Crappy Fraternity

12 0 0
                                    

Alam ni ben na may nagmamasid sa kanila kanina, at sila ang may ari ng wallet na napulot nya

Bukod sa mga ID, isang P100 bill at limang P20 bill, may nakita syang parang card board na may nakasulat na crappy frat. Co-leader.

(Phone ringing)

Sinagot ni ben ang tawag

"Hello?"

"Hello mr. Marcos, napag alaman naming may nakakita raw sa anak nyo kanina, nasa gun store daw sila at may mga kasama din daw sya"

"Hindi ito nabanggit sakin ni robert kanina"

"S-sige po sir, salamat po, tatawag nalang ulit ako mamaya"

---

Robert--"**tumigil ang dyip sa tapat ng isang malaking bahay, pamilyar sakin ang lugar na ito, para bang nakita ko na ito dati, ibinaba kami ng mga lalaki. Andilim na ng paligid, parang kami lang ang tao dito sa baryong ito. Hindi ko masyado napagmasdan ang lugar dahil ipinasok kami kagad ng mga lalaki sa bahay.**"

Pagpasok nila ay may naabutan silang mga lalaking nakaupo sa may sala, nanonood sila ng TV habang yung iba ay nagkakape
"Oh... Andito na pala kayo"

"Teka, sino tong mga to?" nakatingin kaila robert yung mga lalaki

Nginitian lang sila ni rico

"Sandali... Eto na ba yung mga lalaking nakabangga nyo dun sa may bar?" nakangiting tanong nung isang lalaki

Agad naman syang sinagot ni rico na nakangiti rin "oo brad!"

"Napakahusay mo talaga rico, yan ang gusto ko sayo eh... Kaya dapat nga siguro na ikaw ang pumalit sa leader natin, tutal ikaw din naman ang nakahuli dito sa mga lalaking to na pumatay sa kanya eh" tinuro ng lalaki sila robert

Naghiyawan sa saya yung mga lalaki

"T-teka, s-sinong pinatay namin?" tanong ni nico na nakatali rin ang kamay

Hindi sya pinansin ng mga lalaki

"Sige brad, i-akyat nyo na yang mga hampas lupa na yan" sigaw ni rico

Kinaladkad sila ng mga lalaki papanik sa hagdan. Ipinasok sila sa isang madilim na kwarto. Nakatali parin ang kanilang kamay, lumabas na ang mga lalaki at sinarado ang pinto. Narinig nila robert na ni-lock din nila ito

Nabahing si max "ang alikabok naman dito"

"Bwiset, ano nang gagawin naten ngayon?" galit na tanong ni kevin

"Hindi ko rin alam, walang kwenta yung mga binili nating baril kanina" naiinis na sagot ni nico

Si robert naman ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintanang may maliliit na butas. Halos mga isang dangkal lang ang lawak ng butas nito kaya malabong makalabas sila sa pamamagitan nito

Robert--"**pamilyar talaga sakin ang lugar na ito, magkakalayo ang mga bahay, para bang nakita ko na to noon**"

"Mga par, nakapunta na ba kayo sa lugar na ito dati?" tanong nya

"Hindi pa bakit?" sabi ni mark

"Para kasing pamilyar sakin ang lugar na to eh"

Maya maya ay narinig nila na tumutunog ang door knob. Bigla itong bumukas

Pumasok ulit ang mga lalaki, nasa likod si rico

"Hoy! Mga tarantado kayo! Pakawalan nyo kami dito!" nanginginig sa galit si mark

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tradegy Of A TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon