I see YOU

27 4 0
                                    

(I see YOU)

Ito na, oh. Ito na iyong dati nating pinapangarap. Ang makagraduate. Kaso ang daya daya mo kasi hindi mo ako sinamahan. Wala ka para makita ang kagandahan ko na palagi mong inaasar pero sinasabihan mong kyut at walang katulad. Hindi mo na makikita iyong dress na para sana sa iyo kasi lagi kang nagrereklamo na hindi mo pa ako nakikitang nakapalda at nakaheels na walang maong sa loob. Hindi mo na nakita ang walang sinasantong ngiti ko na nakakasilaw na sabi mo.

Sayang Lex. Sana kasi hindi ka nalang nawala... Tuloy, iniwan mo na akong nagspespeech rito sa harap bilang salutatorian. Ikaw dapat ang valedictorian ko, eh. Kaso bakit mo naman ako iniwan. Ang sabi mo naman sa akin ay lagi mo lang akong sasabayan?

"Maraming dumadaan sa buhay natin. Maging pagsubok man iyan o kasiyahan. Mga taong magtuturo sa iyo kung paano maging matatag. Mga taong gagabayan ka at iaahon ka para sabihing hindi ka nag-iisa. Mga tao na minsan lang darating. PAngmatagalan man o panandalian," paninimula ko. Lumunok pa ako para pigilan ang luhang bumibitin sa mga mata ko. "Sa taong ito ay nakakakuha tayo ng lakas ng loob. Sa kanila natin nagagawang magbago upang mas maging matatag at mabuting tao. Sa kanila nating natututunang lumigaya."

Tumingin ako sa audience. Nagbabakasakali na baka makita kita at nginingitian ako. "PEro, walang permanente. Darating ang oras na mawawala sila sa iyo at kailangan mo nang tumayo sa sarili mong paa. Huwag nating kalimutan ang mga taong ito. Huwag nating kakalimutan ang mga taong nagpatibay sa ating pagkatao. PAsalamatan natin sila at huwag kakalimutan. DAhil kahit wala na sila ay mananatili silang buhay sa ating puso at nagsasabing; hindi ka nag-iisa."

Tumungo ako at hindi ko na napigilan ang luha ko. "Salamat, Lex, dahil dumating ka sa buhay ko. Salamat sa mga payo mo at sa panahong pinatatag mo ako. Tinuruan mo akong lagpasan ang mga balakid sa pagiging ako. Maraming salamat at mahal na mahal kita. Kung nasaan ka man ay sana marinig mo ako o makita man lang. Ito na iyong hinihintay natin, oh. Sana makita mo."

Marami na ring naiiyak sa mga nakikinig sa akin. Alam naman nilang lahat ang mga napagdaanan namin. Nasubaybayan na nila ang mga pinagsamahan namin. "Maraming salamat po at congratulations sa aming graduates," iyon lamang at bumaba na ako sa stage.

Nagpalakpakan sila ngunit isa lang ang gusto kong gawin, ang bumalik sa pavillon at kausapin ang kung anong natira sa kanya sa lugar na iyon. Pinagpaalam ko na ang sarili dahil natanggap ko na rin naman ang aking diploma.

Inalis ko ang cap ko at itinabi sa upuan ng pavillon. Bumagsak na ako sa lupa at itinuloy ang pag hagulgol ko...

"Alam mo, sayang ang make up mo. Mahal kaya iyan saka sayang ang effort." Napangiti ako sa sarili ko. Mukhang nababaliw na ako. Naririnig ko si Lex. Ilang beses nang nangyari ito. Iyong nararamdaman ko ang presensya niya. Pero mukhang bumigay na ako kasi ang klaro ng boses niya ngayon.

"Saka papangit ka niyan!" dagdag ng boses niya. Mapait akong tumawa," ayos lang hindi mo naman ako nakikita, eh." Suminghot pa ako saka walang paghihinayang na pinunasanang luha sa mata ko. Dumikit ang make-up sa likod ng kamay ko at siguro maging sa mukha ko at naka kalat na.

"Kitang-kita kita, Kai. Ang ganda ng red dress mo, Kai. Babaeng babae ka na, oh."

Napatuwid ako ng upo. Parang hindi ito pag iilusyon. Naririnig ko talaga si Lex, eh.

Luminga ako sa paligid pero hindi ko siya nakita. Napangisi tuloy ako. "Nababaliw na yata ako," bulong ko.

"sa mukha mo pa nga lang mapagkakamalan na,eh" sagot ng boses. Tumaas ang balahibo ko at naisipan lumingon. Mula sa bukasan ng pavillon ay may anino ng isang lalaki. Humakbang siya palapit at nakita ko ang taong akala ko ay hindi ko na masisilayan pa.

"LEX!!" agad akong bumangon at nadapa pa ako nang lapitan ko siya. Nasalo niya naman ako. Tumawa siya kaya napatingala ako. Bumuhos nanaman ang luha ko at dinamba ko siya ng yakap.

"Akala ko-- akala ko--- hi-hindi-- hindi nakita maki--kita..."

Hinagod niya ang likod ko at inilapit ang labi niya sa tenga ko. "Shh. Andito ako, Kai. Nakikita mo ako at nakikita kita..."

YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon