Chapter 13

1.3K 54 5
                                    

"Harvey, wake up."

Dagger whispered so I slowly opened my eyes. As I went back to my senses, that was when I realized our position. I was hugging his right arm while my face was being burried to his armpit.

I sat on the bed, and stared at the mini clock beside the lampshade. Umupo rin ito, may inabot pa ito sa table pagkatapos ay may kinalikot doon.

Then suddenly the curtains at the side of our bed went side to side. The beautiful sunrise showed off.

"Pretty," I praised and smiled cordially. Napasulyap ako kay Dagger na nakangiting nakatitig sa akin.

"May muta ba ako? Tuyong laway?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang ito pagkatapos ay tumayo.

"Coffee?" Tanong nito sa akin. Tumango ako sa kanya kaya lumabas na ito. Ako nama'y tumayo at lumapit sa sofa malapit sa bintana para mas makita ko pa lalo ang Sunrise.

Hindi lang ako nagtagal at lumabas na rin ako ng kuwarto at dumiretcho sa kitchen. Nagtitimpla ito ng kape habang seryosong nakatitig sa mug nang maabutan ko siya.

"I will wander outside," paalam ko sa kanya. Napaangat ang kanyang paningin sa akin. Kumunot ang noo nito pagkatapos ay tinuro ang damit ko.

"Bumabakat," sabi nito. "I'll go with you. Wait me up here."

Sabi nito pagkatapos ay pumasok sa kuwarto. Ilang minuto ang lumipas nang lumabas ito. He's wearing a black hoodie. May hawak din itong hoodie sa kaliwang kamay nito.

"Here," inabot niya 'yon sa akin. "Wear it."

Sinuot ko na ito. Lumapit ito sa island counter at kinuha ang dalawang mug pagkatapos ay lumapit sa akin.

"Doon na natin 'to inumin," sabi nito at inabot sa akin ang kape ko pagkatapos ay hinawakan niya ang kabilang kamay ko. Hinila na ako nito palabas.

Wala masyadong tao sa labas ng hotel. Tanging 'yong mga may gusto lang din manood ng sunrise. Humigpit ang paghawak nito sa kamay ko dahilan kung bakit ako napatingin doon.

Kinilig na naman ako. Jusko! Umagang-umaga'y ganito na agad ang pinaparamdam sa akin ng lalaking 'to. Doon ko lang din napansin na pareho ang design ng aming hoodie. Para kaming magcouple sa suot namin.

Nang tuluyan kaming makalabas sa building ng hotel namin ay pumunta kami sa elevated area para mas lalong makita ang Sunrise.

"I love it," I stared at the Sunrise and appreciated its beauty. Walang ginawang pangit ang nasa taas. Lahat ng kanyang gawa'y nakamamangha at napakaganda.

"Ate pengeng barya?" Sabi sa akin ng batang babae habang kinukusot-kusot pa ang kanyang mata. Mukhang kagigising lang nito.

Kinapa ko ang bulsa ng pajama ko ngunit naaalala kong wala nga pala akong nadalang wallet. Tinapunan ko ng tingin si Dagger. He's also staring at the kid.

"Do you have coins?" Tanong ko sa kanya. Kinuha nito ang kanyang wallet at bumunot doon ng isang libo.

"Just this?" Inabot nito sa akin ang isang libo.

"Barya ang sabi ko," sabi ko sabay irap.

"Just give it to her," sabi nito dahilan para mapatingin ako sa kanya. He seemed not to give a fuck so I just gave him a "nevermind" look. Kinuha ko ang pera sa kanya.

"Here," inabot ko sa bata. "Huwag mo 'tong ibigay kani-kanino, okay? Sa mommy mo ito ibigay, o 'di kaya ay sa daddy mo dahil medyo malaki ang perang 'yan."

Tumango-tango lang ang batang babae sa akin. Nagpasalamat ito sa amin bago tumalikod at lumakad papalayo sa amin. Nang balingan ko ng tingin si Dagger ay natatawa ito ngunit agad ring tumigil.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TS1: The Breeze Of His LoveWhere stories live. Discover now