Unang kalabit sa gatilyo

22 0 0
                                    

Nagpunta si robert sa mall kung saan sila magkikita ng mga kabarkada nya. Anim silang magkakabarkada. Sila nico, max, kevin, mark, danny at si robert. Nagkita kita sila sa may food court.

"Boss robert!" pabirong sigaw ni max nung dumating si robert

Dire diretyo si robert umupo sa upuan

"Sandali lang par.. May problema ba?", tanong ni max

"Ah, eh.. Wala par. Medyo bad trip lang ako kay mama ngayon" sagot ni robert

"Bakit par, pinalo ka nanaman ng sinturon noh..?" nangaasar na tanong ni danny

"Hindi noh. Ano ba kayo. O sya. Ayoko nang pagusapan yan. By  the way, saan tayo ngayon?" tanong ni robert

"San pa ba, edi dun parin sa bar sa may kanto" sabi ni mark

"Oo nga mga par, san pa ba tayo edi dun sa paborito nating tambayan" hiyaw ni nico

"Eh ano pang iniintay natin, tara na" sabi ni mark

Magkakasama silang lumabas ng mall. Nagkukwentehan, nagkukulitan at nagtatawanan din sila

Pero kanina pa napapansin ni robert na tahimik si kevin

"Kevin, par, may problema ba, tol?" tanong ni robert kay kevin

"Wala pre. Ayos lang ako."

"Oo nga, bat parang kanina ka pa tahimik par?" sabat ni max

"Kasi par, yung tatay ko, napagalitan nanaman ako kanina." sagot nya

"Hay naku par. Alam ku na yang pakiramdam na yan, kanina nga, napagalitan din ako ng nanay ko" paliwanag ni robert kay kevin

Medyo gumaan na ang pakiramdam ni kevin

"Salamat mga par ah... Kasi kahit anong mangyari. Hindi kayo nangiiwan" sabi ni kevin na parang maiiyak na ang boses

"Syempre pre, para saan pa ang pagiging magkaibigan, diba?"  sabi ni danny

"O tama na nga yang drama. Ayokong madrama ang birthday ko" awat ni mark

Dumating na nga sila sa nasabing bar. Dito patay sindi ang ilaw, maraming mga nagsasayawan sa beat ng malakas na volume ng tugtog.

Humanap ng table sila robert

"Ayun par, may bakanteng mesa dun.. Dun na tayo" yaya ni kevin

Nilapitan na nga namin ang mesa at umupo kami. Apat lang ang upuan. Nakita ni robert sila victor, ray at rico sa kabilang mesa. Kilala sila nila robert dahil magka school mate sila. Yun nga lang, di sila masyado naguusap kasi mayayabang yung tatlo. Lalo na si victor.

Sinubukan silang lapitan ni max para manghiram ng upuuan kahit mukhang medyo nakainom yung tatlo

"Mga tol. Pwede bang mahiram tong isang upuan?"

"Ayuko ngaaa.. Bakit sino ka ba?" nauutal na sa kalasingan nang sagutin ni victor si max

"Sige na pre, wala namang gumagamit nitong isa eh"

"Eh ang kulit pala neto eh" sabi ni rico

Medyo kinabahan si robert sa sinabi ni rico

"Upakan ko na ba pre?" tanong ni victor kay ray

"Sige pre... Jombagin mo na yan" sagot ni ray

Ilang sandali pa ay biglang tumayo si victor at sinapak si max

Sumubsob si max sa kabilang mesa

Lalaban pa sana sila danny pero naglabas ng baril sila victor at tinutukan sila danny

Lalong kinabahan si robert sa mga nangyayari

Agad din namang naglabas si mark, kevin at nico ng baril. Puro mga magnum at handgun lang ang inilabas nila

"**ngayon ko lang nalaman na nagdadala pala ng baril ang ilan sa mga kaibigan namin**" nasabi ni robert sa sarili

Nakita ni robert na kakalabitin na ni victor ang baril kaya napasigaw sya

"waaaaaaggg!!!"

Nagputukan na nga kami

Tumakbo na si rico, tinamaan si victor sa ulo, nagkagulo na sa bar, nagsisigawan na ang mga tao ngunit ang tugtog ay tuloy parin, andaming dumaan sa gitna ng magkakabarkada. Nawala sila rico sa paningin nila robert

Nag ingay nanaman ang isa pang putok ng baril. Nakita kong nakahandusay na si danny sa tabi namin. Duguan ang damit nya.

robert--  "**nanlumo ako sa nakita kong yon, nag papanic na ko, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Baka mamaya, ako naman  ang tamaan ng bala**"

Babarilin na sana ni ray si max pero nakita sya ni kevin, at agad na pinaputukan ni kevin si ray, pero naharangan sya ng  mga tumatakbong mga tao kaya may ibang tinamaan ang bala ni kevin, pagbagsak ng taong tinamaan ay nagpaputok naman si mark, sa pagkakataong yon ay tinamaan na si ray. Unti unting tumulo ang dugo mula sa noo nito at unti unti rin syang bumagsak sa parang chessboard na tiles ng sahig.

Napansin nila mark na naubos na ang mga tao sa  bar.

Nakita nila ang bangkay nila danny, ray, victor at ng isang sibilyan

"Sandali.. Wala si rico..." nanginginig na sinabi ni nico

"Oo nga, baka nandyan lang sya sa tabi, nagtatago" sagot ni robert

"Tsaka baka nakatutok na ang baril nya sa isa sa atin ngayon" takot na sabi ni max

Biglang may pumutok ulit, tumama ang bala malapit sa kinatatayuan ni robert. Sinubukan nilang paputukan si rico pero nakaiwas ito at nakatakbo.

Maya maya ay narinig na nila ang sirena ng sasakyan ng pulis.

Kumaripas silang lima ng takbo. Hindi naman sila nakita ng mga pulis, pagdating nila ay wala ng tao sa bar kundi ang mga bangkay na tinamaan sa putukan.

_____________________________________________________

Patikim palang yan guys.. ^_^

-Lanze_Avellanoza

The Tradegy Of A TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon