The Family

24 0 0
                                    

Nakababa narin si robert mula sa kwarto nya pero nakakunot parin ang noo nya.

"Sana mawala na sya sa buhay ko" bulong ni robert sa sarili nya

"Oh sino nanaman?"

Nagulat si robert sa nagsalita

"Ay. Kayo lang po pala papa. Mano po.."

Nagmano si robert kay ben, ang kanyang ama na mukhang kadarating lang galing sa head quarters, isang pulis kasi si ben

"Anak, ikuha mo nga ako ng tubig, sobrang init kasi sa labas eh."

"Sige po papa.. Sandali lang po"

At pumunta na nga sya sa kusina para kumuha ng malamig na tubig.

Habang sya ay kumukuha ay bumaba narin mula sa taas si marie na medyo salubong parin ang kilay. Nahagip naman sya ng tingin ni ben.

"Oh honey, halika. Sabayan mo narin ako kumain." malambing na yaya ni ben.

"Ikaw nalang. Wala akong gana" malakas na sagot ni marie

"Bakit ba nakasimangot ka nanaman, ano bang problema?"

Parating na sana si robert pero huminto sya sa paglalakad ng makita nya ang kanyang ina, nakinig lang sya sa usapan

Hindi umimik si marie

"Huy.. Honey, ano ba talagang nangyari?"

"Tinatanong mo ko kung anong nangyari?

Bakit hindi mo itanong dun sa magaling mong anak" galit na sinabi ni marie

"Alam mo, sa tingin ko, mali talaga yung desisyon ko na palakihin sya sa layaw at ibigay sa kanya lahat ng gusto nya eh"

Dagdag pa nya

"Ang hirap naman kadi sa batang yan, mentras mong pinagbibigyan, lalong sumusuway"

"Tama na honey" mahinang awat ni ben

"Hindi masusulusyunan ng galit ang problema, hayaan mo, pagsabihan ko yang si robert, teka, ano ba kasing ginawa nya kanina?" tanong ni ben

"Niluto ko na kasi yung almusal tapos tinawag ko sya para kumain, aba'y nung naka sampung tawag yata ako ay parang walang naririnig sa taas yang batang yan. At nung pinagsasabihan ko ay sinasagot pa ko. Sinong di magagalit?"

Paghihimutok ni marie

Lumapit na si robert para ibigay ang tubig sa ama

"O bakit angtagal mo?"

Tanong ni ben

"Wala po pa..."

Mahinang sagot nya.

"At bakit hindi mo raw pinapansin ang mama mo kanina?"

"S-sorry po pa... Eh kasi naman po-"

Hindi pa natatapos ang sinasabi ni robert ay biglang bumukas ang kahoy na pinto nila sa salah.

"Oh rick, andito ka na pala" bati ni marie sa panganay na anak

Si rick ay nasa kolehiyo na. Kumuha sya ng kursong education.

Lumapit sya sa ama at ina, saka nagmano

"Kamusta anak?" tanong ng ama

"Ayos naman po papa. Sa tingin ko po ay tamang tama lang po talaga sakinntong kurso na to" sagot ni rick

"Teka, asan si robert?" tanong ni marie

Maya maya ay bumaba na si robert, mukhang bihis na bihis

"Nak, robert, san ka pupunta?" nagtatakang tanong ni ben

"Sa birth day lang po ng kaibigan ko pa.." sagot nya.

"Oh sige mag iingat ka ha.."

"Opo papa."

Dire-diretyo nang lumabas ng gate si robert

__________________________________________________________

Hi guys.. lanze here. 14 years old palang po ako ngayon at ito po ang unang book ko sa wattpad, kaya po kung may improvements pa na kailangan to. Paki comment nalang po. Para po mas gumanda pa to. Abangan nyo lang guys. Malapit na ang mga bakbakan

                                                                       -Lanze_Avellanoza

The Tradegy Of A TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon