Robert?

25 0 0
                                    

Robert-- "**Nagising ako ngayon na nakahiga sa isang maliit na kama. unti unting nagliwanag ang paligid, una kong nakita ang ilaw na nasa kisame. nasa ospital pala ako. sa pagkakaalala ko ay napaaway ako sa school at sa kasamaang palad. ako ang lamog, nabugbog ako ng todo nung mga panahong iyon. pinilit kong bumangon, nang maiapak ko ang dalawa kong paa sa sahig ng kwarto ay nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. naglakad parin ako palabas. angdilim. nakakatakot. hinanap ko ang pinto palabas. habang naglalakad ako ay may mga nakita akong maliliit na bitak sa sahig. "Huwaaag!!" may lalaking sumigaw sa likod ko. "wag mong tatapakan ang bitak" unti unti syang naglakad papunta sakin. nakakatakot sya, nanlilisik ang mga mata nya at balbas sarado. lumayo ako pero dahan dahan parin nya kong hinabol. may nakita naman akong baril sa daan. agad kung pinulot at itinutok sa lalaki. "huwag! huwag mong kakalabitin!" may tumutok din sakin sa likod ko at naramdaman ko na may nakatutok sa batok ko. At pumutok na nga ito. Naramdaman ko ang bala na bumaon sa ulo ko.**"

"Aahh.." biglang napabangon si robert.

"Ay.. Panaginip lang pala." bumalik sya sa pagkakahiga at kinuha nya ang kanyang tablet.

Dumapa sya sa kanyang kama at saka sinaksak sa charger ang tablet.

Naglaro sya buong umaga.

The Tradegy Of A TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon