(YOU were there for me)
Kinaibigan mo ako noon. Sinabihan mo akong anti social pero matapos noon ay sinimulan mo na akong kulitin. Alam mo bang nakakagulat iyon? Ikaw iyon tipong malamig sa kapwa at matigas, eh. Pero mali ako. Baliktad ka, eh!
Simula ng araw na iyon, natututunan ko nang dumaldal. Ikaw kasi, eh. Napakadaldal mo. Ikaw ang laging nag-iingay sa tuwing magkasama tayo. Tuloy, pati ako nadadamay. Pero, lihim akong nagsasaya kasi kaklasi kita. Tapos wala ka naman palang masyadong barkada kaya nasasamahan mo ako. TApos single ka pa kaya walang magseselos sa tuwing kasama kita.
Araw -araw, ang tambayan natin ay sa pavillon. Araw-araw, tayo ang nagbabasag ng katahimikan sa lugar na iyon. Magkasamang mag-aral. Magkasama sa kalukuhan. Magkasama sa mga bagay bagay. Hindi na tayo mapaghiwalay kasi napakakulit mo tapos ako nalang ang sumusuway sa iyo.
Inaasar nila tayo pero tinatawanan nalang natin. ANg sabi mo pa nga, "Oo na. Makilig na mga puwet niyo, pero bestfriend ko ito, kaya umasa nalang kayo! haha"
Nakitawa na rin ako noon. Iyan ang gusto ko sa iyo, eh. Tanggap na tanggap mo ang pagiging magkaibigan natin. Tapos napakadali mong lumusot sa pang-aasar nila sa atin. Kung siguro mawala ka, hindi ko kayang maging ganito. Madaldal, mapagbiro, palatawa at masaya lang sa buhay. Ikaw kasi nagturo sa akin noon, eh. SAlamat, Lex, ah.
Naaalala ko rin noon. Ikaw ang nagturo sa akin na mag gitara. LAgi mo pa akong pinagtatawanan kami namamali ako ng tunog. Pero lagi mo pa rin naman akong tinuturuan. Ang galing mo ngang teacher, eh. Akalain mo, nakaya ko nang tugtugin ang "Sandali Na Lang" na kanta naman ni Hale?
Hehe, paborito ko ngang kanta iyon, eh. Kaya kung minsan iniiyakan ko pa kapag hindi ko talaga makuha. Tinatawanan mo talaga ako noon. ANg lakas nga ng tawa mo, eh. Tapos nagpagulong gulong ka na sa sahig sa kakatawa mo. Pero binawi mo iyong pangangatyaw mo ng isang malutong na payo.
"Kapag gusto mo ang isang bagay, hindi ka mapapagod na sumubok hanggang nagagawa mo o nararating mo ang bagay na iyon. Kaya, KAi, huwag kang sumuko, okay? Konting tiis lang at paniniwala, makaka ahon rin ang Pilipinas," sabi mo. Iyon nga ang dahilan kung bakit nagmukha na tayong baliw sa pavillon. Nakakasira kasi ng moment iyong huli mong sinabi. Pero alam mo ba? Pinanghawakan ko iyon. Seryoso kong tinanggap ang payo mo. Kaya nga nagawa kong tugtugin ang SAndali Na Lang, di ba?
PEro kung may time na napakasaya natin. May time rin na ginawa kitang pamunas, batya at balon. Pamunas ng luha. BAtya ng mga reklamo ko at balon ng sama ng loob ko. All in One ka na, bestfriend. Super nagpapasalamat nga ako kasi hindi mo ako iniwan, eh. KAhit pa tinawag kita minsan sa kalagitnaan ng gabi, sinagot mo pa rin ang tawag ko tapos sinasabayan mo ang kadramahan mo. ANg dami mong payo sa akin noon, Lex.
"Kai, hindi mauubos ang problema sa mundo. KAya dapat maging matatag ka saka kumapit ka sa positive side. Huwag kang negative na baka gumuho ang lupa na kinatatayuan mo. Andito naman ako para kapitan mo at tulungan kang bumangon," seryoso pa ang boses mo sa kabilang linya. Siguro manunulat ka. Galing mong magbitiw ng salitang ganoon.
PEro hindi na kita binanatan kasi natumpok mo ang mga salitang kailangan kong marinig. Iyong andiyan ka lang para makapitan ko at matulungan akong bumangon. SAna hindi ka na mawala sa piling ko. Napaka astig mong kaibigan, eh.
At talagang sa tinatagal nating magkaibigan, nakikilala ko ang mga sides ng personality mo na daig pa ang decagon sa dami.