Chapter 7

1.4K 57 3
                                    

I woke up early in the morning with hangover. Iniligpit ko na 'yong mga bote ng mga alak. Maaga pa naman kaya nagluto na ako ng hotdog at itlog.

Hindi ako nahirapan sa pagsaing dahil may rice cooker naman ako. I mentally thanked the person behind that masterpiece.

Umupo ako sa upuan at hinintay na maluto ang bigas.

Labis na hiya, sakit, at lungkot ang naramdaman ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi.

"You're fucking man in origin! And You will never be a woman!"

My heart clenched. Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. Umagang-umaga'y kung ano-ano ang inaalala ko.

"That doesn't matter. What really matters now is what and how I think I am today," I told myself. It seems like I need to revive one of my daily routines; casting my self affirmations to myself.

Kumain na ako nang maluto ang bigas pagkatapos ay nagpahinga ako bago maligo. After ko naman maligo ay sinuot ko na 'yong uniform namin.

It's my first time wearing our uniform. It's a skirt above my knees, and it's colored maroon. Long sleeve naman ang taas namin, at may necktie rin kami.

I smiled as I saw my reflection to my vanity mirror. I took a picture of myself and opened my facebook. Minyday ko 'yon at nilagyan ng smile.

Lumabas na ako dala ang aking bag at laptop. Nag-sabay pa kami ni Dagger but I never throw a glance at him.

Nilagpasan ko siya at hindi na tinapunan ng tingin. Pumasok na ako sa elevator. Pinindot ko na 'yong ground floor. It was about to close but he interrupted it with his hands.

He tsk-tsked. Hindi ko na siya pinansin pa. Nang dumating na kami sa ground floor ay nagmadali na akong pumunta sa sasakyan ko. Pinaandar ko 'yon at naghintay muna ng ilang minuto bago tumulak papuntang school.

Nang dumating ako'y pinarada ko na ang sasakyan ko sa garage. May ilang estudyante pa ang pinasadahan ako ng mga tingin, lalo na 'yong mga babae. Tinataasan ko lang sila ng kilay.

"Harvey!" Agad akong napalingon sa tumawag sa 'kin. Boses palang nito'y alam ko nang si Arthur 'yon. Nakangiti itong lumapit sa 'kin.

"Your friends told me about what happened to you. Are you okay?" Tanong nito sa 'kin.

"Yeah," tipid kong sagot sa kanya at naglakad na papuntang room ko. Palagay ko'y wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino.

Sinundan ako nito at mukhang nakuha na agad nitong wala ako sa mood na makipag-usap kaya tahimik lang siyang sinusundan ako.

Nang dumating kami sa room namin ay ibinigay nito sa akin ang notes niya sa Differential Calculus. Ang sabi nito'y may pagsusulit daw kami ro'n kaya inaral ko nalang at paminsan-minsang tinatanong siya tungkol doon.

May mga ilang notes pa itong binigay sa 'kin at pag-aralan ko raw 'yon dahil may oral recitation kami at pagsusulit pa sa mga asignaturang 'yon.

"Fuck!" I cursed. It was almost a whisper because our instructor just entered the room. Bakit kung kailan absent ako'y saka naman siya nag-discuss? Gaguhan lang, Instructor?

"Get a yellow sheet of paper," masungit nitong sabi at isinulat na nga nito ang problems sa black board.

Paminsan-minsang sumusulyap sa akin si Arthur. Itinataas nito ang kanyang yellow paper na para bang tinatanong ako kung may sagot ba ako o wala. Tumango lang ako sa kanya at ibinalik na nito ang kanyang paningin sa papel nito.

TS1: The Breeze Of His LoveWhere stories live. Discover now