The day YOU went away

36 5 0
                                    

(The day YOU went away)

Inabuso ko siguro ang presence mo, Lex. Kasi dumating iyong araw na mawawala ka sa akin. Iyong araw na kinakatakutan ko. Iyong araw na hindi na kita makaka-usap, makakatyawan, makikita... Makakapiling.

Pinayagan ako ni mama na magpagabi para magcelebrate tayo sa una nating anibersayo ng ating pagkakaibigan, kahit pa medyo delayed. Ang saya ko nga noon, eh. Pero sinususpence mo ako sa tuwing tinatanong ko kung saan ba tayo pupunta. Ang sinasabi mo lang sa akin ay hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Sinabi mo sa akin na iyon ang magiging climax ng kuwento natin bilang magkaibigan.

Kahit pa nga magtampo ako sa iyo kunwari, tatawanan mo lang ako at sasabihang, "kahit anong emote mo, Kai, hindi ko sasabihin sa iyo.  Pramis, hindi mo makakalimutan ang anniversay natin, Kai." 

SA huli, tinigil ko na ang pangungulit at bumalik nanaman tayo sa asaran, tawanan, biruan at pag gigitara. "Wala ka na bang gustong tugtugin kaysa yang Sandali Na Lang, Kai. Nakaksawa na kaya," sabi mo sa akin noong nasa pavillon tayo. Hindi ko na pinansin ang mga reklamo mo, bagkus ay nilakasan ko pa ang pagkanta kaya nagtawanan nanaman tayo. Ang bilis nga ng oras noong araw na iyon kasi tapos na ang klase tapos dadalhin mo na ako diyan sa memorable place mo na iyan. Super exaggerated ka nga sa pagdedescribe mo, eh. Umarkela ka pa ng sasakyan para lang dalhin tayo roon. Sa biyahe, na di ko na napansin, ay kwento ka ng kwento tungkol sa pagkakaibigan natin. KAso alam mo iyong nakaka iyak sa mga kuwento mo, iyong huli mong sinabi.

"ALam mo, Kai. Ang dami kong kalukuhan simula nang makilala kita. Ikaw iyong naging baterya ko para maging palatawa. Tapos ikaw din iyong nagbigay ng dahilan para magising ako tuwing umaga. Salamat, Kai, ah. Salamat kasi nakilala kita. Salamat kasi pumunta ka sa pavillon. Salamat kasi hindi mo ako nilayuan. SAlamat kasi tinanggap mo ako,"

Hindi ako makasagot sa iyo noon kasi talagang natuliro ako sa mga sinabi mo. Binalingan mo ako noon, "Salamat kasi dumating ka sa buhay ko," sabi mo.

Pero hindi ko na narinig ang huli mong sinabi dahil nasilaw ako at nakarinig ako nang malakas na busina. Huli na nung balingan ko ang kalsada dahil naramdaman ko na ang pagsalpok ng sasakyan natin sa isa pang sasakyan.

Nagising ako sa malakas na sigawan ng mga tao. Wala akong masyadong makita dahil napaka lakas ng ilaw ng nadadaanan namin. Una kong naisip ang mukha mo. Naiyak ako at napakasakit ng dulot ng luha ko sa mukha ko. Alam kong sugat sugat ako pero mas masakit ang paniniwalang nawala ka sa buhay ko. ...

Nagising ako sa isang kuwarto na puro puti. Alam ko nang nasa ospital ako noon dahil sa tunog ng makina sa tabi ng kama ko. "Anak. Kai, ayos ka lang ba?" tanong agad ni mama nang mabalingan ko siya ng tingin. Hindi ko makuhang makasagot dahil hinang hina pa ang buong katawan ko. 

"Ailie, kuha ka ng tubig," sabi ni mama kay ate Ailie na nasa tabi niya lang. Agad sumunod si ate sa kanya at may basong dumadampi na sa labi ko. Iniahon nila ang kama ko para magawa kong uminom. Ilang higop lamang ang nakayanan ko at inilayo ko na ang ulo ko. Itinabi ni ate ang baso sa lamesa sa gilid ng kama at umupo sa bandang beywang ko. "Kai, ayos ka lang ba? May masakit ba? Anong nararamdaman mo?" derederetsong tanong ni ate sa akin. Hindi ako makasagot. Pinilit kong imulat ang mata ko dahil bumibigay nanaman ang katawan ko.

Dama ko ang sakit ng katawan ko pero alam mo bang ikaw lang ang nasa isip ko noon. Alam mo bang ikaw lang iyong inaalala ko at hindi ang sakit sa katawan ko? Binalingan ko si mama at buong lakas kong sinubukang magsalita...

"S-si, s-si L-lex?" nagawa kong itanong. Biglang nanlumo ang mukha ni mama at naramdaman ko na ang kabang ayokong maramdaman. Nagsimulang tumulo ang luha ko..

"M-ma..." sinubukan ko pang sambitin. Nilapitan niya lang ako at inilapit ang ulo ko sa kanyang dibdib. Humagulgol na ako dahil tila alam ko na ang ibig niyang sabihin. "SOrry, Kai. WAla na si Lex..."

SApat na iyon para mawalan ako ng ulirat.

- - - - - - - -

Ilang buwan nila akong kinulong sa ospital. Hindi ako binisita ng mama at papa mo. Ang sabi ni mama ay bumalik sila sa Amerika para magluksa. Sabi nga nila doon ka na rin nila ililibing. At dahil marami akong nabaling buto ay hindi man lang kita nasilayan. Pero, sa tingin ko, hindi kita kayang makita na walang hininga. Na hindi naka ngiti at hindi na tumatawa.

Gabi gabi kitang iniiyakan, alam mo ba iyon? Gabi gabi kitang ipinagdadasal na sana ay kahit imposible ay bumalik ka. NA kahit hindi puwedi ay makasama kitang muli. Ilang beses ko na ring sinubukang mamatay. Iyong pilitin ang sarili kong hindi na bumangon. Lagi akong natutulog. Nagbabakasakali na baka darating ang araw na titigil na ang puso ko sa pagtibok at hindi na magising. Para makasama na kita.

Ang sakit, Lex. Ang sakit na iniwan mo na pala ako. Sana hindi nalang tayo nagcelebrate. Sana hindi nalang nating tinuloy para hanggang ngayon buhay ka pa at kasama kita sa kahit anong kakulitan. Pero alam kong imposible...

May mga kaklase tayong bumisita sa akin. Dinamayan nila ako at nakipagkuwentuhan. Ibinalik nila ang kakulitan mo gamit ang mga kuwentong nasubaybayan nila sa atin. Muli kitang naramdaman. Muli kitang nakasama sa pamamagitan ng mga kuwento nila. Pero mas nanaig iyong sakit na hanggang alaala nalang kita.

Umabot ako ng kalahating taon sa ospital bago ako tuluyang gumaling. Medyo lalampa lampa pa ako dahil apektado iyon sa aksidente pero, ito. Buhay na buhay pa rin naman ako.. Buhay na buhay habang unti unti pinapatay ng depression sa iyong pagkawala.

Pumasok ako sa school kahit na kalagitnaan ng taon. Tinulungan ako ng mga kaibigan natin sa mga aralin kaya naitataguyod ko pang maipasa ang mga subject. Nasasaktan parin ako habang umaattend ako ng math. KAsi ito iyong subject na ang dami mong biro, eh. Dito mo rin sinabi iyong mga linyang tumatak sa puso ko...

"Kai plus Lex is equal to forever. Multiplied by kalukuhan is equal to Happiness. Minus problema at sukuan is equal to forever magkasangga. Walang division kasi LIFE ERROR!"

Lagi akong nasa pavillon, alam mo ba? LAgi kong hinahanap ang presence mo sa lugar kung san nagkakilala at nagkasama tayo. Lagi akong tumutugtog dito ng SAndali Na LAng kasi malay mo, bumalik ka pa. 

SAka sabi mo naman sa akin na: Kapag gusto mo ang isang bagay, hindi ka mapapagod na sumubok hanggang nagagawa mo o nararating mo ang bagay na iyon. Kaya, KAi, huwag kang sumuko, okay? Konting tiis lang at paniniwala, makaka ahon rin ang Pilipinas

Namimiss na kita, Lex. Ang hirap lang tanggapin na wala ka na.

YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon