Day 9

5.4K 434 514
                                    

2:45 PM

Malapit na birthday ko, Kuya Connor 🙆🏻‍♀️

Seen, 2:47 PM

Connor: Happy birthday.

Aba.

Connor: Ginoong Maria.

😩

I'll be eighteen next week 🙆🏻‍♀️

Connor: And so? Hmm?

Wala lang. Inform lang kita. Haha.

Connor: Manghihingi ka lang ng regalo, eh.

Objection, your Honor!

Connor: Wala ka bang klase?

Groupings lang hehe

Medyo tamad kasi prof namin. 2pm-3pm ang klase namin sa kanya. Tapos 20 minutes don, nagkukuwento siya ng talambuhay niya tapos the rest, groupings para sa reporting na hindi naman nagagawa 😂

Siguro kapag bigayan na ng grades, titingala na lang 'to sa kisame o kaya wheel of fortune 😂

Connor: Haha. You are in college now. May mga ganyan talagang prof.

Connor: Meron pa hindi pumapasok.

Last year may ganyan kaming prof!

Alam mo ba bilang sa isang kamay 'yong pasok niya tapos nilipat pa niyang Saturday class namin n'on tapos 'yon lang nag-iisa namin klase tuwing Saturday tapos hindi siya pumapasok pero kami kailangan pumasok kasi may attendance daw pero siya wala tapos ang grade namin ay tumataginting na 2!!!

Nasaan ang hustisya ron?!

Bumawi kami sa evaluation akala niya ha! 😝

Connor: Haha.

Alam mo ba malala?! Pinagalitan ako ni Kuya Rage kasi akala niya nag-slack off ako sa klase na 'yon kasi mostly ang grades ko ay 1.5-1.75 hindi naman po sa pagyayabang hehehehe

Connor: Si Rage nga ang daming dos na grade.

TOTOO

🤭

Minsan nga nagtataka ako nag-aaral ba 'yon puro kayo gala.

Connor: Haha!

Kapag eighteen na ako gusto kong mag-try mag-bar hehe

Connor: Hmm.

Bawal ba 😂

Connor: Hindi.

Connor: Arzilea, you have to decide for yourself.

Connor: Okay lang na makinig ka kay Rage, sa amin nila Thane, pero kailangan mo rin isipin at gawin kung ano ba ang gusto mo.

Connor: Decide for yourself and be smart about those decisions you are going to make.

Screenshot ko 'to tapos pakita ko kay Rage Madrigal!

Connor: Haha!

Almost Mine (Ekis Babies #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon