka na rin. NAgkatinginan lang tayo at unti unti mong pinaglapit ang mga noo natin. Puno ng emosyon ang mga mata mo. "Hindi mo lang alam kung paano ako nagdusa sa pisikal at sa mental dahil sa aksidenteng iyon. Hindi nila ako pinayagang makita ka. Tapos ang sakit na ilalayo nila ako sa iyo nang dahil sa aksidenteng iyon. Gusto kitang makita pero sabi nila, patay na ako sa iyo. Na ayaw mo na akong makita. Pero hindi ako naniwala. Alam kong galit sila sa iyo at maging sa akin. KAya kahit pa dinala nila ako sa Amerika para kalimutan ko ay hindi ko nagawa...."

"Masyado kitang mahal para magawa ko iyon..." 

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala. Pero bago pa ako makasagot ay naramdaman ko na ang labi mo sa labi ko. Pumikit na lamang ako at dinamdam ang halik mo. Sana hindi na ito matapos.

"Lex!"

Naglayo tayong agad nang marinig ang sigaw ng isang lalaki. Sa ating paglingon ay nakita ko ang iyong ama at ina. Mukha pa silang galit kaya nakaramdamam ako ng kaba. Ilalayo ka ba nila sa kin, ulit?

YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon