(YOU and I)
Nabasbasan na tayo ng mga magulang natin. Malapit na kami ng mga magulang mo. NAging tayo sa gabing iyon, sa pavillon na iyon. MArami naman tayong naging problema noong naging tayo, eh. Selosan, awayan, iyakan, pero nagkabati rin. Miminsan pa tayong nagbreak pero bumabalik pa rin naman tayo sa isa't isa.
At ngayon nga... Dumating ang araw na paninindigan na natin ang ating pagsasama.
Ikakasal na tayo pero hindi naman mawawala ang kaba sa dibdib ko, eh.
MArami akong kinakatakutan na baka hindi natin malampasan ang mga problema pero naalala ko, kung kamatayan nga nagawa nating lagpasan, problema pa kaya.
Binuksan na nila ang malapad na pintuan ng simabahn. Bumati sa akin ang mga kamera at ang mga bisita. Napagkasunduang mag-isa kong lalakarin ang aisle. Ayos lang naman sa akin at kay mama. SInubukan kong huwag ipakita ang aking kaba at ipagpatuloy lang ang pagsabay sa tunog ang aking paghakabang. Nakita kita sa dulo ng altar. Nakangiti at sa akin lamang ang tingin. Lumawak ang ngiti sa aking labi at sigurado akong hindi na ako kinakabahan.
Isang tingin lamang sa iyo at nakita ko na ang ating hinaharap. Magkasama at may anak na inaalalagan. Sa pitong taon ba namang nagkasama tayo ay paniguradong alam na natin kung paano mamuhay ng magkasama. Nawala na ang takot sa puso ko na baka hindi natin malagpasan ang mga pagsubok sa ating buhay.
Malapit na ako sa iyo. Ilang hakbang na lamang at makakaharap na natin ang Diyos. Inalalayan mo ako papunta sa altar, ang mga mata mo ay sa akin pa rin nakatingin. Ganoon rin naman ako sa iyo.
Umusad ang seremonya at nakatuon naman ang atensyon ko roon. Hindi ko na ininda ang tagal ng pangaral ng pari sapagkat alam ko namang matapos ito ay hindi na tayo mapaghihiwalay ng kung sino o ano man.
Nagkapalitan ng singsing at ng mga pangako. Buong puso kong isinaulo ang aking pangako sapagkat ayokong malayo ang tingin ko sa iyo. Magkahawak ang mga kamay na nangangako sa isa't isa. Ipinagdasal tayo ng pari. Binasbasan ng ating mga magulang at ng mga saksi. Taimtim ko ring pinasalamat sa Diyos ang ating pagsasama.
ALam ko namang kailangan natin SIYA kapag nagkasama na tayo e.
"By the power vested in me, I now pronounce you as husband and wife," sa wakas ay saad ng pari. Malapad ang ngiti mo sa akin at ganoon rin naman ako.
"YOU may now kiss the bride," dugtong pa niya.
TInungo mo ang aking labi at hinila mo ang beywang ko kaya't nagkatagpo ang ating labi. MAtagal tagal rin iyon pero sa huli ay naghiwalay na rin tayo. Hinarap natin ang mga naghihiyawang tao sa loob ng simbahan.
Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. At ipinagmamayabang ko na YOU are mine.
-end
- - - - - -
Author's Note:
Ay, salamat. Whew. Natapos ko na rin ang first short story ko. Pero mukhang ang haba parin ano? Sabaw pa ang ending! Haha. Pero, pianghirapan ko rin naman ang mga maiikling dialogue ni pareng Lex. Hehe. Pati na rin sa speech ni mareng KAi! NAku ang ka emotan ng babaeng ito. Haha. Pero, ayan. Natunghayan niyo na ang kanilang love story.
Alahanin Guys,
There are people who cometh only once, love them and care for them for they bring wisdom in more ways than one.
(Bigyan ng piso!) ahaha
Pa vote naman diyan ^_^ heha