First Blood

27 0 0
                                    

"Anaak.. Bumaba ka na dito, kakain na.."

Hindi umimik si Robert

"Robert, luto na ang almusal"

Hindi parin sya pinansin ni robert.

"Ano ba! Hindi ka ba talaga bababa ritong bata ka.. Kahit kailan, napaka tigas talaga ng ulo mo.! Ako na ngang nagluluto, ako pa pa ang magpipilit sayo na kumain ka.."

Nanggigigil na sa galit si Marie, ang ina ni robert

"Hay. Naku eto nanaman sya.."

Bulong ni robert sa sarili habang patuloy ang paglalaro nya ng tablet nya

"Bwiset na.. Wrong timing naman kasi palagi tong si mama eh... Kung kelan nananalo na ko"

Maya maya ay may gumagalabog sa second floor.

"S-si mama. Papunta na rito"

Agad nyang itinigil ang kanyang paglalaro at itinago ang tablet.

Bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto

"Ano ba! Hindi ka ba talaga pwedeng sabihang bata ka. Alam mo ikaw robert, napakatigas talaga nyang ulo mo!"

"Sandali lang naman kasi. Kita mong naglalaro pa ko eh. Bababa rin naman ako pagkatapos ng laro... Hindi mo naman kailangan maggagalabog paakyat dito"

"Eh gago ka palang bata ka eh." hindi na dinagdagan ni marie ang mga sasabihin nya. Binato nalang nya ang hawak nyang sandok kay robert sa sobrang gigil. Tinamaan ang bata sa ulo.

"Ah.. Aray! Sobra ka na talaga. Ma, kung katulad mo lang din naman ang magiging ina ko, sana di nalang ako nagkaron ng ina"

"Walang hiya kang bata ka" nagmamadaling lumapit si marie sa anak na akmang sasampalin ito pero may napansin syang dugo na tumulo mula sa ulo nito...

Halatang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito dahil alam nya na dulot ang sugat na ito ng sandok na ibinato nya kanina.

Agad syang humanap ng bimpo. Habang humahanap sya ay  nakaupo lang sa kama si robert.

"Oh eto," idinampi ni marie ang puting bimpo sa may sugat ng anak.

"A-aray..."

"Shhhh.. Konti lang to, tiisin mo nalang ang sakit. Mawawala rin yan. Ikaw naman kasi, antigas tigas ng ulo mo.

"Tss. Ano ba ma. Hindi na ko bata! Hindi na ko bata para ganituhin nyo at hindi narin ako bata para saktan nyo ko" naiinis na sinabi ni robert

Tinanggal nya ang kamay ng ina sa ulo nya at umalis at iniwan ang ina.

The Tradegy Of A TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon