Day 3

6.9K 391 133
                                    

8:45 AM

Connor: Room number, Kid.

Seen, 9:01 AM

Ano pong room number?

Connor: Sa subject mo ngayon.

E612 po.

Bakit, Kuya?

Connor: Naiwan mo raw laptop mo.

Connor: Hindi madaan ni Rage dahil may kailangan siyang puntahan.

Hala nakakahiya.

Kahit 'wag na po.

Hindi naman necessary ang laptop ko for today po.

Connor: Nasa labas na ako ng university mo.

Connor: Wait for me outside your classroom.

Hala.

Sige po.

Pasensya na sa abala, Kuya Connor.

Si Kuya Rage talaga 😖

Connor: No problem.

Connor: Papunta na rin naman ako sa review center.

Okay.

Thank you ulit, Kuya Connor.

Connor: You're welcome.

🥺

Seen, 9:10 AM

-

Rochelle Meana

9:30 AM

Rochelle: Hoy!

Rochelle: Sino 'yon!!

Huh?

Wala kang klase?

Rochelle: Syempre meron!

Rochelle: Pero may nasagap akong chika!

Rochelle: Sino 'yong guwapong nagpunta sa classroom mo?

Rochelle: Manliligaw mo?

Rochelle: Sagot, Arzilea!!'l!!

Friend 'yon ni Kuya Rage. Si Kuya Connor.

Naiwan ko kasi laptop ko tapos pinadala sa kanya ni Kuya.

Rochelle: Awit marami bang guwapong friend si Kuya Rage?

Oo 😂

Kaso nga lang matanda na 😂

Hindi ka papansin n'ong mga 'yon 😂

Rochelle: Sabagay 😭

Rochelle: Pero 'yong Connor guwapo ba talaga???

Hahahahahaha!

Rochelle: Haha means yes 🤨

Hahahahahaha!

Rochelle: Nililigawan ka???

Gagi hindi.

Kid nga tawag sa 'kin 😂

Rochelle: Ay parang may panghihinayang ah.

Rochelle: Type mo?

Hahahahaha!

Rochelle: Haha means yes talaga.

Rochelle: Arzilea!!'

Bye na.

Nandyan na prof ko.

🥺

Rochelle: Aba Arzilea!

Rochelle: Punta tayong SM mamaya! Bili tayong pocketbooks, ha!

Okay.

Rochelle: Tapos kuwento mo 'yong delivery boy mo ng laptop.

Rochelle: I mean delivery man 🤣

Loka hahahahaha

Seen, 9:50 AM

-

Connor Arke

8:34 PM

Kuya Connor?

Seen, 8:45 PM

Connor: Why.

Mahilig ka ba sa sweets?

Connor: Okay lang.

Okay po.

May iaabot po ako kay Kuya Rage.

I hope you'd like it ☺️

Connor: You didn't have to bother.

Kapalit lang po nang pagdala mo ng laptop ko kanina 🥺

Connor: Fine.

Connor: Thanks.

Connor: Nakauwi ka na?

Opo.

Gumagawa ng report ☹️

Connor: 'Wag ka puro chat.

Sabi ko nga po, eh.

😖

Connor: Aral na.

Okay po.

Connor: One more thing.

Po?

Connor: 'Wag mo na akong i-po. I feel so old.

Matanda ka naman na talaga, Kuya Connor.

Joke.

HAHAHAHAHAHA

Connor: Tf.

Hahahahaha!

Connor: Mag-aral ka na.

Okay.

🥺

Connor: Go.

🥺

Seen, 8:59 PM

-

Note: Wala pong halong favoritism ang update na 'to. Hindi ko po mas love si Connor over Hel, ah 🤣🤣🤣 Your comments and votes are very much appreciated kaya sana mag-leave kayo ng comments. Thank you so much for supporting and loving Ekis Babies 💙🖤

Almost Mine (Ekis Babies #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon