(YOU fought for me)
Humigpit ang pagkakayakap mo sa akin. "Ito ba ang binabalikan mo, Lex? Hindi ka na ba nadala sa nangyari sa iyo, ha?" sumasabog na sigaw ng iyong ama. Humigpit na rin ang kapit ko sa damit mo.
"PA, please, hayaan mo na kami," sagot mo naman. "Para ano? Para mapahamak ka ulit?" galit na sagot ng ina mo. Hindi ko alam ang aking gagawin. Pero ang malamang nasa tabi lang kita ay sapat na para magawa ko pang tignan ang iyong mga magulang na sumasabog sa galit.
"Aksidente lamang iyon, ma! Buhay pa naman ako, ah. At sapat ng parusa ang ipaglayo mo kami ng isang taon. Please, tama na. Mahal ko si Kai at ayokong mapalayo sa kanya," sigaw mo. Talo pa ang karera ng kabayo sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Inaamin mo nga na mahal mo ako. Ipinaglalaban mo pa ako sa mga magulang mo...
"Hihintayin mo bang patayin ka ng pagmamahal mo?" sabat ng iyong ama. Umagos nanaman ang luha sa aking mata. Ayokong nakikitang nag-aaway kayo. Pero ayoko rin naman ilayo ka nilang muli sa akin.
"Bakit ba hindi niyo maintindihang siya ang kaligayahan ko? SIya ang taong bumubuhay sa pagkatao ko at siya lang ang tinitibok ng puso ko?" galit mong tugon sa kanyang tanong. Tiningala kita at talo pa ng aking panaginip ang masilayan kang ipinaglalaban mo ako.
Umalingawngaw ang katahimikan sa buong pavillon. Hindi umiimik ang iyong mga magulang at maging ikaw. Kabog lang ng dibdib ko ang tangi kong naririnig sa makabasag pinggan na katahimikan.
Binalingan ko ang iyong mga magulang at nakita kong lumambot ang mukha ng iyong ina. Hinawakan niya sa balikat ang ama mo at napabaling naman siya sa iyong ina. "Maaring tama ka nga, Lex," sabi niya.
Nagulat ako dahil napangiti pa siya. Tinignan kita at kita kong pati ikaw ay nagtataka. "Siguro nga ay siya ang iyong kaligayahan," agaw ng mama mo sa atensyon ko.
"ANo nanaman bang sinasabi mo, Bella. Siya ang dahilan kung bakit mumuntikang namatay ang anak natin!" salungat ng iyong ama. Bumalik tuloy ang pangamba sa aking puso.
"PEro , siya rin naman ang dahilan kung bakit lumaban si Lex para sa buhay niya, di ba?" sabi ng ina mo. NAguluhan tuloy ako. Paano naman niya nasabing lumaban nga ka nga para sa akin.
"Hindi mo ba naaalalang si Kai ang laman ng bibig niya nang mauperahan siya. Hindi ba at si Kai din ang dahilan kung bakit bumalik ang anak natin noong lugmok siya? Hindi ba at si Kai ang nagpatibok sa matigas na puso ng anak natin?" sabi ng ina mo.
TIningala kita at nakita kong namumula ka. Parang hindi mo yata kinuwento sa akin ang nobela ng buhay mo, LEx.
"Kahit pa! Nasa bingit siya ng kamatayan ng dahil sa kanya!" mas malakas na sigaw ng ama mo.
"ALam ko, Alexandro!" galit na ring tugon ng mama mo kaya nanahimik ang papa mo.
"At dapat magpasalamat tayo at buhay ang anak natin. At dapat mapatawad natin si Kai dahil kung tutuusin ay muntikan na rin siyang mawala kina Ces at Ailie nung gabing iyon!"
Tumingin sa atin ang mama mo at nilapitan niya ako. "Alam ko, Kai na mahal mo ang anak namin. NArinig namin ang lahat ng sinabi mo pero nabingi kami sa galit namin sa iyo. At nagbulagbulagan kami sa katotohanang minahal niyo na ang isa't isa. Mapatawad mo sana kami," sabi niya.
Unti unti akong bumitaw sa iyo at niyakap ang iyong ina na ikinagulat nating lahat. Ngunit isa lang ang naramdaman ko. ANg saya ko.
"Salamat kasi hinayaan niyong bumalik sa akin si Lex." sabi ko.
"Tumakas si Lex kaya sa kanya ka magpasalamat," sagot ng iyong ama. Kumalas na ako sa yakap ko sa iyong ina at tinignan ang ama mo. "PAsensya na siguro, hija. Natakot lang ako na baka mawala siya. Sapat na sa akin ang minsan ko na siyang makitang nasa bingit ng kamatayan para malagpasan pa ang makita siya sa parehong kalagayan."
NAguluhan ako pero hinawakan mo lang ang kamay ko.
"Huwag ka ng mag-isip, KAi. Ang mahalaga. Ito tayo at magkasama muli," sabi mo.
Tinignan ko ang mga kamay natin at sa iyo.
Ngumiti ako at sinabi ang mga salitang gusto kong sabihin sa harap mo.
"Mahal na mahal kita, Lex at salamat sa pagdating mo sa buhay ko."
"Mahal na mahal din kita, KAi, at maraming salamat sa pagdating sa buhay ko."
----------