(I'm scared I'll lose YOU)
Fourth year na tayo nito, Lex. Grabi. Isang taon na tayong naging magkaibigan. Tapos alalang alala mo pa talaga kung kailan tayo naging magkaibigan. Akala ko nga ako lang ang nakaka-alala, eh. Second day ng school noon, iyon yung date kung kelan tayo nagmeet noong nakaraang taon. SAbi mo sa akin, may pupuntahan tayong lugar matapos ang pasok kaya nagpaalam na ako agad kay mama. Kilala ka na naman na ni mama, eh. Lagi kasi kitang nadadala dati para gumawa ng project. NAgiging magpartner kasi tayo,eh. Buti nalang at puro, choose thy partner ang mga teachers sa atin kaya ayan, laging tayo. No problem naman kasi iyon sa school natin. Magkaibigan lahat at kung may nag-aaway man ay napagbabati mo rin. Oo, ikaw ang dahilan ng pagkakabati nila.
Ang dakila mong linya ay uso na sa paaralan natin. Kaya kahit hindi ikaw ang may sabi ay nagkaka ayos sila kasi kahit naman nakakatawa ang mga pangaral mo ay totoo naman. MAy point. Hindi mo siguro napapansin. Napaka humble mo kasi, eh. Tapos tinatawanan mo lang kapag kinukuwento nila sa iyo iyong mga ganoong pangyayari.
Hindi ko pa nga nasasabi sa iyo na nakuwento sa akin ni ate Ailie na napakasungit mo raw nung first year ka tapos third year si ate. Napaka anti mo pa nga raw, eh. Haha. Ganoon din ang kuwento ng mga kaklasi natin sa akin kapag nalalate ka ng dating dahil sa pagpupuyat mo. Na kung tutuusin ay may kasalanan naman ako, hehe.
Nung asarin tayo nung minsan na ako daw ang dahilan ng pagiging masayahin mo ang sagot mo lang sa kanila ay, "Lahat nagbabago, ano? Yakapin niyo nalang ako bago pa mawala ang kagaya ko."
Tinawanan lang nila iyon pero niyakap ka nga. Haha. Naka open arms ka pa kasi,eh. PEro habang pinapanuod kita na niyayakap ka nila, bakit parang iba yata ang tama ng mga salita mo sa akin. PArang imbes na biro lang iyon ay hindi sa pandinig ko. Nalungkot ako noon kasi ayokong mangyari iyang biro mo.
Tinanong mo ako kung bakit natulala ako sa buong araw na iyon pero hindi ko sinabi ang totoo sa iyo. Alam ko namang tatawanan mo lang ako, eh. Saka mas gusto kong makita kang masaya kaysa nakakunot ang noo at nag-aalala. LAgi ka kasing ganoon kapag namomoblema ako. Akala mo namang ikaw rin ang may problema kaya napakaseryoso mo at talagang nag-iisip ka rin ng paraan para maresolba iyo.
Naalala mo ba noong may project ako noon? Model iyon ng floor plan in isometric form iyon. Pero, nasira siya, di ba? Pero naalala ko noong tinawag ko sa iyo, yun. Tapos wala pa sa ala singko ang dating mo sa bahay ng gabi, dala dala ang mga gamit na panggawa. Nagtaka ako, noon. Pero sabi mo lang, "hahayaan ko bang ma first honor ako nang hindi kasama ang bestfriend ko. Saka may gamit pa naman ako, edi gawa nalang ulit tayo. Four hands is better than two." Naiiyak ako noon pero ngumiti nalang ako. Ang suwerte ko talaga sa iyo,Lex.
Hindi mo talaga ako hinahayaang malaglag sa kahit ano. Mapa studies man o sa kalukuhan. LAgi kitang back-up kahit hindi ko hinihiling.
Kaya alam mo bang natatakot akong mawala ka. Hindi dahil wala nang taong tutulong sa akin tuwing projects pero dahil alam kong hindi ko kayang mahiwalay ka sa tabi ko. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. SAka may aaminin ako, bestfriend...
Mahal na mahal kita, higit pa sa magkapatid, bestfriend o kung ano man tayo. Mahal kita, Lex. At ayokong mawala ka sa akin....