Karahasan

16 0 0
                                    

Naglalakad parin palayo sa bar ang magkakaibigan

"Tara mga par, dun tayo sa bahay ko" yaya ni nico

"Saan naman yun?" tanong ni mark

"Malapit na par, halos dyan na nalang sa may kabilang kalye"

"Teka, may bahay ka? E diba dun ka nakatira sa parents mo?" tanong ni max

"Minsan dun ako natutulog, pag galit ako kay mom, o kaya naman gusto ko lang talagang mapag isa" paliwanag ni nico

"Sige mga par, dun nalang muna tayo, mas safe tayo dun kesa umuwi pa tayo sa mga sarili nating bahay" sabi ni kevin

"Oh robert, bakit parang kanina ka pa tahimik dyan?" tanong ni kevin

robert-- "**hindi na ko nakasagot sa tanong nya, para bang hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila. Sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ay di ko parin makalimutan ang nangyari kanina. First time ko makakita ng nagbabarilan at mga kaibigan ko pa ang mga ito... Medyo nahihilo na ko.. Naaninag kong may sinasabi sakin si max, pero hindi ko talaga maintindihan. Parang mga ingay lang at napakalabo ng paligid**"

Nahimatay si robert

Pinilit nilang dalin si robert sa bahay ni nico

Habang naglalakad ay may narinig sila sa isang maliit na bahay. Parang may lalaking sumisigaw pero parang may tapal yung bibig nya. Curious si mark, sumilip sya sa bintana. May mga sundalo sa loob. Nagtaka sila max sa reaksyon ni mark.

"Ano bang nasa loob? Patingin nga ko.." sabi ni nico

Nagulat sila sa nakita nila. Tinanggal na ng sundalo ang tapal ng lalaki sa bibig. Kahit na mukhang katatapos lang ilublob sa tubig ang mukha nya.

"Ano..! Hindi ka ba talaga magsasalita.? Uulitin ko ang tanong, ilan kayong kumakalaban kay senator Roco at nasan yung iba?" galit na tanong nung isang sundalo

"Kahit patayin nyo pa ko ngayon, hindi ko ipapahamak ang mga kasama ko dahil mali naman talaga ang ginagawa ng buwayang senador na yan!" galit ding sumagot ang lalaki.

"Ilabas nyo na!" sabi nung isang sundalo sa iba pa

Nakita nila mark yung isang sundalo na may dalang balde na may kumukulong tubig na papalapit dun sa lalaking nakatali

"Tara na par, umalis sa tayo dito, angdilim na oh..." sabi ni mark na medyo kinakabahan

"Oo nga, tsaka wala paring malay si robert eh" sabi ni kevin

Umalis na ang magkakaibigan, habang naglalakad ay narinig nila na may bumuhos na tubig dun sa bahay kanina

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!" narinig nila ang sigaw ng lalaking nakatali kanina pero naputol ang sigaw na yon na parang biglang tinakpan ang bibig. Hindi na nila pinansin ang narinig nila

Nakarating narin silang lima sa bahay. Si robert ay wala paring malay.

Nakita nila na kinuha ni nico ang susi at binuksan na ang pinto

Robert-- "**aahhhh... Nasan ako? Bumangon ako. Nakita kong parang nasa kalye ako, angdilim. Gabing gabi na. May nakita akong baril sa lapag, kinilabutan ako. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina sa bar. Pinulot ko ang baril at inipit sa pantalon ko, sa may tagiliran. Uuwi na sana ako pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko kabisado ang lugar. Parang wala ako sa bayan. Kaunti lang ang bahay dito at may puting watawat sa tabi ng isang balon na gawa sa bato. Mga limang metro ang sukat ng watawat. Nasaan ba ako. Naghanap ako ng taong matatanungan pero parang ako lang ang nandito, maya maya ay may lalaking humila sakin sa likod ko. Hindi ko nakita ang mukha nya dahil pinag susuntok nya ang mukha ko. Pagkatapos ay tinakpan nya ng panyo ang mukha ko. Di na ko makagalaw sa sobrang sakit. Ang sabi nya sakin ay babalikan nya daw kaming lima. Parang pamilyar yung boses nya. Pagkatanggal nya ng panyo ay parang may nakatutok sakin. Pero hindi ko masyado maaninag kasi nahihilo na ko. Basta narinig ko nalang ay pumutok yung hawak nya at naramdaman kong bumaon ang bala sa ulo ko**"

The Tradegy Of A TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon