Road War

13 0 0
                                    

Robert--  "**Kinutuban ako ng masama, para bang may masamang mangyayari, alam kong mamaya pa yong madaling araw pero para bang ngayon palang ay takot na takot na ako. Lalo na nung nabasa ko yung text ni rico kanina, sana ay malagpasan namin to**"

"Par.. Ano bang problema? Bakit ba kanina ka pa di mapakali?" nagtatakang tanong ni kevin kay robert

"Hindi ko nga alam eh.. Parang may hindi magandang mangyayari" sagot naman ni robert

"Ano ka ba robert, eh talaga namang may hindi magandang mangyayari mamayang madaling araw eh" hindi na muling nagsalita si robert

***FLASH BACK***

"Ano robert? Ano nakalagay sa text ni rico?" kinakabahang tanong ni nico

"E-eto oh, basahin nyo" sa pagkakataong ito, nanginginig na ang boses ni robert

"**maghanda na kayo, malapit na ang kamatayan, hindi nyo inaasahan na dadating ito sa inyo**"

Kinabahan ng todo si robert sa text ni rico.

"Wag kang magalala par, kakayanin natin to, hindi tayo pababayaan ng Dios."                sabi ni kevin habang tinatapik ang balikat ni robert

"Sana nga par... Sana nga" malungkot na sagot ni robert

***END OF FLASH BACK***

"Par, ok ka lang?" nagaalalang tanong ni nico kay robert

"Sa tingin ko,  Hanggat hindi natatapos tong gabing to, hindi ako magiging ok"

Narinig nilang naghikab si max

"Oh par, mukang napasarap yata ang tulog mo ah." bati ni kevin kay max na halatang kagigising lang

"Oo nga par eh, teka, malapit na ba tayo?" tanong ni max

"Medyo par, mga 15 minutes nalang"

---

Naghahapunan naman sila marie sa bahay, nagsaing nalang ng bago si rick. Napaka makananay talaga nyang si rick, lahat ng iutos ng nanay ay sinusunod, kaya paboritong paborito sya ni marie

(Phone Ringing)

Sinagot ni ben ang tawag

Number lang ang tumatawag

"hello... Sino to?" sinabi ni ben habang nakadikit ang telepono sa kanyang tainga

Matagal na di sumagot ang kausap nya sa kabilang linya

Nagsalita ulit si ben "hello..?"

"Oras na para magbayad sila robert"

"Ano!? Sino kang hayop ka?"

"Hoy sumagot ka!!!"

Galit na galit si ben sa kausap nya

Naputol na ang tawag

Agad na tinawagan ni ben si robert

(Calling Robert...)

"Anak... Please, sagutin mo na"

---

(Phone ringing)

"Robert, Tumutunog nanaman yung cellphone mo" pangungulit ni kevin

"Si papa nanaman"

Sinagot ni robert ang tawag ngunit nang nagsalita si ben ay parang humaharurot sa bilis na dala ng takot at kaba na nararamdaman nya para sa anak. Walang naintindihan si robert. Kaya pinilit nya nalang na sabayan ang mga sinasabi ni ben

The Tradegy Of A TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon